NAGMUKHA ngang PONCIO PILATO si Ms. SHARON CUNETA-PANGILINAN nang tila ‘nilabhan’ ang kanyang asawang si Sen. KIKO PANGILINAN at kung paano niya gastahin ang PORK BARREL na nakalaan sa kanya.
Ayon kay Ms. Shawie na inihayag niya sa kanyang Twitter account, hindi raw misused ang pork barrel ng kanyang husband.
“His (Pork barrel) was well-accounted for, napunta sa lahat (nang) dapat puntahan.”
Pero sa 462-pahinang special report ng Commission on Audit (COA), maraming kwestiyonableng pinondohan si Sen. KIKO sa kanyang PDAF/PORK BARREL 2007-2009.
Mayroong P7.3 million procurement umano para sa barangay office equipment sa Quezon City pero walang proper documentation ang nasabing transaksiyon.
Mayroon din P1,063 milyon na ipinambili umano ng Apple Macbook laptop, Nikon DSLR camera, laminating machine, Sharp DVD player, Sony digital cameras, 19″ Samsung LCD monitor at iba pa.
Nagbayad din umano si Sen. Kiko ng halagang P186,000 sa isang trading company na “not legally nor physically existing.”
Kwestiyonable din ang P2-milyon construction projects para sa Barangay South Triangle at Kamuning QC pero walang release disbursement vouchers.
Ang feeding program at distribution ng medicines na nagkakahalaga ng P599,000 pero hindi naman nangyari.
O ayan po Madam Shawie.
Ang dami palang kwestiyonable sa Pork Barrel ni Sen. KIKO ‘noted.’ Ikaw naman kasi dapat hindi ka na nagsasalita sa mga bagay na ‘yan kasi hindi mo naman talaga alam kung ano ang pasikot-sikot n’yan.
Please shut your mouth na lang kapag trabaho na ni Sen. KIKO ang pinag-uusapan.
Hindi naman teleserye ‘yan.
At ngayong alam mo na mayroon din problema si “Mr. Noted” sa kanyang pork barrel lalo na noong panahon ni GMA, ‘e pagsabihan mo na lang …
Pagsabihan mo na ‘wag niyang diskartehan ang pera ng sambayanan.
‘Di ba Ms. Shawie?!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com