MEDIA at hindi si Philippine National Police (PNP) chief Alan Purisima ang sinisi ni Pangulong Benigno Aquino III sa mga ulat na tumaas ang antas ng kriminalidad at dumami ang mga police scalawag. Sa kanyang talumpati sa ginanap na “Agenda sa mga kabalikat sa reporma” kahapon sa Palasyo, sinabi niya na hindi nabibigyan ng pansin ng media ang solusyon at …
Read More »TimeLine Layout
September, 2014
-
13 September
Classroom bumigay 10 estudyante grabe (Sa Naga City)
Limang estudyante ang sugatan nang gumuho ang sahig ng isang gusali ng eskuwelahan sa Naga City kamakalawa. Ginagamot sa Naga City Hospital sanhi ng mga sugat at pasa sa katawan ang 10 biktima. Ayon kay Adelina Denido, Principal ng Sta. Cruz Elementary School, dakong 4:00 pm, nang maganap ang insidente sa Gabaldon Building, habang nasa kalagitnaan ng Parents Teachers Association …
Read More » -
13 September
Power crisis kukunin sa Malampaya (Bilyong piso solusyon)
MAGMUMULA sa kontrobersyal na Malampaya Fund ang anim bilyong pisong gagastusin para malutas ang power crisis hanggang 2016. Sinabi ni Energy Secretary Jericho Petilla, kapag nabigyan ng special powers si Pangulong Benigno Aquino III sa pamamagitan ng joint resolution ng Kongreso, sisimulan na ng DoE na kumontrata ng itatayong modular generators para mapunuan ang kulang na 300 megawatts sa power …
Read More » -
13 September
2 pulis-Malolos timbog sa kidnapping
MATAPOS maalarma nang malaman na nakabuntot na sa kanila ang mga operatiba ng Caloocan City Police, dalawang pulis-Malolos, Bulacan, na nahaharap sa kasong kidnapping ang sumuko sa kanilang opisyal, iniulat ng pulisya kahapon. Agad dinala sa kustodiya ng Caloocan City Police ang mga suspek na sina PO1 Danilo Sytamco, Jr., at PO3 Xerxes Martin, kapwa nakatalaga sa Malolos Police Station. …
Read More » -
13 September
More power kay PNoy madaling ilusot sa Kongreso (Ayon kay Speaker Sonny Belmonte)
KOMPIYANSA si Speaker Sonny Belmonte na hindi mahihirapang makalusot sa Kongreso ang hirit na joint resolution ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III para matugunan ang napipintong kakulangan sa suplay ng koryente sa 2015. Katwiran ni Belmonte, “Everyone dreads a power shortage in 2015.” Hindi na rin aniya kakailanganing magpatawag ng special session ni Aquino ngunit dapat magkaroon ng “time management …
Read More » -
13 September
Dialogue sa Palasyo nagmukhang ‘miting de avance’
MISTULANG State of the Nation Address (SONA) ang isinagawa ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III sa ginanap na “Agenda Setting Dialouge” sa kaalyadong mambabatas, pribadong sektor at buong gabinete sa Malacañang kahapon. (JACK BURGOS) ‘NANILAW’ ang Palasyo sa tila “miting de avance” para sa 2016 elections sa ginanap na “paglalatag ng agenda sa mga kabalikat sa reporma” na pinangunahan ni …
Read More » -
13 September
TRO vs Benhur’s Ordinance No. 550 (Grupo ng riders humirit)
HINILING ng motorcycle riders organization sa Mandaluyong Regional Trial Court (RTC) na maglabas ng temporary restraining order (TRO) laban sa isang ordinansa na nagbabawal sa mga lalaking magkaangkas sa motorsiklo. Dakong 7:00 a.m., nag-motorcade ang Motorcycle Riders Organization patungong City Hall mula C5 Julia Vargas, bilang pagpapakita ng protesta sa Ordinance No. 550. Agad tinungo ang RTC, kasama ang Arangkada …
Read More » -
13 September
Astig na parak sinibak (Trike driver binugbog)
AGARANG pagsibak sa puwesto bilang kasapi ng Police Security and Protection Group (PSPG) si PO2 Leonardo Sebial na inireklamo ng dalawang tricycle driver sa Mandaluyong City. Si PO2 Sebial, ay sinampahan ng kasong physical injuries (2 counts) sa Mandaluyong City prosecutor’s office nina Alvin Dela Cruz dahil sa 11 suntok na kanyang inabot at Cesar Vitores na nasapok din habang …
Read More » -
13 September
Bebot na police asset sinalbeyds
ISANG bebot na sinasabing asset ng mga pulis ang binigti ng almabre at isinilid sa garbage box ang natagpuan sa Delpan Bridge, sa Maynila, kahapon. Sa imbestigasyon ni SPO2 Milbert Balingan, ng Manila Police District-Homicide Section (MPD-HS), tinatayang nasa 20 hanggang 25-anyos, 5’2 ang taas, mahaba at blonde ang buhok, nakasuot ng pink polo shirt, brown short pants at walang …
Read More » -
13 September
Termino ng barangay officials ipapantay sa pangulo
NAIS ni Sen. Teofisto Guingona na palawigin hanggang anim taon ang kasalukuyang tatlong-taon termino ng barangay officials. Sa Senate Bill No. 2390 ni Guingona o An Act Extending the Term of Barangay Officials to Six Years, layon nitong matulungang maipagpatuloy at maimplementa ang mga proyekto sa mga barangay. Nakasaad din sa panukala na layunin nitong mapagyaman pa ang mga programa …
Read More »