Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

NOTAM inalis na sa Zambo airports (2 commercial flights unang lilipad)

091913_FRONT

INIHAYAG ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) kahapon ang pag-alis sa Notice to Airman (No-tam) na ipinalabas hanggang Setyembre 21, 2013 bunsod ng pagbuti ng sitwasyon sa Zamboanga International Airport.

Pansamantala dalawang commercial flights lamang muna ang pinayagan ng CAAP na makalipad ngayong Huwebes, ito ay ang PAL Express at Cebu Pacific Air, ayon kay CAAP Deputy Director General John Andrews.

Limitado rin sa isang bagahe ang maaaring madala ng bawa’t pasahero, aniya, sasama siya mismo sa naturang flight upang matiyak na masusunod ang kautusan ng ahensya.

Aniya, wala nang nagbabantang panganib sa Zamboanga airport dahil kontrolado ito ng pamahalaan, at nakita nila ito nang mismong magsagawa sila ng assessment sa naturang lugar.

Patuloy rin na magsasagawa ng assessment ang CAAP sa Zamboanga City upang tiyakin na maaaring pahintulutan sa Biyernes ang paglipad ng apat pang flights.

Sa kabila nito, patuloy na hindi pinapayagan ang night operation ng commercial flights sa Zamboanga airport dahil sa umiiral na curfew sa naturang siyudad.

Ayon sa CAAP, umabot na sa halos 7,000 pasahero ang naapektohan sa mahigit isang linggong pagsasara ng Zamboanga International Airport dahil sa kaguluhan.

Napag-alaman na mahigit 5,000 pasahero mula sa Cebu Pacific ang apektado habang 1,200 naman sa PAL Express.

ni GLORIA GALUNO

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

Alex Eala

Eala pinatalsik si Sakatsume, pasok sa quarters

SA KABILA ng makapal na benda sa kanyang kanang hita, nagpakita ng katatagan si Alex …

Bomb Threat Scare

Empleyado ng NAIA tiklo sa ‘bomb joke’

DINAKIP ng mga awtoridad ang isang empleyado ng Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 matapos …