Amenah Pangandaman

New Chair & CEO ng Islamic Bank
Muslim Community suportado si Amenah Pangandaman

MALUGOD at mainit na tinanggap, at pinuri ng National Community of Muslim Filipino (NCMF), ni Sulu Governor Sakur Tan, at ng mga mamamayan ng  Sulu  ang pagtatalaga kay Amenah F. Pangandaman  bilang  Chairperson at Chief Executive Officer (CEO) ng Al-Amanah Islamic Investment Bank of the Philippines (AAIIBP).

Ayon kay Tan, ang pagtatalaga kay Pangandaman ay maituturing na isang tagumpay para sa ating mga kapatid na Muslim lalo na’t  isa ito sa premier Islamic banking institution sa buong bansa na tunay na maipagmamalaki ng bawat isang Muslim Filipino.

“The Sulu Provincial Government and the people of Sulu extend our warmest congratulations to Honorable Amenah F. Pangandaman on her appointment as the Chairperson and Chief Executive Officer of the Al-Amanah Islamic Investment Bank of the Philippines. Her transition to the helm of the country’s premier Islamic banking institution is a milestone that brings immense pride to Muslim Filipinos,” pahayag ni Tan.

Sinabi ni National Commission on Muslim Filipinos Secretary Sheikh Sabuddin N. Abdurahim na malaking bagay ito upang mas mabigyan ng pansin ang pagpapalaganap ng Islamic finance sa bansa.

Itinuturing ni Tan at ng mga kapatid na Muslim na hindi kayang kuwestiyonin ang kakayahan ni Pangandaman lalo na ang ipinakita niyang paglilingkod nang siya ay nanunungkulan bilang kalihim ng  Department of Budget and Management (DBM).

Iginiit ni Tan na  hindi matatawaran ang pagiging  foundational expertise ni Pangandaman bilang  Assistant Governor ng  Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na bihasa sa angking kaalaman, talino at husay, pagdating sa usapin ng pag-iingat sa pananalapi.

Naniniwala ang Muslim community na higit na makatutulong si Pangandaman upang maproteksiyonan at mapalago ang pananalapi ng mga kapatid na Muslim.

Umaasa ang Muslim community sa tagumpay at mabuting serbisyong maihahatid sa kanila ni Pangandaman para sa tunay na progreso ng bansa.

Nagpapasalamat si Pangandaman sa tiwalang ipinagkaloob sa kanya ng mga kapatid na Muslim.

Tiniyak ni Pangandaman, gagawin niya ang lahat para pagsilibihan ang mga kapatid na Muslim at hinid bibiguin sa tiwalang ipinagkaloob sa kanya.

Ang The AAIIBP ay isang government-owned and controlled corporation (GOCC) na isinailalim sa Development Bank of the Philippines (DBP) noong 2008. Nagsimula ito noong 1973 sa ilalim ng presidential decree na nilagdaan ni dating Pangulong Ferdinand E. Marcos, Sr. (NIÑO ACLAN)