Thursday , November 14 2024

Apat na heneral sa NAIA isa-isa nang ‘naglalaho’

00 Bulabugin JSY
NOONG una’y magigiting at matitikas pero nitong huli’y unti-unting nalagas.

‘Yan ang impresyon ngayon ng mga taga-Airport sa ‘apat na heneral’ na kumabit sa administrasyon ni MIAA GM JOSE ANGEL HONRADO.

Malaki kasi ang tiwala ni Pangulong Noynoy sa kanyang ‘sanpit’ na si GM HONRADO base na rin sa kanyang track record bilang military man.

Kaya naman nang dalhin ni GM HONRADO ang apat na retiradong heneral sa kanyang administrasyon ay wala tayong narinig na pagtutol mula sa Palasyo.

Pero unang ‘nalagas sa tangkay’ ng administrasyon ni MIAA GM Bodet Honrado si dating senior assistant General Manager Antonio Bautista na sumabit sa isyu ng sexual harassment.

Sumunod na nagbitiw ay si ret. Gen. Algier Tan ng Airport Police Department.

Base sa information, hindi raw yata napagbigyan ni Gen. Tan ang dalawang maimpluwensiyang tao na sina bayaw at si uncle (Kamaganak Inc.) na may isinamang bidder pero natalo sa bidding tungkol sa daang milyon halaga ng bagong security camera (CCTV) sa airport.

Napikon daw ‘yung infuential person kaya hiningi ang kanyang ulo?

At ang masama pa raw, ay ginawan siya ng intriga at napagbintangan na ini-rig n’ya ang bidding, kaya natalo ‘yung mga bata ng maimpluwensiyang tao.

Hindi raw talaga matanggap ng natalong bidder ng Kamaganak Inc., na mas mababa ang bid ng nanalong contractor.

Nitong nakaraang dalawang linggo, ang pumutok na balita, nag-RESIGN na rin si MIAA assistant general manager ret. B/Gen. Salvador Peñaflor.

Ayon sa ating source,  nilayasan ‘este’ nag-resign si Peñaflor dahil hindi inaksyonan ang kanyang reklamo sa ‘masamang’ performance ng Lockheed Detective And Watchman Agency Inc sa airport.

‘E sino ba ang magkakalakas ng loob na pakialaman ‘yang Lockheed ‘e protektado ni PAPA SENATOR ‘yan.

Kaya ngayon daw, ang natitirang HENERAL na lang sa Airport ay SAGM ret. Gen. Vicente Guerzon …

Hanggang kailan naman kaya TATAGAL si AGM ret. GEN. GUERZON?

Abangan!

 

 Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *