Sunday , November 17 2024

TimeLine Layout

July, 2014

  • 29 July

    P2-T 2015 nat’l budget ihahain sa Kongreso

    TINIYAK ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III, sa unang araw ng trabaho ngayong araw makaraan ang kanyang talumpati, ihahain niya sa Kongreso ang panukalang P2.606 trillion budget. Ang nasabing halaga ay ilalaan para sa 2015 national budget.

    Read More »
  • 29 July

    State workers sumugod nagprotesta vs SONA

    NAGSAGAWA nang malawakang walkout bago sumugod kahapon sa State Of The Nation Address(SONA) ni Pangulong Benigno Aquino III ang mga empleyado ng iba’t ibang sangay ng gobyerno para sumama sa kilos protesta. Pinangunahan ng Confederation for Unity, Recognition and Advancement of Government Employees (COURAGE), ang naturang rally kasama ang court employees; mga empleyado ng National Housing Authority; Department of Agrarian …

    Read More »
  • 29 July

    7 anti-SONA protesters arestado

    SINUNOG ang effigy ni Pangulong Benigno Aquino III ng mga militanteng grupo na kabilang sa mahigit 7,500 kataong dumalo sa rally kontra State Of the Nation Address (SONA) sa Commonwealth Avenue, Quezon City. (RAMON ESTABAYA) UMABOT sa pitong raliyista ang inaresto kasunod ng komprontasyon ng mga pulis at demonstrador sa Commonwealth Avenue, Quezon City Monday kahapon, habang isinasagawa ang SONA …

    Read More »
  • 29 July

    Militanteng mambabatas nag-walkout

    SABAY-SABAY na tumayo at umalis sa plenaryo ang Makabayan bloc o grupo ng mga militanteng mambabatas habang nagtatalumpati si Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III kahapon. Ayon kay Bayan Muna Rep. Neri Colmenares, hindi na nila maatim ang mga sinasabi ng Pangulo ukol sa pag-unlad na para sa kanila ay hindi maramdaman ng mga karaniwang mamamayan. Para sa kanila, malayo sa …

    Read More »
  • 29 July

    Red carpet agaw-eksena sa SONA

    PATALBUGAN sa Filipiniana gowns sa State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Noynoy Aquino kahapon. Sa bawat SONA, agaw-pansin ang red carpet fashion ng mga mambabatas at misis ng mga kongresista. Nagsisilbi rin itong showdown ng mga kilalang designer para sa kanilang mga obra. Isa na sa suki tuwing SONA ay ang designer na si Randy Ortiz. Ngayong taon, …

    Read More »
  • 29 July

    Inang buntis, 10-anyos anak utas sa Samar (Pamilya nabagsakan ng bato)

    TACLOBAN CITY – Patay ang isang buntis at ang kanyang 10-anyos anak makaraan madaganan ng malalaking bato ang kanilang barong-barong sa Maharlika Highway, Brgy. Cagnipa, sakop ng Lungsod ng Calbayog sa Samar kamakalawa. Kinilala ang mga namatay na sina Marife Monteves, 37, siyam na buwan buntis, at ang kanyang anak na si Danica. Habang nakaligtas sa trahedya ang ama na …

    Read More »
  • 29 July

    SREAT ng Silangan Nat’l High School dinodoktor (Anomalya pinaiimbestigahan sa CSC)

    HINILING ng isang grupo sa Civil Service Commission (CSC) ang imbestigasyon hinggil sa sinasabing katiwalian ng mga empleyado ng Silangan National High School sa Brgy. Silangan, San Mateo, Rizal. Sa reklamo ni Eduardo O. Aguilar, chapter coordinator ng Samahang-Grupong Bantay Mamamayan (SGBMI) Inc., sa tanggapan ni Sec. Francisco T. Duque, chairman ng CSC, may erroneous at incorrect data sa Secondary …

    Read More »
  • 29 July

    300 OFWs sa Libya ‘di sinipot ng labor officials

    MASAMA ang loob nang mahigit sa 300 overseas Filipino workers (OFWs) sa bansang Libya nang bigong makapunta ang ilang labor officials sa napag-usapang pagpupulong sa Philippine Community School sa Hawari Village, syudad ng Benghazi para mapag-usapan ang ligtas na paglikas sa nasabing bansa. Desmayadong inihayag ng isang OFW na umasa ang mga OFW na makausap ang mga opisyal at maisapinal …

    Read More »
  • 29 July

    Residente ng Pagrai, nanawagan kay Ynares vs land grabbers

    Muling nanawagan ang mga residente ng Pagrai Hills sa Barangay Mayamot kay Antipolo City Mayor Casimiro “Junjun” Ynares III na paimbestigahan ang sindikato ng land grabbing na ginagamit ang pangalan ng alkalde sa illegal na aktibidades nito. Ayon sa opisyal ng Pagrai Alliance na si Estellla Caper, mula nang magkaroon ng demolisyon ang National Housing Authority (NHA) noong nakaraang Mayo …

    Read More »
  • 29 July

    Mag-ama todas sa adik na rapist

    KAPWA wala nang buhay nang matagpuan ang isang mag-ama sa isang liblib na lugar ng Brgy. Niugan, bayan ng Angat, lalawigan ng Bulacan, makaraan tadtarin ng saksak ng hinihinalang adik na rapist sa nabanggit na lugar. Kinilala ang mga biktimang tadtad ng saksak sa kanilang katawan na si Arnel Nieves, 50, anak niyang si Michelle Nieves, 26, kap­wa residente ng …

    Read More »