Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Just Call Me Lucky (Part 15)

‘DI KAMUKHA NI TATANG ALBULARYO SI KRISTO KUNDI MAS KAMUKHA  SI HUDAS

Dala ng kuryosidad, isang umaga ay mag-isa akong nagpunta sa lugar nito. Nag-usyoso ako roon. Pa-krus ang pagpapahid  nito ng langis sa maysakit. Bubulung-bulong na mistulang umuusal ng dasal. Pagkaraa’y malakas na hihipan sa bumbunan ang ulo ng ginagamot. Tapos na.

Pero kakatwa sa akin ang itsura at bihis ng matandang lalaki. Maayos na maayos ang pagkasuklay sa lagpas-balikat na buhok. Ang makapal na bigote at balbas ay pormang alaga sa gupit. Parang roba ang suot na puting-puting damit na halos sumayad sa lupa. Kahawig daw ni “Kristo” ang albularyo, anasan ng mga nasa paligid.

Tingin ko, malayo ang mukha ni Tatang sa pigura ng Kristo na nasa “Last Supper.” Mas kamukha  pa nga ang “Hudas.”  O, ‘yung kapitbahay naming kristo sa sabungan. Nagmamano rito  ang mga katandaan. Nakikigaya tuloy ang mga bata.  “Estigo santo” ang binibigkas nito sa pagbebendisyon.

Kinabagutan ko ang pagtunganga sa loob ng kubol na lugar-gamutan. Paalis na ako nang dumating doon ang isang lalaki na may karay-karay na babae. Mag-asawa pala ang dalawa at kumpare si Tatang. Ipagagamot daw ng lalaki sa albularyo ang ginang  na tingin ko’y wala namang sakit dahil mukhang  malusog … at seksi pa.

“Ano’ng problema ni mare, pare?” tanong ng matandang albularyo.

“P-parang somnambulism ang sakit n’ya, pare,” ang tugon ng lalaki.”Naglalakad habang  tulog.”

Napanganga si Tatang.

May napulot akong kaalaman at  bokabularyo sa lalaki. Somnambulism pala ang tawag sa kaso ng taong naglalakad sa panaginip.  Sa kwento ng lalaki, dalawang taon itong nagtrabaho sa abroad. Natuklasan lamang  umano nito ang pambihirang karamdaman ni misis nang magbalik-bayan kamakailan.

“Tatlong beses nang nangyari sa kumare mo na nagbangon siya sa aming higaan upang manaog ng aming bahay. Nang abutan ko sa paglalakad ay nagulat siya. Wala siya sa sarili, pare… nakatulala… Niyugyog ko ang mga balikat  n’ya kaya lang nagising,” dagdag na detal-ye sa kwento ng lalaki.

Inalam ng matandang albularyo kung saan nagtutungo ang babae sa paglalakad nang tulog. Sabi ng lalaki, doon sa likod-bahay nila, sa lumang kamalig.

Napansin ko ang mga panakaw na tingin ni Tatang sa walang kakibu-kibong babae.  Tipong malalim ang iniisip. Panay-panay ang himas nito sa mala-tutsang na bigote. Matagal-tagal itong nanahimik. Pamaya-maya’y nilapitan ang lalaki at inakbayang  palayo sa karamihan.

Pinagana  ko ang aking radar. Sabi ng matandang albularyo, walang sakit  si misis.

(Itutuloy)

Rey Atalia

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

121225 Hataw Frontpage

Ex-DPWH executives, Curlee Discaya magpa-pasko’t bagong taon sa senado

ni Niño Aclan MANANATILI sa detensiyon ng Senado ang mga dating opisyal ng Department of …

SM Supermalls VFS Global FEAT

SM Supermalls and VFS Global Seal Partnership to Bring Visa and Travel Services Closer to Filipinos

Executives Shaking Hands. SM Supermalls and VFS Global leaders seal the partnership with a handshake …

DOST PTRI Weavers

Weavers Manifesto cries for respect, support for Philippine weaves, denounces machine replicas, printed substitutes

The growing popularity of traditional handloom-woven textiles has placed Filipino weavers at a critical crossroads. …

Bulacan Lakbike Festival Teban 7

Elevating Bulacan’s eco-sports tourism
Filipino cyclists from PH, abroad conquer DRT’s mountainous trails in Lakbike Festival Teban 7

CITY OF MALOLOS — Nearly 300 racers across the country and from abroad convened for another …

Araneta City Parolan bazaar

Araneta City sparkles more this season with annual Parolan bazaar

Every holiday season, Araneta City comes alive with its beloved Christmas traditions, including the giant …