Thursday , May 2 2024

News

Serye-Exclusive: Villamin, tablado sa Davao Group

ni ROSE NOVENARIO NABIGO si Soliman Villamin, Jr., a.k.a. Dexter Villamin na masungkit ang inaasam niyang suporta sa tinaguriang Davao Group o ang pangkat na pinaka­malapit sa pamilya Duterte. Sinabi ng source kamakalawa sa HATAW, nabisto umano ng Davao Group na gusto ni Villamin na ihanay sila sa mga opisyal ng adminis­trasyon na ginasgas para palabasing kakampi niya sa pekeng …

Read More »

NUJP ex-chairman sa Capiz patay sa riding-in-tandem (Sa bisperas ng World Press Freedom Day)

dead gun police

AGAD binawian ng buhay ang municipal administrator ng bayan ng Pilar, lalawigan ng Capiz, nang pagba­barilin ng dalawang suspek sa lungsod ng Roxas, nitong Linggo ng hapon, 2 Mayo. Kinilala ang bikti­mang si John Heredia, 54 anyos, kilalang betera­nong mamama­hayag at dating chairperson ng National Union of Journalists of the Philippines (NUJP)  sa naturang lalawigan bago naitalagang municipal administrator ng …

Read More »

Suporta para sa 10K Ayuda lumalawak

NAGPAHAYAG ng suporta ang mga manggagawa at ibang pang sektor noong Sabado, Labor Day, para sa panukalang magpamahagi ng P10,000 sa bawat pamilyang Filipino habang ang bansa ay patuloy na nakikipaglaban sa pandemyang dulot ng CoVid-19. Sinabi ng mga benepisaryo ng kampanyang “Sampung Libong Pag-Asa,” isang programa ni dating Speaker Alan Peter Cayetano at mga mambabatas na kasapi sa Balik …

Read More »

Kaalitan grinipohan tanod pinosasan ng mga kabaro

UMINIT ang ulo kasabay ng panahon, isang barangay tanod ang sinaksak ang kaalitan sa kahabaan ng trapiko ng mga sasakyan sa Bgy. San Patricio, sa bayan ng Mexico, lalawigan ng Pampanga, nitong Martes, 27 Abril.   Kinilala ni P/BGen. Valeriano De Leon ang suspek, ayon sa ulat ni P/Col. Arnold Thomas Ibay, na si Russel Pante, 47 anyos, may asawa, …

Read More »

Negosyanteng guro nasukol (Top 11 most wanted ng Nueva Ecija)

INARESTO ang isang guro at negosyante na sinasabing top 11 sa listahan ng mga most wanted sa bayan ng Bongabon, lalawigan ng Nueva Ecija, nitong Miyerkoles, 28 Abril, ng mga kagawad ng Bongabon Municipal Police Station sa Brgy. Social, sa nabanggit na lugar.   Kinilala ni PRO3 Director P/BGen. Valeriano De Leon ang suspek, batay sa ulat ni P/Col. Jaime …

Read More »

Drug peddler tigok sa drugbust sa Nueva Ecija

shabu drugs dead

BINAWIAN ng buhay ang isang palaban na suspek na hinihinalang tulak ng ipinagbabawal na droga nang ayaw pahuli at nakipagpalitan ng mga putok sa kanyang nakatransaksiyong mga operatiba ng Talavera Municipal Police SDEU, PIU NEPPO, at PDEA nitong Martes, 27 Abril, sa Brgy. Pag-asa, bayan ng Talavera, lalawigan ng Nueva Ecija.   Kinilala ni P/Col. Jaime Santos ang suspek, ayon …

Read More »

Anti-crime drive pinaigting 24 law breakers arestado

NADAKIP ang 24 katao, pawang lumabag sa batas sa pinaigting na kampanya laban sa krimen ng pulisya sa Bulacan hanggang kahapon ng umaga, 29 Abril.   Sa ulat kay P/Col. Lawrence Cajipe, provincial director ng Bulacan PNP, kilalang mga personalidad sa droga ang 18 sa mga suspek na naaresto sa iba’t ibang buy bust operations na ikinasa ng Station Drug …

Read More »

5 natimbog sa Bulacan (Higit P8.1-M ‘damo’ nasamsam)

