Friday , December 19 2025

Search Results for: -bit.ly/Gemini-serodnya

12 sugarol tiklo sa NE

NADAKIP ang 12 sugarol kabilang ang walong sabungero sa magkahiwalay na pagsalakay nitong Linggo, 7 Pebrero, sa lungsod ng Gapan at Science City of Muñoz, sa lalawigan ng Nueva Ecija. Ayon sa ulat ni P/Col. Jaime Santos, naaktohan ng mga operatiba ng Gapan city police station ang walong sabungero sa tupada na kinilalang sina Jefferson Velasco, financier; Joselito Catacutan, Rolando …

Read More »

Sen. Poe at anak na si Brian sumaklolo sa biktima ng sunog sa Zamboanga City

INAYUDAHAN  ni Sen. Grace Poe ang 120 homeless families sa Zamboanga City na biktima ng sunog sa Cabato Road, Brgy. Tetuan noong 6 Enero. Ipinagkaloob ang tulong sa pamamamagitan ng Panday Bayanihan, isang non-government organization na pinamumunuan ng kanyang anak na nagsisilbing chief of staff na si  Brian Poe Llamanzares. Tumanggap ang mga benepisaryo ng bags na naglalaman ng bbigas, …

Read More »

May bakuna ba tayo?

Balaraw ni Ba Ipe

HUWAG abalahin ang pagdating ng mga bakuna sa iba’t ibang panig ng bansa, ani Rodrigo Duterte sa telebisyon noong Lunes ng gabi. Akala namin marami ang bakuna, isang malaking rollout ang gagawin at milyones ang babakunahan. Trial lang pala iyon at nasa 117,000 doses ang ipamamahagi. Hindi ito aktuwal na rollout. Isang malaking trabaho ang rollout dahil nasa 110 milyon …

Read More »

Mass gathering sa Chinese New Year bawal sa Caloocan

Caloocan City

IPINAGBABAWAL ni Caloocan City Mayor Oscar “Oca” Malapitan ang kahit anong uri ng mass gathering sa lungsod sa pagdiriwang ng Chinese New Year sa Biyernes, 12 Pebrero. Sa inilabas na Executive Order 006-21, nakasaad na bawal ang street party, stage shows, parada, palaro, dragon dance at iba pang aktibidad na maaaring pagmulan ng mass gathering. Ani Malapitan, pinir­mahan niya ang …

Read More »

DOTr, LTO ‘tameme’ sa Senado

‘NATAMEME’ ang mga kinatawan ng Depart­ment of Transportation (DOTr) at Land Transportation Office (LTO) nang gisahin sila sa Senado dahil sa palpak na pagpapatupad ng Private Motor Vehicle Inspection Center (PMVIC) at pagpapatupad ng batas para sa safety child seats sa mga sasakyan. Nabigong makom­binsi ng DOTr at maging ni LTO chief, Assistant Secretary Edgar Galvante ang mga senador kung …

Read More »

Banta sa ABS-CBN vendetta sa panahon ng pandemya (Kahit may bagong franchise walang operasyon — Duterte)

ni ROSE NOVENARIO BINATIKOS ng iba’t ibang grupo ang banta ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi niya pahihintulutan ang National Telecommunications Commission (NTC) na isyuhan ng permit to operate ang ABS-CBN kahit bigyan ng prankisa ng Kongreso. “Congress is planning to restore the franchise of the Lopez. I do not have a problem if you restore it. But if you …

Read More »

Pasay city mayor positibo sa CoVid-19

NAGSAGAWA kahapon ng contact tracing ang Infectious Disease Team ng City Health Office ng Pasay City sa mga nakasalamuha ni Pasay City Mayor Emie Calixto-Rubiano matapos magpositibo ang alkalde sa CoVid-19. Sa contact tracing, kabilang ang Public Information Office (PIO) ng lungsod dahil madalas nakasasalamuha sa tanggapan ni Mayor Rubiano. Ganoon din ang lahat ng tauhan ng PIO ay isasailalim …

Read More »

