Thursday , January 9 2025

Unang Aray (Memorabol kay Inday) (Part 8)

NAPUYAT SA KAIISIP KAY INDAY  KAYA’T HINDI NAMALAYAN NI ATOY NA ‘NGANGA’ SIYANG NAKATULOG  SA SCHOOL

Tanong pa niya: “Ano ba ang type mong babae?”

“Tulad mo” ang sagot ko. Tapos, ako naman ang nagtanong: “Ikaw, ano’ng type mo sa lalaki?”

Sagot niya sa text: “Kung ang mga lalaki’y magandang babae ang gusto. Ang babae naman ay mas madaling magkagusto sa pogi. At kung gusto ng lalaki ang seksing babae, macho naman ang type ng mga babae. At sa pangkalahatan, mapa-lalaki o mapa-babae ay nagkakagusto sa opposite sex na matalino at may mata-tag na hanapbuhay.”

“Patay kang Atoy ka!” naibulong ko sa sarili sa panlulupaypay.”Kasi nga, sa buong buhay ko’y tanging sina ermat at erpat pa lang ang nakapagsabing pogi ako. Siguro nga’y feeling pogi lang ako. Lalong hindi rin ako matalino at macho. At sa kasalukuyan nga, komo nag-aaral pa lang, ay nasa kategoryang jobless ako.

Pero, isang araw ay nasabi ni Dondon na dinispatsa raw ni Inday ang lahat ng kanyang manliligaw.

“Puro busted,” paglilinaw ni Dondon.

Ikinatuwa ko ang pambibigo ni Inday sa apat niyang manliligaw. Pero sa kabila niyon ay may pangamba akong nadama. Baka kasi kapag pormal na akong nagtapat ng pag-ibig sa kanya ay mabutata rin ako. Nang manang-halian ako sa karinderya niya ay wala siya roon. Sabi ng matandang babae na tauhan niya sa tindahan, masama raw ang pakiramdam ni Inday. Kesyo nilalagnat daw.

Kinabukasan, hindi pa rin tumao sa tinda-han si Inday. ‘Yung matandang babae, kilala ko lang sa tawag na “Manang,” ang humalili sa kanya sa kaha.

“Masama pa’ng pakiramdam, e,” tugon nito sa pangungumusta ko sa kalagayan ni Inday.

Nang magbalik ako roon para kumain ng hapunan ay may bitbit na akong supot ng tatlong malalaking manggang hilaw at sawsawang bagoong. Nakisuyo ako kay Manang na pakibigay ‘yun kay Inday

Patulog na ako nang matanggap ko ang text message ni Inday: “Thank you sa mangga.”  At dahil nasabi ni Manang na hindi maganda ang kanyang pakiramdam kaya “magpagaling ka agad” ang ipinadala kong mensahe sa text.

Na-miss ko nang sobra-sobra si Inday. Napuyat ako sa pag-iisip sa kanya. Pero sa pagpikit ng mga mata ko, nahiling ko sa Itaas na gumaling sana agad siya sa pagkakasakit.

Sa loob ng klase, sa pagkakaupo ko sa silya ay sobra na sa pamimigat ang talukap ng aking mga mata. Nadoble ang pag-aantok ko sa subject na pinakaaayawan ko sa lahat, ang Math. Promise! Paluhod kong pasasalamatan ang Nazareno ng Quiapo kapag nakakuha ako ng kahit tres sa Calculus.

Naulinigan ko na lang ang tawanan ng mga kaklase ko. Paano nga’y nakatulog ako nang paupo, unat na unat ang dalawang paa, at nakanganga.

(Itutuloy

Rey Atalia

About hataw tabloid

Check Also

Krystall Herbal Oil, Krystall Nature Herbs

Masakit na lalamunan at pamamaos pinagaan ng Krystall Nature Herbs at Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Isang masaganang …

Researchers eye more partners to test hand-writing tool research

Researchers eye more partners to test hand-writing tool research

By Claire Bernadette A. Mondares, DOST-STII Local researchers have developed a handwriting assessment tool, are …

Year End 2024 RTEC Meeting cum SETUP iFund Awarding Ceremony Showcases Progress and Innovation

Year End 2024 RTEC Meeting cum SETUP iFund Awarding Ceremony Showcases Progress and Innovation

The Department of Science and Technology (DOST) Region 02 concluded 2024 on a high note …

2024 SETUP PRAISE Awards Recognize Excellence in MSMEs Across Region 1

2024 SETUP PRAISE Awards Recognize Excellence in MSMEs Across Region 1

The Department of Science and Technology (DOST) Regional Office 1 recognized the 2024 SETUP PRAISE …

Lipa students learn science storytelling basics

Lipa students learn science storytelling basics

By Ryan Spencer P. Secadron, DOST-STII “Effective storytelling is key to science writing,” this was …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *