DAVAO CITY – Patay na nang matagpuan ang isang babae matapos laslasin ang kanyang leeg sa loob ng inuokopahan niyang hotel room sa Davao matapos ang ilang araw na pananatili roon.
Kinilala ang biktimang si Liezel Claire Calimpo, 32, may asawa, residente ng Block 13, Lot 2, NHA Maa, Davao City.
Napag-alaman, nag-check-in ang biktima dakong 7:13 p.m. nitong Setyembre 4 at dakong 10 p.m. kamakalawa nang tumambad ang wala nang buhay na biktima matapos katukin ng room boy ang kwarto.
Tatanungin sana kung mag-e-extend pa ang biktima ngunit hindi sumasagot kaya napilitang buksan ng room boy ang pintuan ng kwarto.
Na-recover ng mga pulis ang 30 sentimetrong haba na kutsilyo na posibleng ginamit ng biktima sa paglaslas sa sariling leeg. (HNT)