NANININDIGAN si Parañaque Mayor EDWIN OLIVAREZ na sa kanyang termino ay hindi siya magtataas ng buwis sa REALTY. Kahit ‘yan pa ang ipinapayo ng Commission on Audit (COA).
Aniya, ang kailangan ay ‘EFFICIENT COLLECTION’ ng buwis hindi ang pagtataas ng buwis.
Sinabi niya ito nang basbasan ang bagong treasurer’s office at taxpayer’s lounge sa city hall nitong nakaraang Huwebes.
Inuulit din ni Mayor Olivarez ang kanyang posisyon laban sa Ordinance No. 11-11 na nagtatakda ng pagtataas ng real property market values na ipinasa ng dating administrasyon noong October 2011.
Ang nasabing Ordinansa ay nakabatay umano sa panawagan ng Local Government Code para sa revision ng real property value assessment kada tatlong taon. Ang huling assessment umano sa lungsod ay noong 1997.
Pero kinontra ito sa Supreme Court ng grupo ng mga homeowners association at nakakuha ng temporary restraining order (TRO) kaya nasuspendi ang implementasyon nito sa November 2011.
Kaya nga maraming natuwang Parañaqueño.
Naniniwala tayo sa kasabihang ang mabuting mamamayan ay nagbabayad ng tamang buwis. Pero naniniwala rin tayo na ang mabuting pamahalaan ay naglilingkod nang tama at tapat sa kanyang mamamayan.
Naniniwala rin tayo sa sinasabi ni Mayor Edwin Olivarez na mas tumpak na magkaroon muna ng efficient tax collection kaysa magtaas nang magtaas ng realty tax.
At d’yan natin masasalamin ang isang mahusay na pinuno ng bayan.
Mabuhay ka Mayor Edwin Olivarez!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com