BUKOD sa kahalagahan ng good chi para sa good feng shui, importante ring regular na ma-tsek ang pagdaloy ng enerhiya sa inyong bahay. Sikaping makabuo ng magandang daloy ng chi saan mang lugar na iyong nilalagyan ng dekorasyon, ipinare-renovate, o sa pagpoposisyon ng furniture para sa better feng shui.
Ang isa sa basic ways ng pag-tsek ng daloy ng enerhiya sa inyong bahay ay ang pag-imagine sa Chi, o enerhiya, bilang tubig. Sa pagdaloy ba ng tubig sa inyong bahay mula sa main door, ay napapahinto ang tubig.
Ang tubig ba ay malaya at banayad na nakadadaloy sa lahat ng erya ng inyong lugar, o rumaragasa ito palabas ng back door?
May nasasalubong ba itong bara sa pagpasok sa inyong bahay, katulad ng dingding o closet na nakaharap sa main door?
Ang iba pang feng shui scenarios na posibleng maging sanhi ng pagtagas ng Chi ay ang main door na nakalinya sa back door (o malaking bintana); salamin na nakaharap sa main door; at hagdanan na nakaharap sa main door.
Tiyaking maposisyon ang inyong furniture sa paraang banayad na makadadaloy ang enerhiya sa lahat ng eryas ng inyong bahay at maiwasan ang bara at stagnant areas, katulad ng stuffed closets, halimbawa, na nagdudulot ng bad feng shui energy, o si chi.
Alamin kung paano gagamitin ang fountains, mirrors, arts, wall murals, color, at marami pang popular feng shui cure para mapagbuti ang daloy ng chi at mapakinabangan ang healthy energy sa inyong bahay.
Lady Choi