Monday , November 18 2024

TimeLine Layout

September, 2014

  • 9 September

    Remedyong talyer ‘di na pwede sa MRT — NCFC

    HINDI sasapat ang ‘remedyong-talyer’ bilang lunas sa araw-araw na sinusuong na problema ng mga mananakay sa MRT ayon sa National Coalition of Filipino Consumers general counsel na si Atty. Oliver San Antonio, dahil sa maya’t mayang pagtigil ng serbisyo at sa dumadalas na pagkasira ng mga tren ng MRT. “Ang orihinal na disenyo ng MRT ay para sa 350,000 pasahero …

    Read More »
  • 9 September

    Manila truck ban ugat ng port congestion — PNoy

    INAMIN ni Pangulong Benigno Aquino III na ang Manila truck ban ang ugat ng port congestion at pagbagal ng daloy ng mga sasakyan sa Kalakhang Maynila. Sa panayam ng media sa Pangulo sa SMX Convention Center sa  SM Lanang Premier, Davao City, sinabi ng Pangulo na hindi inaasahan na ganito ang perhuwisyong mararanasan ng publiko dulot ng Manila truck ban …

    Read More »
  • 9 September

    Billy Crawford inquested na

    ISINAILALIM na sa inquest proceedings kahapon ng umaga ang TV host/actor na si Billy Joe Crawford kaugnay sa ginawang pagwawala sa Taguig Police Station 7. Ayon sa legal counsel ni Billy na si Atty. Jose Aspiras, kasong malicious mischief at disobedience to person in authority lamang ang isinampa laban sa kanyang kliyente. Makaraan ma-inquest, balik sa kustodiya ng Taguig City …

    Read More »
  • 9 September

    9 pulis-QCPD suspek sa ‘tutukan’ ng baril sa EDSA

    SIYAM na pulis ang suspek sa insidente ng tutukan ng baril sa EDSA na magugunitang nakunan ng litrato at kumalat sa social media. Sa press conference kahapon, inamin mismo ng Philippine National Police (PNP) na mga miyembro nila ang sangkot sa krimen, walo rito ang aktibo sa La Loma Police Station 1 habang isa ang matagal nang dismissed. Kinilala ang …

    Read More »
  • 9 September

    PNoy best man sa kasal nina Heart, Chiz

    KARANGALAN para kay Pangulong Benigno Aquino III ang maging ‘best man’ sa kasal nina Sen. Chiz Escudero at  Heart Evangelista sa susunod na taon. “Now, as to being best man, ano. Siyempre, I’m honored, but also I’m relieved that I wasn’t made ninong, ‘di ba,” sabi ni Pangulong Benigno Aquino III sa media interview sa SMX Convention sa SM Davao …

    Read More »
  • 9 September

    Immigration Commission tiniyak ni Rufus

    TINIYAK ni Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez ang pagpapasa ng panukalang batas na mag-aamyenda sa pitong-dekadang Philippine Immigration law para buuin ang isang komisyon bago matapos ang termino ng Aquino administration sa 2016. Sa kanyang pagsasalita sa ika-74 founding anniversary ng Bureau of Immigration (BI), sinabi ni Rodriguez dapat umanong gawing prayoridad ng Kongreso ang approval sa Commission on …

    Read More »
  • 9 September

    Ex-DoJ Sec Gonzalez, 83 pumanaw na

    PUMANAW na ang dating kalihim ng Department of Justice (DoJ) at dating kongresista ng Iloilo City na si Raul Gonzalez, Sr. Sa kanyang official Twitter account, kinompirma ng anak niyang si Dr. Marigold Gonzalez ang pagpanaw ng kanilang ama dakong 10:30 p.m. kamakalawa sa National Kidney Institute (NKI) sa Quezon City sa edad 83-anyos. Una rito, nitong Biyernes pa lang …

    Read More »
  • 9 September

    Shipyard caretaker pinalakol kritikal (Suspek bugbog-sarado)

    KRITIKAL ang kalagayan sa pagamutan ng isang shipyard caretaker makaraan palakulin sa mukha ng isang lalaki sa Navotas City kahapon ng umaga. Isinugod sa Tondo Medical Center ang biktimang si Eddie Dimakulangan, nasa hustong gulang, residente ng Brgy. San Jose ng nasabing lungsod. Habang bugbog-sarado ang suspek na kinilalang si Alvin Saani, tubong Zamboanga City, at bagong salta sa nasabing …

    Read More »
  • 9 September

    3-anyos nalunod sa septic tank

    NAGA CITY – Nalunod ang 3-anyos paslit nang mahulog sa septic tank sa Brgy. Coco, Pasacao, Camarines Sur kamakalawa. Kinilala ng biktimang si Renz Noble, 3-anyos. Naglalaro ang biktima sa likod bahay ng kanilang kapitbahay nang mahulog sa septic tank. Pinaniniwalaan ng kanyang mga magulang na nalunod ang bata sa ginagawang septic tank na may lalim na apat talampakan, dahil …

    Read More »
  • 9 September

    ‘Mangkukulam’ na lola sinilaban ng kapitbahay

    LEGAZPI CITY – Kritikal ang kalagayan sa ospital ng isang 62-anyos lola makaraan sabuyan ng gasolina at silaban ng kanyang kapitbahay sa lalawigan ng Catanduanes kamakalawa. Napag-alaman, pinaghinalaan ng suspek na si Marjal Pacay, 39, na mangkukulam ang biktimang kinilalang si Merly Tioxon, kapwa residente ng Salvacion St., Brgy. Canlubi, sa bayan ng Virac. Naglalakad ang biktima sa daan nang …

    Read More »