NAPAG-USAPAN SA LOOB NG SASAKYAN ANG PAGTAKBO MULI NI CONG. ROJOVILLA
Kabilang sa naging paksa nila ang pagtakbo ni Congressman Rojovilla sa pagka-gobernador sa darating na eleksiyon.
“E, sa’n ba’ng punta natin?” usisa niya kay Dodong.
“D’yan lang…”
Tumigil ang sasakyan nila ni Dodong sa isang quarry site sa harap ng nakaparadang backhoe. Halos nasa gilid na sila ng isang lampas-baywang na hukay. Dalawang malalaki at matitipunong lalaki ang sumalubong sa kanila. Pinagbuksan siya ng pintuan ng Expedition ng isa sa dalawang lalaki, at ang isa naman ay tila-umalalay sa pagbaba niya roon.
“Si Cong? Nasa’n si Ninong?” ang maagap niyang naitanong sa mga lalaking dinatnan sa lugar na hukayan ng mamahaling klase ng marmol.
Sinenyasan siya ni Dodong na maghintay. Pagkaraa’y may tinawagan ito. Naka-loud speaker ang cellphone nito nang sumagot ang nasa kabilang linya. Nabosesan agad ni Pete si Congressman Rojovilla.
“Bitbit mo na ba?”
“Yes, Sir…”
“’Tangnang ‘yan… ‘Yan ang dahilan kaya sinakote ng PDEA ang pinakamalaki kong dealer … ‘yung chairman sa kanilang barangay. Pati shabu lab, nadiskubre din sa kangangawa n’yan. At si General Palpalatoc na protector ng business ko, floating ngayon…”
(Subaybayan bukas)
Rey Atalia