Friday , November 15 2024

Anong suspend? Buwagin ang SK!

MALINAW pa sa sikat ng haring araw ang kapalpakan ng Sangguniang Kabataan (SK) system. Bukod sa duplikasyon ng mga magagastos na proyekto na ginagawa naman ng mga konseho ng barangay, nagiging gatasan lang ang SK ng mga anak at kamag-anak ng mga nakaupong opisyal sa loka. Aminin man ninyo o hindi, mga kanayon, totoo ito. Karamihan sa mga batang humahabol diyan ay itinulak lamang ng mga magulang dahil sa SK ay may scholarship. Bukod dito, 10 porsiyento ng general fund ng Barangay Council ay share ng SK. Ibig sabihin, sa murang edad ng mga kabataan e nasasanay na silang humawak ng salapi na karaniwan ay nababahiran ng dumi. Hindi po ba, mga kupitan, este kapitan?

Umikot po kayo sa inyong sariling lugar ngayon. ‘Yan ang hamon ko. Isa-isahin ninyo ang mga nakaupo o mga nagnanais tumakbo sa SK sa darating na halalan. Pamilyar ba ang mga apelyido? Ilan ang anak ni kapitan? Ilan ang anak ng mayayaman?

Noon pa man, paulit-ulit ako sa posisyong dapat nang buwagin ang walang kuwentang sistema ng SK. Dapat diyan ay boluntaryo. Walang ipinangangalandakang kuwarta o pribilehiyo. Tinuturuan lamang ng kasalukuyang sistema na umasa sa BIYAYA o kapalit na PAKINABANG ang mga kawawang kabataan.

Kahit sinong SK official ang makipagtalo sa kin dito maghapon tatayuan po natin. Hindi puwedeng magmalinis sa isyung ito. Ang tunay na Youth Movement ay walang kapalit na halaga. Walang impluwensiya ng mga magulang na karaniwan ay corrupt sa pamamahala. Uulitin ko, huwag na po magmalinis. Maawa kayo sa mga anak ninyo na tinuturuan ninyong pumasok sa napakarumi at napakagulong mundo ng politika.

Nitong mga nakaraang araw, inaprubahan na sa Senado at Mababang Kapulungan ang bill na magpapaliban muna sa SK elections na kasabay sana ng Barangay elections sa isang buwan. Simula ito ng katapusan ng buktot na sistema na binahiran ng dungis ng mga ugok na matatandang politiko.

Nakatakda na rin gawing certified bill ni P-Noy ang naturang panukala kaya’t tiyak na mapapabilis ang pagpasa nito. Kasabay sa pagpapaliban ng ng halalan ng kabataan ay ang pagpapalawig naman sa termino ng mga kasalukuyang nakaupo. Hay naku! E pano kung wala ngang nagawa?

Anyway, ang pinakamagandang solusyon dito ay ang magreserba ng isang posisyon sa konseho para sa isang kabataang konsehal. Ibig sabihin, may  boses pa rin ang kabataan sa konseho. Bagama’t umuupo naman talaga ang SK chairman (na karaniwang kamag-anak ni kapitan) sa konseho, ang tanong: E BAKIT KAILANGAN PA NG SK COUNCILORS?

Hindi magandang ehemplo ang gobyerno para sa mga kabataan dahil mismong ang sistema ng pamamahala sa Pinas ngayon ay walang kuwenta. Dalhin natin ang ating mga anak sa mas tamang daan. Bolunterismo at serbisyong walang kapalit ang kailangang ituro sa kanila. Malasakit sa kapuwa at pagmamahal sa bayang ninanakawan ng matatanda.

Korek?

Joel M. Sy Egco

About hataw tabloid

Check Also

Ai Ai de las Alas Gerald Sibayan

Ai Ai nasaktan, nalungkot, tinanggap kapalaran kay Gerald 

I-FLEXni Jun Nardo NASAKSIHAN din namin ang pagsisimula ng relasyon nina Ai Ai de las Alas at Gerald …

Hiwalayang Ai Ai-Gerald may 3rd party?

HATAWANni Ed de Leon HEADLINE sa lahat ng mga entertainment website si Ai Ai delas Alas. …

Jade Riccio

Asia’s Jewel Jade Riccio magtatanghal kasama sina Michelle Dee, Rhian, MayMay, Atasha sa Be Our Guest

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio PATULOY sa kanyang adhikaing ‘baguhin ang buhay sa pamamagitan ng …

Ronald Padriaga True FM 105.9 FM

True FM 105.9 FM mas pinalaki (‘di lang radyo mayroong TV, podcast, Youtube)

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio “IPAGPAPATULOY namin ang pagiging totoo, tunay at tapat sa lahat …

Bo Ivann Lo

Bo Ivann Lo, wish sumabak sa mga kontrabida role

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGSIMULA ang sexy actress na si Bo Ivann Lo sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *