Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mommy Dionisia, dapat lang na habulin ng BIR (Kung ang anak na si Manny Pacquiao ay pwede pang makalusot! )

Pinag-uusapan ang paghahabol ng BIR at pag-freeze sa lahat ng properties at bank accounts ni boxing champ Cong. Manny Pacquiao. Kahit wala pang kasong naisasampa kay Pacquiao ay alarming ito sa panig ng boksingero lalo pa’t seryoso si BIR Commissioner Kim Henares na habulin siya at dawit pa rito ang nanay ni Manny na si Mommy Dionisia Pacquiao. Yes, nagwawala sa galit si Mommy D at tinalakan pa ang mga taga-Bureau of Internal Revenue (BIR) at tinakot pa na lalamunin sila ng lupa. Well, sa panig ni Cong. Pacquiao ang ipinaglalaban niya ay bayad na ang mga tax niya sa lahat ng mga naging laban sa iba’t ibang bansa. Pero rito kay Dionisia ay malaki ang habol ng BIR dahil malaki ang kinita niya sa showbiz na nagsimula noong 2008 hanggang 2010. Nakagawa siya ng pelikula sa Star Cinema at gumawa ng kaliwa’t kanang TV commercial na ang bayad ay milyones bawat commercial. Paliwanag ng character mom, bayad na raw siya sa kanyang buwis para sa pelikulang “Ang Tanging Pamilya” kasama sina Manila Mayor Joseph Estrada, AiAi delas Alas, Sam Milby at Toni Gonzaga. So, ang sinasabi niyang bayad siya ay sa movie lang paano naman ‘yung mga commercial na nakasama pa ang anak na si Manny sa pag-i-endoso ng isang brand ng alak. Si Bernard Cloma ang agent noon ni Mommy D baka may alam siya tungkol dito.

Just asking lang gyud!

BOY ABUNDA WINS PMPC BEST PUBLIC AFFAIRS PROGRAM HOST,  FOR THE BOTTOMLINE

Boy Abunda’s winning streak continues as he won the Best Public Affairs Program Host for Bottomline in the recently conclu-ded PMPC Star Awards for Television. Bottomline also won the Best Public Affairs Program. The King of Talk has been most awarded for his work as television host. He was inducted to the PMPC Hall of Fame as Best Showbiz Talk Show Host in 2011 having won in this category for 15 consecutive years. As a public affairs program host, Boy Abunda started with the iconic Private Conversations. The show earned for him the Best Public Affairs Program Host for many years from the PMPC. With Bottomline, Boy Abunda made successive wins as Best Public Affairs Program Host in 2010, 2011, 2012 and 2013. “The journey continues. I am still learning but I always try to give my best. I have never been more inspired to work. It gives me so much joy to be honored as such but I am also humbled by the recognition,” says Boy. Also this year, The Bottomline was adjudged Best Talk Show by the Catholic Mass Media Awards (CMMA). Aside from the PMPC and CMMA, other awards tucked under his celebrity belt include: 3rd Educators & Critics Circle Awards for Media Communications Influential Endorser of Year (2013), Best Talk Show Host in UPLB Gandingan Awards for Homeboy (2006) and Boy and Kris (2007–2008), Gantimpalang Lampara ng Kultura at Sining Outstanding Broadcast Journalist/Arts Educator, USTV Awards 2013 Best Entertainment News Program Host/The Buzz, USTV Awards 2013 Best Public Affairs Talk Show Program/The Bottomline, EdukCircle MOPiP TV Awards Most Outstanding Personality in Philippine Television In The Field Of Hosting, Gandingan Awards 2013 Best Development-Oriented Talk Show Host, Natatanging Gawad Silangan of University of the East 2013, Pasado Pampelikulang Samahan ng mga Dalubguro May Pinakamataas na Papuri Bilang Guro at Alagad ng Midya.

Pamilya Mula Candelaria At Agusan del Sur Wagi Sa Jackpot Round Ng Pamilyang Pinoy Henyo

Last Friday tatlong pamilya mula sa tatlong lugar sa Luzon ang naglalaban-laban sa Jackpot round ng Pamilyang Pinoy Henyo sa Eat Bulaga. Pagdating sa jackpot round ay nanguna ang Bustamante family sa score na 1 minute and 27 se-conds kontra sa Gimena family ng Bulacan with 2 minutes same with Lambenco family of Laguna na 2 minutes rin ang na-consumed. Dahil ang Bustamante family nga ang mabilis na nakasagot sa mga pinahulaang bagay nina Bossing Vic Sotto at Pinoy Henyo Master Joey de Leon ay sila ang nanalo ng jackpot prize na P75K. Noong Miyerkoles naman mula pa sa Mindanao sa Agu- san del Sur ang naglaro sa jackpot round ng Pa-milyang Pinoy Henyo. Sila ay ang Mompar Family na nakapag-uwi ng halagang P30K. Hindi rin naman umuwing luhaan ang kanilang mga nakalaban na Padal family ng Davao at Zamboanga na Tubigon family.

Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …