NAKATATAWA naman ang mag-utol na sina Cagayan de Oro representative Rufus Rodriguez at ang utol niyang party-list representative na si Maxie Rodriguez.
Mantakin ninyong imbes tumulong sa pagsusulong ng Freedom of Information Bill (FOI) e naghain pa ng house bill para raw ang mga journalist ay magkaroon ng examination upang maging lehitimo?!
SONABAGAN!!!
Gusto n’yo pa kaming gawing deodorant/pampabango n’yo?!
Kunwari para sa pagtataas ng kalidad ng mga mamamahayag pero sa katotohanan iyan ay isang uri ng panunupil at panghahati o dibisyon sa hanay ng mga mamamahayag.
Congressman Rufus, Sir, dekano ka na ng batas … baka nalilimutan mo ang Article III Section 4 ng Konstitusyon natin, eto po uulitin ko lang …
Section 4. No law shall be passed abridging the freedom of speech, of expression, or of the press, or the right of the people peaceably to assemble and petition the government for redress of grievances.
Paki-review na lang po ulit representatives Rufus & Maxie!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com