For where two or three come together in my name, there am I with them.—Matthew 18:20
SA loob ng mahigit dalawang taon sa piitan, sari-sari ang natatangap natin mga alok para matapos na ang “fabricated case” laban sa inyong lingkod at tatahimik na raw umano ang ating buhay.
Nariyan ang tangkang pangingikil sa atin ng P5 milyon kapalit ng ating kalayaan , kesyo mabubulok daw tayo sa kulungan at iba pang paraan upang tayo ay sumuko sa kanila.
***
NARIYAN din na kesyo mauubos lamang ang ating mga naipon sa kababayad sa mga abogado at maghihirap daw tayo kapag ipinilit ko pa rin lumaban sa kaso.
But I believe I’m a victim of malicious prosecution. Mga krimen kagagawan ng away sa frat ay ibinintang sa atin. Ito ay isang frame-up lang lahat!
Kaya naman hindi tayo nagpatalo!
***
PUBLIC record naman ito mga Kabarangay, hindi tayo nabasahan ng sakdal sa korte sa loob ng dalawang taon; nasilip din ng Department of Justice (DOJ) na walang basehan ang kaso dahil sa mga pagbawi ng mga testigo sa kanilang testimonya; dalawang beses na rin nagdesisyon ang Parañaque RTC na i-withdraw na ang kaso dahil sa kawalan ng sapat na merito at katibayan na magdidiin sa atin sa krimen.
At ang huli, ang desisyon ng Supreme Court Third Division na nagpapatibay sa desisyon ng lower court na i-withdraw na ang kasong murder laban sa atin.
***
NARITO ang huling bahagi ng desisyon ng 3rd Division ng Korte Suprema sa ating isinumiteng Petition For Review On Certiorari laban sa Court of Appeals at kay Fiscal Orda.
Hindi tayo nabigo:
“WHEREFORE, premises considered, the petition (Ligaya Santos et al) is GRANTED. The Court of Appeals decision dated May 20, 2009 and its Resolution dated September 10, 2009 are REVERSED AND SET ASIDE. The Orders of the Regional Trial Court Branch 274, dated September 30,2005 and December 28, 2005 and REINSTATED.”
SO ORDERED.
Antonio Eduardo B. Nachura
Associate Justice
WE CONCUR:
Renato C. Corona
Associate Justice, Chairperson
Presbitero J. Velasco
Associate Justice
Diosdado M. Peralta
Associate Justice
Jose Catral Mendoza
Associate Justice
DAHIL dito, tayo naman ang bumawi at nagsampa ng kasong perjury laban sa kampo ni Orda. Siya naman ang akusado at tayo ngayon ang complainant.
Sa kasalukuyan ay nililitis ng Parañaque RTC ang kaso ni Orda. Minabuti natin magsampa ng kaso upang maibalik ang nawalang dangal ng ating pagkatao. Wala tayong ano mang danyos o salaping inilalaban dito mga Kabarangay, kundi maibalik lamang ang nasira natin pangalan.
Wala itong urungan!
REKLAMO’T SUMBONG SA TEXT
BIGYANG-DAAN natin ang mga nagpapadala ng mensahe sa atin sa pamamagitan ng texts. Mga reklamo’t sumbong na dapat aksyonan ng mga local officials ng Maynila.
Dpat po sipain ni myor erap ‘yan c emma del rosario tga accounting, phirap cya s mga bgy chairmen ng mynila asap sna—number withheld
***
Nagkalat na nman po mga vendors sa gita ng kalsada ng Blumentritt, kala ko po totoo n ang pagli2nis sa mga illegal vendors, c Mr. Tony Dacles po ito avid reader ng column nyo sa hataw araw2 taga brgy 216 ako dist 2 ng tondo mla
***
Hello po sa mga dumaraming mga prblema sa Mynila ngaun ba napalitan c dating mayor fred lim, alam naman natin kung cnung may kasalanan. Ang iniisip kasi para lamamg cla ay sumikat at magpasikat—090910625+++
***
To mayor erap and traffic bureau pakisilip naman kalsada dito s moriones tundo, bagong semento ang kalsada pero ginagawang warking area hindi sa gilid ng kalsada kundi sa gtna pa mismo, susme nagkatrapik-trapik tuloy—09175478+++
***
Chairwoman Santos, bkt po d2 sa amin, konti lng mga tanod pero ung record 20 nakalista d2 s brgy 267 Zone 24.
Pakigcing naman Chairman d2 pati kagawad! —093336453+++
***
Balik po ule mga tricycle d2 sa knto ng Abad santos LRT station kaya nagkatrapik trapik na nman, ningas kugon lng ang pagpo2ste kunwari ng mga pulis knbukasan nakahmabalang ule cla sa kalsada ng rizal avenue extention, paging kay major sagaysay mgkarun ka nman sana ng saysay! —09194231887+++
***
Napaktrapik na po s mynila, kaliwa’t kanan ang trapik, ano nb ang nangya2ri sa ating traffic czar?—anonymous
Chairwoman Ligaya V. Santos