2 arestado sa tupada

Sabong manok

SWAK sa kulungan ang dalawang sabungero makaraang abutan sa maaksiyong habulan nang maaktohang nagtutupada sa Malabon City, kamaka­lawa ng hapon. Kinilala ang mga nahuling nagtutupada na sina Jigger Roque, 28 anyos, isang vendor, residente sa Mallari St., Brgy. San Agustin; at si Leo Amoroto, 30 anyos , fish porter ng Block 30 Lot 24 Phase 1B Brgy. North Bay Boulevard …

Read More »

P15 bilyones kada taon parang lintang sinisipsip ng LTO sa sambayanan

LTO Money Land Transportation Office

HINDI natin alam kung saan pa nanghihiram ng kapal ng mukha ang Land Transportation Official (LTO) dahil sa kanilang mapagsamantala, mapanghuthot, at mga patakarang maliwanag pa sa sikat ng araw na matatawag na raket o holdap. At mismong ang mga mambabatas sa Senado ay nakita at napuna ang ‘eskimang’ pinagkukuwartahan ng mga ganid na opisyal sa LTO. Tahasang sinabi ni …

Read More »

P15 bilyones kada taon parang lintang sinisipsip ng LTO sa sambayanan

Bulabugin ni Jerry Yap

HINDI natin alam kung saan pa nanghihiram ng kapal ng mukha ang Land Transportation Official (LTO) dahil sa kanilang mapagsamantala, mapanghuthot, at mga patakarang maliwanag pa sa sikat ng araw na matatawag na raket o haldap. At mismong ang mga mambabatas sa Senado ay nakita at napuna ang ‘eskimang’ pinagkukuwartahan ng mga ganid na opisyal sa LTO. Tahasang sinabi ni …

Read More »

Vaccine passports dapat libre sa lahat

BINIGYAN-DIIN ni Senator Grace Poe na dapat ay libre lamang para sa lahat ng mama­mayan ang proposed vaccine passports. “Talagang dapat libre ito. Sa batas namin libre ito,” wika ni Poe. Isinasaad sa Section 10 ng panukalang batas na iniakda ni Poe na: “Vaccine Passport Act” (S. No. 1994) states no fees shall be collected for the issuance, amendment, or …

Read More »

Kris sa tanong kung mag-aasawa pa siya? Yes because gusto kong may kakwentuhan, kakulitan…

NAALIW kami sa pagbabasa ng mga tanong ng netizens kay Kris Aquino para sa  kanyang Because memes. Ito ‘yung nag-viral na interview niya kay Kim Chiu na naging bukambibig nga ang salitang ‘because.’ Kumalat iyon sa Facebook at naging trending topic sa Twitter. Nakarating iyon kay Kris kaya ginawa na niya sa kanyang Instagram t maraming netizens at celebrities ang nakisali sa pagtatanong. Aliw din naman ang mga sagot …

Read More »

JP, JC, at TBA nasa bucket lists ni Janine

HINDI pala nagdalawang-isip si Janine Gutierrez na tanggapin ang pelikulang Dito at Doon nang ialok ito sa kanya. Rason ni Janine, ”I got a text and all it said was a movie with JP Habac and JC Santos under TBA Studios. ‘Yung tatlong ‘yun, lahat nasa bucket lists ko so I was like, whatever this is, it must be good. So sabi ko yes please. …

Read More »

Para sa kapayapaan? Amnesty commission binuo ni Duterte

Duterte CPP-NPA-NDF

DESIDIDO ang administrasyon na hikayatin ang mga rebelde na magbalik-loob sa pamahalaan kaya’t isang komisyon ang binuo ni Pangulong Rodrigo Duterte para iproseso ang aplikasyon ng mga armadong nagnanais ng ‘bagong normal’ na pamumuhay. Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, nilagdaan ni Pangulong Duterte ang isang executive order na nagtatag ng National Amnesty Commission na bubuuin ng pitong miyembro mula …

Read More »

LPG depektibo, kulang sa timbang kalat sa merkado (Poe sa DOE: Solusyonan mataas na presyo)

