Muzta senor h,
Ngdrims aq meron dw patay tas dw po meron dn kabaong , anu kya meaning nitu? Plz interpret, jst kol me boyastig ng stamesa..slmt dnt post my CP #!
To Boyastig,
Ang ganitong klase ng panaginip ay maaaring isang babala na ikaw ay naiimpluwensiyahan ng mga taong negatibo at ikaw ay nakikihalubilo rin sa mga maling grupo. Ito ay maaaring magdulot sa iyo ng material loss. Ito ay posible rin namang isang paraan upang maresolba ang iyong damdamin sa mga yumao na. Sa specific na kaso ng bungang tulog mo, maaari rin namang ito ay nagsasaad ng nawala o bumagsak na pag-asa o kaya naman ay proyektong hindi natuloy. Ang kabaong naman ay sumisimbolo ng womb, ito ay posibleng sagisag din ng iyong pananaw at takot hinggil sa kamatayan. Alternatively, ito ay maaari rin namang nagre-represent ng ideas at habits na hindi mo na kailangan o dapat ng alisin o iwaksi. Isa pang paalala sa ganitong uri ng panaginip ay ang posibilidad ng pagdating ng period of depression. Maaaring makadama na ikaw ay confined, restricted at may kakulangan ukol sa personal na kalayaan. Maaari rin namang nagpapahiwatig ang bungang-tuloy mo ng patay o naaagnas na sitwasyon o isyu na dapat harapin. Posibleng paalala rin ito sa iyo na ngayon na ang tamang panahon upang tapusin ang ganitong sitwasyon o relasyon.
Señor H.