Sunday , December 22 2024

Tama lang na magbakasyon muna kayo

KUNG mahihiya lamang ang lahat ng mga pul-politiko na nasangkot sa multi-bilyong pisong pork barrel scam ay dapat muna silang magbakasyon mula sa poder na kinaluluklukan upang hindi nila maimpluwensyahan ang mga pangyayari ngayon kaugnay ng eskandalong ito.

Sige na nga, sang-ayon ako na inosente kayo hangga’t hindi napapatunayan na kayo ay may sala pero ang pagbabakasyon ay hindi nangangahulugan na kayo ay may kasalanan. Ang ibig sabihin lang nito ay may delicadeza kayo. ‘Yun lang, hindi komplikado ang dahilan.

Makapangyarihan  ang mataas ninyong posisyon. ‘Yun nga ang dahilan kaya may palagay kayo na lahat nang inyong ginagawa ay tama. Ito rin ang punong dahilan kaya maaaring maimpluwensyahan ninyo ang mga bagay-bagay na “hindi sinasadya.” Maraming madaling masilaw sa yaman at kapangyarihan ninyong taglay dahilan para madali ninyong mapasunod sa inyong kagustuhan ang kung sino-sino d’yan. Ito ang iniiwasan natin.

Siguro ito ang panahon para pakinggan ninyo si Sen. Miriam Defensor Santiago sa kanyang panukala na kayo ay mag-voluntary leave of absence. Delicadeza lang ang gabay ninyo sa desisyong ito…’yun ay kung mayroon pa kayo.

* * *

Marami ang nakapupuna na puro kalaban sa politika ang inihabla ng National Bureau of Investigation kaugnay ng pork barrel scam. Tanong nila ay bakit hindi nakasama o naimbestigahan man lamang ang mga kaalyado ni Pangulong Benigno Simeon Aquino III. Ito rin ang napuna ni Navotas Rep. Toby tiangco.

Ayon sa listahan ng Commission on Audit may ilang kaalyado si B.S. Aquino na umano ay malaki kundi man kulang sa paliwanag ang nagamit na pork barrel. Pero tila walang imbestigasyong ginawa sa kanila ang NBI.

Kabilang sa mga kakampi ni B.S. Aquinmo na nasa listahan ay sina dating CIBAC Rep. Joel Villanueva, dating Muntinlupa Rep. Ruffy Biazon, dating Senador Edgardo Angara, Reps. Niel Tupas, Isidro Ungab, at Sen. Peter Cayetano.

Dapat nga sigurong tingnan ng NBI kung talagang “above board” at hindi nalustay sa anomalya ang pork barrel nila.

* * *

Sa Sabado ay gugunitain ng sambayanan ang ika-41 taon pagdedeklara ng martial law ni Ferdinand Marcos, ang umpisa ng kanyang diktadura na tumagal hanggang 1986. Sinayang ni Marcos ang pagkakataon na tuluyang baguhin ang lipunan.

Giniba nga niya ang oligarkiya pero pinalitan naman niya ng kanyang mga kroni. Dinisiplina nga niya ang mamamayan pero umabuso naman ang kanyang mga tao. Nagpatayo nga siya mga gusali at nagpagawa ng mga lansangan pero ibinaon naman niya sa utang ang bayan.

Inalis nga niya ang mga private army ng mga pul-politiko, pero ginawa niyang sariling hukbo ang buong Armed Forces of the Philippines. Binago nga niya ang pamahalaan pero inalisan niya ng demokrasya ang bayan. Itinaas nga niya ang mga slogan kaugnay ng tao’t lipunan pero inalisan niya ng karapatang demokratiko ang mga mamamayan at inabuso ang kalikasan.

Ang resulta…lalong naghirap  at nawalan ng kalayaan ang mamamayan. Tama na, sobra na…hindi na dapat maulit pa ang diktadura. Ipagdiwang ang maliit na tagumpay ng mamamayan. Ito ay tamang hakbang tungo sa tunay na ikapagpapalaya ng sambayanan mula sa oligarkiya at dayuhang puwersa.

* * *

Kung ibig ninyong maligo sa isang pribadong hot spring ay pumunta kayo sa Infinity Resort, Indigo Bay Subdivision, barangay Bagong Kalsada, Lungsod ng Calamba. Malapit lamang ito sa Metro Manila at mula rito ay tanaw ninyo ang banal na bundok Makiling.

Kontakin ninyo si Gene Lorenzo sa [email protected] para sa karagdagang impormasyon.

Nelson Forte Flores

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *