Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

PhilHealth, AFP ibinulsa ang insentibo (UNTV Cup)

KINALDAG  ng PhilHealth ang Metro Manila Development Authority (MMDA), 77-71 upang sementuhan ang No. 4 spot sa pagtatapos ng eliminations round ng 1st UNTV Cup na ginaganap sa Treston Colelge Gym, The Fort, Taguig.

Hindi makalayo ang PhilHealth sa unang tatlong quarters subalit sa final canto ay kumalas sila nang umalagwa ang lamang sa 24 puntos upang ilista ang 3-3 win-loss card at sungkitin ang twice-to-beat advantage sa kanilang fifth place finish.

Kumana ng 23 puntos, 18 rebounds limang blocks at tatlong steals si Alex Noriega para sa PhilHealth habang nakakuha rin siya ng suporta sa opensa kina Carlo Timothy Capati na may 17 points at 10 rebounds at Richard Dominic Hernandez na nagsalpak ng 13 pts.

Pinaghatian nina Maximo Guittap at Alden Nodado ang 26 puntos para sa MMDA na nalaglag sa pang-limang puwesto sa kartang 2-4.

Kasama ng PhilHealth ang No. 3 ranked Armed Forces of the Philippines sa crossover quarterfinals match kung saan ay isang panalo lang ang kailangan nila upang sumampa sa semifinals.

Samantala, winalis ng Philippine National Police (PNP) ang kanilang anim na laro upang mangibabaw mag-isa sa top spot.

Pinosasan ng PNP ang Congress-LGU, 95-84 upang maghintay na lang ito ng makakalaban sa semis.

Pasok rin  ang Judiciary sa semis matapos itarak ang 4-2 karta.

May 4-2 baraha rin ang AFP subalit nakopo ng Judiciary ang No. 2 spot dahil tinalo nila ang una nang magharap sila sa elims.

Maghaharap sa QF crossover ang AFP at ang Congress-LGU sa Linggo ng alas 4 ng hapon habang magkikita muli ang PhilHealth at MMDA sa alas 5 :30.

Ang mananalong teams sa QF ay haharapin sa crossover match ang PNP at Judiciary.

(ARABELA PRINCESS DAWA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …

DLSU De La Salle UAAP

Green Archers, inangkin muli ang korona sa UAAP basketball

INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi …

Kira Ellis Fernando Casares SEAG

PH completes sweep of 3 triathlon golds

RAYONG, Thailand – Nilinis ng koponan ng triathlon ng Pilipinas ang lahat ng tatlong gintong …

SM MoA Adidas FIFA

SM Mall of Asia Binuksan ang Kauna-unahang adidas Football Park sa Southeast Asia

PUMASOK ang SM Supermalls sa bagong yugto ng world-class sports destinations sa paglulunsad ng kauna-unahang …

PSC BCDA New Clark City

PSC at BCDA, pinagtibay ang makasaysayang pakikipagtulungan para sa training hub ng New Clark City

NEW CLARK CITY, TARLAC — Pormal na pinagtibay ng Philippine Sports Commission (PSC) noong Martes …