TUTULAK na ang 2013 National Youth Chess Championships Standard Competition sa Setyembre 27 hanggang 29 na gaganapin sa Philippine Sports Commission Conference Room, Administration Bldg., Vito Cruz, Manila.
Bukas ang torneo sa lahat ng youth players (15 years old and below), na good standing sa National Chess Federation of the Philippines (NCFP).
“Participants will compete in 10 – 15 Years Old (Boys & Girls) – born not earlier than January 1, 1998 and not later than December 31, 2003 and 9 Years Old & Below (Boys & Girls) – born on or after January 1, 2004. Participants must submit a copy of his/her birth or baptismal certificate as proof of age,” sabi ng organizing committee.
Five (5) Rounds Swiss System format ang ipatutupad kung saan ang top two (2) boys at top two (2) girls sa mga sumusunod na kategorya ay uusad sa Grand Finals: 15 yrs. old & below, 13 yrs old & below, 11 yrs. old & below, 9 yrs. old & below and 7 yrs. old & below.
Tampok sa three-day tournament ang outstanding chess talents sa region na magtatangka sa qualifying slots para sa national finals na gaganapin sa Manila.
Ang magwawagi sa grand finals ay magkakaroon ng privilege na katawanin ang bansa sa 2013 World Youth Chess Championships sa Disyembre 17 hanggang 24 sa Al-Ain, United Arab Emirates.
(Lovely Icao)