TOTOO kaya na magko-concentrate muna sa showbiz si Gov. Vilma Santos pagkatapos ng kanyang termino bilang Governor ng Batangas?
Ayon sa huling panayam sa kanyang asawa na si Senator Ralph Recto ng Wow It’s Showbiz sa radio, magbababu muna raw sa politika ang Star For All Seasons.
Itinanggi rin ni Senator Ralph na tatakbong Vice President si Gov. Vi. Nagbiro pa siya na papayagan lang niya ang asawa na maging Pangulo pero Pangulo ng senior Citizen. ‘Pag nagkataon ay ito raw ang pinaka-beautiful na senior citizen.
Tinatanong ng netizens kung bakit may ganitong plano si Ate Vi?
May kinalaman ba ito sa pagkakaroon niya ng sakit kamakailan?
Senyales ba ito na tututok muna siya sa kanyang anak na si Luis Manzano at ito muna ang papapasukin sa politics?
Just asking!
Jessy, palpak ang acting sa The Trial
PINAG-UUSAPAN ang pelikulang The Trial sa umpukan ng movie press. Iisa ang sinasabi na maganda ang pelikula, magaling si John Lloyd Cruz at iiyak ka sa movie.
Pero pare-pareho rin ang puna na hindi magaling si Jessy Mendiola sa kanyang role. Mas mabibigyan pa raw ‘yun ng justice kung isang magaling na aktres ang gumanap dito.
Nagkakasundo rin na mahusay talaga sina Richard Gomez, Gretchen Barretto, Sylvia Sanchez, at Vincent De Jesus sa nasabing pelikula.
Pero may pagtatalo rin na OA raw ang isa sa apat na nabanggit. Sa sarili naming pananaw ay magagaling talaga sila. Kanya-kanyang taste lang naman ‘yan at opinion kung ano ang masasabi mo sa acting nila.
Bagamat maikli lang ang role ni Enrique Gil, mahalaga ang kanyang role na siyang magpapaikot sa takbo ng istorya. Hindi na namin sasabihin kung ano ang puna ng mga movie writer sa akting niya. At kung anong klaseng school of acting ang ipinamalas niya.
Bagamat sinto-sinto si JLC sa The Trial, mas gusto pa rin ng ilan na nagpapakilig si Lloydie sa mga rom-com.
Pero the fact na pinag-uusapan sa kumpulan ng movie press ang pelikulang ito, ibig sabihin ay interesting.
Kuwento ko nga bumilis ang tibok ng puso sa ilang eksena at nadadala ng emosyon. Sabi ko sa sarili ko kalma lang…kalma lang.. Ang dami ko kasing inubos na luha sa The Trial pero sa ending magaan naman at masaya.
Tiyak ako na hahakot ng nominasyon ang pelikulang ito at ang mga cast dahil sa pang-award nilang performance.
Sey nga ng isang press habang nagkukuwentuhan, “Ewan na lang kung matatalo pa si John Lloyd Cruz bilang best actor.”
Well, tingnan natin. May mga filmfest movies pa na parating, eh!
Yun na!
Roldan Castro