Sunday , December 22 2024

Suspension ilabas na agad ng Ombudsman

00 Bulabugin JSY

HUMIHIRIT ang Ombudsman na sa dami ng ebidensiyang ipinasa ng Department of Justice (DoJ) at National Bureau of Investigation (NBI) ay baka abutin pa sila hanggang 2014 bago maisampa ang mga kaso laban sa mga sangkot sa P10-billion pork barrel scam.

Ang swerte mo naman Janet Lim Napoles!

Magkaganoon man ‘e marami ang humihiling na sana ay suspendihin na rin agad ang mga sangkot na mambabatas o kaya ay kusa silang maghain ng leave of absence para hindi nila magamit ang kanilang posisyon at impluwensiya sa kasong isinampa laban sa kanila.

Isama na rin na i-freeze ang kanilang bank accounts and other properties.

Lalo na nga raw ‘yang si Tanda, Sexy at Pogi!

O hindi ba?!

Kung talagang malinis ang konsensiya ninyong mga mambababoy ‘este’ mambabatas kayo ‘e  maghain na kayo ng leave of absence para naman maramdaman ng sambayanan na seryoso ang pamahalaang ito na parusahan ang mga government officials na walang ginawa kundi LUSTAYIN ang kwarta ng bayan.

Madam Conchita Carpio Morales, malinaw naman na mayroong probable cause, bakit hindi pa ilabas ang preventive suspension para naman may makitang ‘aninaw ng katarungan’ ang sambayanan.

Suspendihin na sina Tanda, Pogi, Sexy atbp!

WHAT’S THE TRUTH BEHIND ret. GEN. ALGIER TAN RESIGNATION?

NAG-RESIGN na pala si Ret. Gen. Algier Tan, ang Hepe ng Airport Police Department (APD).

Base sa information na nakalap ko, hindi raw yata napagbigyan ni Gen. Tan ang dalawang maimpluwensiyang tao na sina bayaw at si uncle (Kamaganak Inc.) na may isinamang bidder pero natalo sa bidding tungkol sa daang milyon halaga ng bagong security camera (CCTV) sa airport.

Napikon daw ‘yung infuential person kaya hiningi ang kanyang ulo?

At ang masama pa raw, ay ginawan siya ng intriga at napagbintangan na ini-rig nya ang bidding, kaya natalo ‘yung mga bata ng maimpluwensiyang tao.

Hindi raw talaga matanggap ng natalong bidder ng Kamaganak Inc., na mas mababa ang bid ng nanalong contractor.

Kasama siya BAC (Bids & Awards Committee) sa mga isinailalim sa lie detector test as per request ng isang MIAA official na isinagawa ng NBI several months ago.

Negatibo raw ang naging resulta ng polygraph test in so far as those who were subjected to it, kasama si Gen. Tan.

In short, vindicated si Gen. Tan!

Kaya noong nagkaroon ng isang MIAA ManCom, pormal na inihain ni Gen. Tan ang kanyang irrevocable resignation.

According to him, kapag nagkaroon na ng lamat ang pagsasama between co-peers, mahirap na itong maibalik pa sa dati.

Ayaw daw niyang mapagsuspetsahan pa siya ng kung ano ano.

Tama lang ang ginawa ni Gen. Algier Tan.

Ipinakita lang niya na siya ay may prinsipyo at delicadeza.

Kaya naman sumasaludo ako sa kanya!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *