Nakakalaki ba ng boobs kapag palaging nilalamas?
AZALEA
Dear Azalea,
Nakatutulong ang paglamas ng boobs sa paglaki nito pero hindi dapat sobrang madiin ang paglamas dahil baka maapektohan ang breast tissue na maaaring lumuwag at baka lumaylay.
Nirerekomenda nga na masahiin ang ating mga suso ng 2-3 beses sa isang linggo para mawala ang pag-buildup ng toxins at para rin maging maganda ang blood circulation ng ating lympa-thic system.
Nakatutulong din ang exercise sa paglaki ng ating suso tulad ng push-ups, 2-3 sets ng 10 push-ups sa isang araw.
Kelangan mo rin kumain ng mga pagkaing may estrogen tulad ng monggo beans, cheese, yogurt, mga prutas gaya ng apples, cherries, plums, mga gulay na beets, carrots, cucumbers. Naka-tutulong din ang rice, barley, wheat pati na rin ang mga spices na sage, clover at oregano.
Kung mababa ang estrogen level mo kelangan mong kumain ng phytoestrogen tulad ng mga nuts na pistachios, walnuts, cashews at chesnuts. Mga prutas gaya ng peaches, strawberries at raspberries. Mga green beans ay nakatutulong din at uminom ng red wine, white wine, black tea at green tea.
Importante rin na tama ang bra size mo. Dahil kung maliit ang bra na suot mo kaysa breast size mo magmumukhang maliit ang suso mo samantala kung mas malaki ang bra mo kaysa breast size mo ay magmumukhang lawlaw naman. Kung ikaw ay may natural na malaking breast size dapat ang band ng bra mo ay malapad at may 3 hooks para mas maganda ang suporta sa suso mo.
Importante rin ang posture, kai-langan diretso ang spine mo, pati na rin ang balikat mo para magmukhang confident at mas malaki ang iyong suso.
Sana ay makatulong ‘to sa ‘yo.
Love,
Francine
***
Try Me! Sa mga problema ninyo sa Love, Pamilya, Sex at Relasyon nandito ako handang sagutin base sa aking sariling opinyon, paniniwala at research. Nasa sa inyo pa rin kung ano ang susundin ninyo, ako ay option lamang. You can email me [email protected] or text me 0939-9596777