NAKOMPISKA ang tinatayang P8.1-milyong halaga ng marijuana habang arestado ang lima katao sa ikinasang anti-illegal drugs operations ng Bulacan Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) bilang lead unit, Bulacan Provincial Intelligence Unit (PIU), at mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Malolos City Police Station (CPS) sa lungsod ng Malolos, nitong Miyerkoles ng hapon, 28 Abril.   Sa ulat …

Read More »

Buntot nabahag sa China #DuterteTraydor, trending sa Twitter

duterte china Philippines

NAG-TRENDING sa Twitter ang #DuterteTraydor kahapon nang aminin ni Pangulong Rodrigo Duterte na umiiwas siyang makipagdigmaan sa China kahit nakaistambay ang sasakyang pandagat ng mga Tsino sa teritoryo ng Filipinas sa West Philippine Sea (WPS).   “I’m stating it for the record. We do not want war with China. China is a good friend. Mayroon tayong utang na loob na …

Read More »

Sec. Tugade ‘nambuntis’ (Para bumida sa detalye)

HINDI dapat ‘buntisin’ o palobohin ng Department of Transportation (DoTr) ang halagang ibinigay sa national government para maglako ng ‘good news.’   Sa ilalim ng pangangasiwa ng DoTr na pinamumunuan ni Secretary Arturo Tugade, inihayag ni Infrawatch PH convenor Terry Ridon, hindi dapat mag-imbento ng numero o ulat para lamang lumikha ng ‘good news.’   Sinabi ng DoTr sa kanilang …

Read More »

‘Singaw’ na datos ‘sungaw’ (Pakulo ng troll, bistado)

philippines Corona Virus Covid-19

ISANG malaking pakulo ng bayarang troll ang iniligwak na memorandum ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) kaugnay sa pag-iisyu ng “Regular Updates on World Data on COVID-19” upang palabasin na hindi kulelat ang Filipinas sa pagtugon sa pandemya.   Nabatid, pinayohan umano ng bayarang troll ang isang mataas na opisyal ng PCOO na mag-isyu ng memorandum sa mga opisyal na …

Read More »

Community pantry ‘hinaydyak’ ni Año (Batikos para maiwasan ng gobyerno)

  ni ROSE NOVENARIO   KAHIT inisyatiba ng pribadong sektor ang nagsulputang community pantry sa buong bansa, naglabas ng guidelines ang Department of the Interior ang Local Government (DILG) para sa operasyon nito. Iniulat ni DILG Secretary Eduardo Año kay Pangulong Rodrigo Duterte, ang itinakdang pamantayan ng kagawaran sa community pantries ay upang matiyak ang pagsunod sa health and safety …

Read More »

Baguio bishop tumutol sa online gambling sa Benguet

Kinalap mula sa Union of Catholic Asian News ni Tracy Cabrera BAGUIO CITY, BENGUET — Sadyang galit ang isang Obispo para kondenahin ang plano ng mga awtoridad sa Benguet na isalegal ang online gambling, partikular ang paglalaro ng electronic at tradisyonal na bingo at gayondin ang iba pang mga e-game na popular sa mga netizen at gumagamit ng social media. …

Read More »

Buy bust nauwi sa enkuwentro pusher dedbol sa Cabanatuan

WALANG buhay na bumagsak ang isang hinihinalang tulak nang makipagpalitan ng putok sa mga nakatransaksiyong mga operatiba ng Cabanatuan City Police Station SDEU sa pamumuno ni P/Maj. Barnard Danie Dasugo sa ikinasang drug bust nitong Martes, 27 Abril sa Purok Amihan, Brgy. Barrera, sa lungsod ng Cabanatuan, lalawigan ng Nueva Ecija.   Kinilala ni P/BGen. Valeriano De Leon ang suspek, …

Read More »

Criminal gang member timbog sa Mahunt Charlie ng PRO3-PNP (Sangkot sa serye ng nakawan at pamamaril)

TILA maamong tupa ang dating tigasing akusado na pinaniniwalaang miyembro ng isang criminal gang na sangkot sa serye ng robbery hold-up at pamamaril nang dakmain ng mga awtoridad sa pinaigting na Operation Manhunt Charlie ng PRO3-PNP nitong Lunes, 26 Abril sa lungsod ng Angeles, lalawigan ng Pampanga.   Kinilala ni P/BGen. Valeriano De Leon ang suspek, batay sa ulat ni …