NANAWAGAN si Senator Grace Poe sa pamunuan ng Department of Energy (DOE) na kagyat na gumawa ng aksiyon laban sa mga tiwaling negosyante na nagbebenta ng ‘pekeng’ liquefied petroleum gas (LPG) na kalimitan ay maliliit na mamimili ang nabibiktima. Ayon kay Poe, naglipana sa merkado ang mga depektibong tangke ng LPG at walang pakialam ang mga negosyante kung anong kapahamakan …

Read More »

ICTSI union leader itinumba ng tandem (4-anyos nene sugatan)

dead gun police

ISANG lider ng unyon ng mga manggagawa sa pantalan ang pinag­babaril, na kanyang ikinamatay, habang sugatan ang 4-anyos pamangking babae, sa Tondo, Maynila, nitong Linggo ng gabi, 7 Pebrero. Kinilala ng pulisya ang biktima na si Leonardo “Ka Esca” Escala, presidente ng unyon ng mga mangga­gawa  sa Manila port operator International Container Terminal Services Incorporated (ICTSI). Sa inisyal na ulat …

Read More »

Duterte sa Customs: Covid-19 vaccine ‘wag pakialaman

ni ROSE NOVENARIO INUTUSAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Bureau of Customs (BoC) na huwag pakialaman o buksan ang mga kargamentong naglalaman ng coronavirus disease (CoVid-19) vaccine na darating sa paliparan. Masyadong sensitibo o delikado ang mga bakuna kaya hindi maaaring hawakan o tanggalin sa freezer na kinalalagyan nito. Inatasan din ng Punong Ehekutibo ang Philippine National Police (PNP) na …

Read More »

8 tulak, 4 wanted persons timbog sa Bulacan PNP

Arestado ang walong hinihinalang mga tulak ng ipinagbabawal na gamot at apat na nagtatago sa batas sa drug bust at manhunt operations na isinagawa ng pulisya sa lalawigan ng Bulacan hanggang kahapon ng umaga, 8 Pebrero. Sa ulat mula kay P/Col. Lawrence Cajipe, provincial director ng Bulacan PNP, ikinasa ang serye ng anti-illegal drug operations ng mga tauhan ng Station …

Read More »

Opisyal ng PRO Duterte group timbog sa 3.9 kilo ng damo

Duterte Marijuana tsongki

ISANG pinaniniwalaang auditor ng Mayor Rodrigo Roa Duterte-National Executive Coordinating Committee (MRRD-NECC) ang nadakip nitong Biyernes, 5 Pebrero, dahil sa pagbibiyahe ng halos kalahating milyong halaga ng pinatuyong dahon ng marijuana sa lungsod ng Tabuk, sa lalawigan ng Kalinga. Naharang ng mga awtoridad ang suspek na kinilalang si Ronnel Tacata, 38 anyos, sa isang quarantine control checkpoint sa Brgy. Bantay …

Read More »

Nadine Lustre gusto na raw makipagbati kay Boss Vic del Rosario (Nauubos na raw kasi ang savings)

KUNDI yumabang at lumaki ang ulo marahil ay hindi nagkaproblema sa kanyang management (Viva Artist Agency) itong si Nadine Lustre and just like Kathryn Bernardo and Liza Soberano ay hindi mawawalan ng project ang actress. Kaso mo after kumita ang movie nila ng live-in partner na si James Reid na Diary ng Panget at teleseryeng On The Wings Of Love …

Read More »

Kasikatan noon, maayos at magandang pagpapatakbo, malaking factors sa pag-angat ni Maribel Aunor

Sabi nga nila madalas kapag artista o singer lalo na kung sikat ay may CI (corporate images). At yes totoo naman ‘yan like Maribel Aunor na hindi matatawaran ang kasikatan noong dekada 70 na umabot pa hanggang 80s kasama ang tatlo pang miyembro sa tinitiliaan noon ng mga kabataan na “Apat Na Sikat.” At bongga itong si Ma’am Maribel, after …

Read More »