Taguig INVEST Scholarship Program

INVEST Scholarship Program sa 30 medical students ng Taguig aprobado na

KINILALA ng Pamahalaang Lungsod ng Taguig ang unang batch ng mga iskolar sa ilalim ng INVEST Scholarship Program para sa mga medical students sa isinagawang INVEST Scholarship Awarding Ceremony – Batch Tanglaw.

Ayon kay Mayor Lani Cayetano, nasa 127 medical student ang nakapag-apply ngunit 30 lamang ang naaprobahan na makatatanggap ng kanilang scholarship at tseke para sa kanilang matrikula at sari-saring bayarin bilang bahagi ng mga benepisyo ng programa.

Sinabi ng alcalde, mahalaga ang good moral character hindi lamang ang husay sa academic kundi ‘yung values at characters ng estudyante ang isa sa tinitingnan para sa qualifications ng scholar.

Matatandaang inilunsad ang INVEST Scholarship Program noong 8 Oktubre 2025 na nagbibigay ng komprehensibong suportang pinansiyal sa mga naghahangad na maging doktor.

Paliwanag ni Mayor Cayetano, bahagi ito ng patuloy na pamumuhunan ng Pamahalaang Lungsod ng Taguig sa edukasyon at kinabukasan ng pangangalaga sa kalusugan. (NIÑO ACLAN)