Read More »

P102-M droga nasabat 2 tulak todas sa buy bust (Sa Taytay, Rizal)

BUMAGSAK nang walang buhay sa anti-illegal drug operation na ikinasa ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Group (PDEG) ang dalawang hinihinalang tulak habang nakompiska ang P102-milyong halaga ng droga, nitong hatinggabi ng Miyerkoles, 28 Abril, sa Highway 2000, bayan ng Taytay, lalawigan ng Rizal.   Ayon kay P/BGen. Remus Medina, direktor ng PDEG, kinilala sa alyas na Alvin ang …

Read More »

Dagdag na pension ng senior citizens (Isinusulong ni Cong. Lacson)

Helping Hand senior citizen

ISINUSULONG ni Malabon City congresswoman Jaye Lacson-Noel ang isang panukalang batas na magbibigay daan para sa karagdagang pension ng mga nakatatandang mamamayan ng bansa.   Tiwala si Congw. Lacson, susuportahan ng kanyang mga kasamahan sa House of Representatives ang kanyang panukalang batas para sa senior citizens.   Aniya, kung maipasang batas ang kanyang House Bill No. 4057, nangangahulugan ito ng …

Read More »

Pedicab driver itinumba ng 2 pasahero sa sementeryo

dead gun police

PATAY ang isang pedicab driver matapos barilin ng dalawang hindi kilalang suspek na kanyang naging pasahero sa loob ng isang sementeryo sa Malabon city, kamakalawa ng hapon.   Agad binawian ng buhay ang biktimang kinilalang si Jesus Dela Cruz, 27 anyos, residente sa Brgy. Santolan ng nasabing lungsod sanhi ng ng bala sa ulo.   Nagsagawa ng follow-up investigation ang …

Read More »

50 bahay naabo sa sunog sa Munti (Residente tumalon sa ilog)

fire sunog bombero

MAHIGIT 50 bahay ang natupok habang P1.3 milyong halaga ng aria-arian ang napinsala sa sunog na naganap sa residential areas sa Brgy. Cupang, Muntinlupa City.   Ayon sa Muntinlupa Bureau of Fire Protection pasado 1:00 a.m. kahapon nang magsimula ang sunog sa isang bahay sa Purok 2, Aquino Compound PNR site, Brgy. Cupang.   Mabilis na kumalat ang apoy sa …

Read More »

PH economic complexity tinalakay ni Angara (Sa Stanford University)

SA ISANG hindi pangkaraniwang pagkakataon, nagtalumpati sa harap ng mga mag-aaral ng Stanford University si Senador Sonny Angara at ibinahagi ang mga kritikal na usapin sa ekonomiya ng Filipinas.   Ang talumpati na ginanap via Zoom ay sumentro sa kung paanong nagagawang progresibo ng isang bansa ang takbo ng kanyang ekonomiya at kung paano ito nagiging benepisyal sa publiko, partikular …

Read More »

MECQ sa NCR Plus pinalawig (Hanggang 14 Mayo)

COVID-19 lockdown bubble

INAPROBAHAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang rekomendasyon ng mga eksperto at ng Department of Health (DOH) na palawigin hanggang 14 Mayo ang umiiral na modified enhanced community quarantine (MECQ) sa NCR Plus.   Inianunsiyo ito ng Pangulo kagabi sa kanyang Talk to the People.   Humingi ng paumanhin si Pangulong Duterte sa publiko sa desisyon niyang palawigin ang MECQ sa …

Read More »

Serye Exclusive: Pera ng investors, gagamiting campign kitty sa 2022 polls

ni Rose Novenario   HINDI maiwasang isipin ng Pa-Iwi investors at sub-farms operators ng DV Boer Farm Inc., na ang multi-bilyong pisong inilagak nilang puhunan sa agribusiness ni Soliman Villamin, Jr., a.k.a Dexter Villamin ay gagamitin sa “pag-hijack” niya sa Magsasaka partylist para sa 2022 elections.   Pinatalsik si Villamin sa Magsasaka partylist sa ginanap na general assembly noong Disyembre …

Read More »