ANG unang clue sa “power of diamond” ay nasa pangalan nito, na ang ibig sabihin ay unbreakable sa ancient Greek.
Dahil sa matinding pagkadidikit-dikit ng atoms nito, ang diamond ang itinuturing na pinakamatigas na natural material; ito ang pinakamatigas sa antas na 10 sa 1 to 10 Mohs scale ng katigasan.
Bilang paghahambing, ang ruby at sapphire ay may katigasan sa antas na 9 at ang emerald ay 8. Mayroon lamang apat na official precious stones – ito ay ang diamonds, rubies, emeralds at sapphire.
Ang diamonds sa merkado ngayon ay maaaring natural o synthetic. Ang natural diamonds ay sinasabing pinakamatandang stone, mula sa 1 billion hanggang 3.3 billion years old. Kung ihahambing sa Earth na 4.54 billion na ang gulang, ang diamonds ay maaaring nagtataglay ng very powerful energy.
Ang halos kalahati ng natural diamonds sa merkado ay mula sa diamond mines sa Africa (Southern at Central), ang kalahati ay mula sa minahan ng Russia, Australia, Canada, Brazil at India.
Ang tinaguriang ethical diamonds (tinatawag din bilang blood free diamonds, o cruelty free diamonds) ay hindi lamang ang mula sa war-free zones, kundi ang mga diamonds mula sa environmentally responsible sources.
Lady Choi