Friday , November 22 2024

‘Corruption in-tandem’ dinaig ang Riding in-tandem sa Pasay City

00 Bulabugin JSY
BALITA natin ‘e maraming PNP career officials ang tumatanggi nang magpa-deploy sa Pasay City.

Hindi dahil sa hindi nila kaya ang trabaho kundi dahil sa kawalan ng pakialam umano ng Pasay City local government na tumulong para bawasan kung hindi man matuldukan ang sunod-sunod na pamamaslang, holdapan,illegal na droga, ambush sa nasabing lungsod.

Gaya ng pinakahuling insidente ng ambush sa isang Chinese family at sinundan agad ng pagpaslang sa isang pulis ng riding in-tandem

Pinalad na makaligtas sa kamatayan ang Chinese family kahit na nga umabot ng walong bala ng kalibre .45 ang ipinaulan sa kanila. Pero ang pulis na kaangkas ang dalawang anak ay tuluyang namatay dahil sa mga tama ng bala sa ulo at iba’t ibang parte ng katawan.

Isang araw ang pagitan ng dalawang insidente pero parehong malapit sa Andrews Avenue naganap.

Huwag na po natin bilangin ang mga nakaraang krimen na ang mga suspek ay pawang riding in-tandem din.

Ganyan po katindi ang PEACE & ORDER ngayon sa Pasay City.

Pang-ilang HEPE ng Pasay PNP na nga ba si Sr. Supt. Florencio Ortilla sa ilalim ng adminsitrasyon ni Mayor Antonino Calixto?!

Tatlo lang daw ang kinahihinatnan ng mga hepe ng pulisya sa Pasay.

Una, kung straight ang hepe at nakahandang linisin ang Pasay City, t’yak hindi sila magkakasundo ng mga taga-City Hall, t’yak na rin na agad siyang mapapalitan – ibig sabihin sibak agad.

Ikalawa, kung ayaw naman makaaway ang city hall lalo na ang Kamaganak Inc., at gustong makapamulsa, kakapalan na lang niya ang mukha niya, t’yak tatagal ang panunungkulan ng chief of police sa Pasay at makikinabang pa sa nga konsesyon ng ‘TATLONG B as in B-ETLOG.’ Kaya lang may basbas ka man ng Mayor pero nakukunsumi na ang NCRPO sa talamak na krimen t’yak sibak ka pa rin.

At ikatlo, kung eengot-engot lang ang chief of police at panay lang ang ‘YES’ sa city hall, bukod sa mababatikan ang kanyang career bilang police official ‘e t’yak PURO BUKOL  pa ang kanyang aabutin … pero he can stay longer naman as chief of police.

‘Tama ba ako Kernel Ortilla?!

By the way, ano ba ang nangyari sa anim na yunit ng video karera na nakompiska mo na hindi lang pinag-uusapan sa City Hall kundi pinagtatawanan pa?!

Nang makompiska mo raw ay anim na VK machine, nang iharap kay Yorme CalixTONG ‘este’ Calixto sa flag raising ‘e apat na yunit na lang tapos wala nang motherboard (na-chop chop na)?!

Hik hik hik…anak ng tungaw!

Kernel Ortilla, hindi ka naman daw komedyante pero parang nagpapatawa ka raw?

Tsk tsk tsk …

Sa totoo lang, ang sabi ng city hall insiders natin, ‘yang riding in-tandem ay parang ‘pangkaraniwang’ pangyayari na lang sa kanilang lungsod, hindi lang sa Pasay City kundi sa buong Metro Manila, pero ang higit na nakatatakot at dapat pag-ingatan ng mga taga-Pasay ay ang CORRUPTION IN-TANDEM (father & son tandem?), na suportado ng KAMAGANAK Inc., kakontsaba ang TATLONG B-ETLOG (Bing,Boyet & Bong).

Gusto raw mapantayan ng Pasay CORRUPTION IN-TANDEM ang NAPOLES PORK BARREL scam?!

Gustong mapantayan sa dami ng nadambong?!

‘Yun ‘yon o!

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *