I need not edit na nor correct pa the things that my good friend Amy Perez wants to share bilang sagot na rin sa mga katanungan kung bakit, umalis na siya sa ABS-CBN eh, bumalik pa siya at kung bakit naman ang ganda na ng kalagayan niya sa TV5 eh, iniwanan pa niya:
“Hi mars! sorry for the super delayed na response di ba i told you in time i will tell you the real reason why i decided to leave TV5. What happened really was after i gave birth last Jan. went back to all my shows by mar ata yun tapos mga 3 weeks of taping for face my EP asked me if i can tape 4 episodes in a day.
“So Rowena and i talked and i explained my side na sorry hindi ko pa kakayanin kasi nga i just gave birth and CS pa ako for the first time and nag POST PARTUM DEPRESSION pa ako i think hindi nagustuhan yung sagot ko na hindi ko kaya and nagparinig na sila sa FB eh ano naman ang laban ko dun. felt so hurt and betrayed kasi sa show i always say if may problema ka harapin mo at hindi ang i FB mo.
“so i talked to percy and told him how hurt i was with what they did na nagparinig and i think she did not admit sa staff the real reason why i decided not to tape na kaya gumawa na sila ng kwento na nag diva ako, eh sa mga nakakakilala sa akin alam nilang hindi ako ganun. Just to be clear also i never asked TV5 management na magtanggal ng tao in fact sila nga lahat may work now.
“mas pinili ko ang peace of mind , Mars dyosko naman m already 44 and i still have a baby that needs me so i think tama naman decision namin ni Carlo na to let go na lang and why will i subject myself pa to all that negativity. kaya malinaw that i chose peace of mind over financial gain.
“Lucky lang din ako kasi since Dec pa naman pinapatawag na ako ng Abs. so kahit paano work pa din yun and i need to work in order for me to give a good future for our kids,kami naman ni carlo we do things together all for the good of the kids. Hope you can clear my side kasi sobrang sakit na yung mga negative na write ups about me. thanks so much God Bless and see you soon.”
May pahabol:
“And yes sure na na kami ni kuya dick mag host ng SInging Bee. Salamat ng marami mars. Hurt lang ako much kasi ako na nga ang nilaglag para ako pa pinalabas nila masama.”
These days napapanood natin si Amy sa hanay ng mga judges sa “It’s Showtime”. At inaabangan na nga ang pagsasama nilang muli ni Kuya Dick (Roderick Paulate) sa ere sa pamamagitan ng The Singing Bee.
Anak ni Maritess na si Chris, balik pag-aartista
KATSIKAHAN ko si Maritess Gutierrez sa table roon sa birthday party ni Direk Maryo J. delos Reyes sa Pepeton’s recently. Kinumusta ko sa aking friend ang kanyang anak na si Chris na nabalitaan namin na sinundan ang yapak niya sa pagiging chef. Inuusisa ko kung saan namin matitikman ang bunga ng pagiging chef ni Chris.
But according to Marites, with her eyes rolling na sabi raw sa kanya ng anak eh, he will take a break muna from being a chef. At babalikan ang pag-aartista.
“Sunod lang naman kami ng Lola niya with whatever he wants to do and what will make him happy. Kaya he did an ‘MMK’ (Maalaala Mo Kaya) episode.”
At ngayong Sabado, October 26, mapapanood na ito na ang main character ni Nene eh, gagampanan ng award-winning young actress na si Jane Oineza.
Makakasama nina Chris at Jane sa MMK sina Joey Marquez, Mickey Ferriols, Christian Vasquez, Belle Mariano, Justin Gonzales, Chris Guttierez, Marnie Lapuz, at Jerome Ventinilla.
Samantala, higit na kinilala ang husay ni Jane sa pag-arte dahil sa markado niyang pagganap sa Manika episode ng MMK noong 2012, na gumanap siya bilang isang menor de edad na ginahasa ng amain sa harap ng kanyang ina. Ang role na ito ang nagbigay-daan upang makamit niya ang best actress nomination mula sa prestiyosong 2013 New York Festivals (NYF) World’s Best Television and Film.
Ang episode tungkol sa rebeldeng anak ay sa ilalim ng direksiyon ni Nick Olanka, sa panulat ni Mary Rose Colindres at pananaliksik ni Akeem Jordan Del Rosario.
Pilar Mateo