MARAMING customers ng MAYNILAD ang natuwa nang biglang bumaba ang kanilang WATER BILL.
Mayroong mula P900 ay naging P163 na lang ang binayaran nitong nakaraang Disyemre 2013. Dahil sa laki ng ibinawas sa kanilang water bill, s’yempre tuwang-tuwang ang mga subscriber.
Kung bakit nagkaganito?
Ito po ang paliwanag ng MAYNILAD:
Nag-refinance umano sila ng utang sa halagang US$ 121 milyon noong panahon na malakas ang peso kaysa dolyar.
Nagresulta umano ito sa one-time foreign exchange (forex) gain na P978 milyones.
Ang gain umano na ito ang ibinalik nila sa mga customer sa pamamagitan ng negative Foreign Currency Differetnial Adjustment (FCDA), katumbas ng P3.90/cu.m. (average).
Sinimulan umano ito noong Hunyo 2013 at tinatayang matatapos hanggang Enero 14.
MAYNILAD, marami ang nagpapasalamat sa inyong mga customer.
Wish lang namin na kapag bumalik sa normal na paniningil ay huwag ninyo kaming singilin nang triple.
Anyway, salamat … salamat.
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com