KAILANGAN sigurong magkaroon ng mahigpit na orientation ang security intelligence d’yan sa Solaire Casino & Hotel na pag-aari ni businessman Enrique Razon.
Isang babaeng casino financier na alyas XTN na BAN sa Resorts World Casino at dati na-BAN rin sa Pagcor ang malayang nakagagala ngayon sa Solaire Casino at doon naman naghahasik ng kanyang transaksiyones.
Actually ang babaeng ‘yan ay ang itinuturong kumukuha ng retrato sa mga VIP player at inili-leak niya sa publiko. Mas madalas ay sa social media networking pa raw.
Dahil sa reklamo ng 2 VIP players na naglalaro sa 3rd floor RW VIP gaming room na identifed kay Pasay City Mayor Tony Calixto, ini-review ng Resorts World ang kanilang CCTV at nabisto na ang babaeng ‘yan ang kumukuha pala ng picture sa mga VIP player.
Naturalmente na malalagay sa panganib ang mga VIP player kapag lumabas sa publiko ‘yan. Dahil anytime ay pwede silang holdapin o kidnapin o i-blackmail kapag nalantad na ang mukha nila sa publiko.
Kaya naman nagkaroon ng pangangailangan na i-BAN agad ang nasabing babaeng casino financier sa Resorts World.
Pero ang ipinagtataka nga natin, bakit ang babaeng ‘yan ay nakagagala at nakapag-o-operate sa SOLAIRE casino?!
Ayon sa isang Pagcor security officer, ang babaeng financier ay minsan na rin na-BAN sa mga PAGCOR casino at ang ginawa niyang pagkuha ng retrato gamit ang kanyang cellphone ay nagsisilbing isang malaking THREAT sa Casino VIP players kaya marapat lang na i-BAN siya sa iba pang mga casino.
Mr. Enrique Razon Sir, pwede bang paki-check ang intelligence unit ng iyong security force kung bakit nakalulusot ang kagaya ng babaeng ‘yan?!
Sayang naman ang malaking pinasusweldo mo sa kanila kung napapasukan ang casino mo ng mga taong may dubious personality.
Marami nang umaangal na VIP players laban sa taong ‘yan.
Hihintayin mo pa bang masira ang casino mo Mr. Razon?
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com