Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Palasyo tikom-bibig sa kanseladong China trip ni PNoy

TIKOM ang bibig ng Malacanang sa isyu na kaya tinanggihan ng China ang pagdalo ni Pangulong Benigno Aquino III sa China-Association of South East Asian Nations  EXPO (CA-EXPO) sa Nanning, China ngayong linggo ay dahil hindi pumayag ang Punong Ehekutibo sa  tatlong kondisyong inilatag ng nasabing bansa kaugnay sa isyu sa West Philippine Sea.

Batay sa ulat, ipinaabot ng Chinese government ang mensahe na tatanggapin lang nila sa CA-EXPO si Pangulong Aquino kung hanggang Agosto 27 ay iaatras ng Filipinas ang kasong isinampa laban sa China sa isang international tribunal, at paaalisin ang mga sasakyang pandagat at mga tropang naka-istasyon sa Ayungin Shoal.

Tumanggi rin ang Palasyo na magbigay ng komentrayo kung may karapatan ang China na magbigay ng mga kondisyon sa ibang bansa na tulad ng Filipinas.

“Perhaps not to add fuel to the fire, I will not comment,” ani Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte.

Pinabulaanan din niya na ang Pangulo ang huling nakaalam na hindi siya pinayagan ng China na dumalo sa nasabing pagtitipon at hindi nagpabaya ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa pagbibigay sa kanya ng mga bagong detalye hinggil sa mga usaping panlabas.

(ROSE NOVENARIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Laoang Northern Samar PNP

Sa Laoang, Northern Samar
P.1-M cash, alahas isinauli ng nakapulot na magsasaka

PINURI ng pulisya at netizens ang isang magsasaka nang isauli ang napulot na bag na …

Maria Catalina Cabral

DPWH Ex-Usec. Cabral patay sa Tuba, Benguet

HATAW News Team PATAY ang dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) …

Marikina

Pamamahala sa trapiko at seguridad sa Pasko, tututukan ng Marikina LGU

BILANG paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mamimili at motorista ngayong Christmas season, iniutos ni Marikina …

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …