Wednesday , November 20 2024

TimeLine Layout

May, 2015

  • 14 May

    Jolo Revilla mukhang makakasuhan pa (Sa ‘accident firing’ or suicide?)

    ‘Yan pa yata ang masaklap na kapalaran ngayon ng anak ng naka-hoyong Senador Bong Revilla na si Jolo. Mukhang masusing pinag-aaralan ngayon ng Department of Justice (DOJ) kung paano sasampahan ng kaso si Jolo dahil ginamit niya ang service firearm na inisyu ng gobyerno sa ‘indiscriminate firing.’ Ito po ‘yung panahon na napabalitang nag-suicide ang Vice Governor ng Cavite na …

    Read More »
  • 14 May

    Speech writers kinastigo ni Pnoy

    MULING kinastigo ni Pangulong Benigno Aquino III ang kanyang speech writers dahil tila natutulog sa pansitan nang walang naihandang talumpati para sa kanya sa turnover ng dividend checks ng 48 government owned and controlled corporations (GOCCs) sa Palasyo. Nagbigay ng impromptu speech ang iritadong Pangulo hawak ang ilang pirasong papel, imbes na basahin ang talumpati sa teleprompter. “Wala hong teleprompter. …

    Read More »
  • 14 May

    Daming ‘di makatao sa pagpapasahod sa Boracay

    KARMA, nakatatakot ito kapag dumating sa buhay mo ‘ika nga. Maraming hindi kanais-nais ang maaaring mangyari sa isang tao kapag dumating ito. Dumarating o ang madalas na nakararanas nito ay mga taong masyadong mapang-api sa kapwa. Kaya, huwag nang hintayin pang dumating ito bago magbagong-buhay o magpakatino. Maalaala ko, noong nagbakasyon kaming pamilya  sa Boracay, may 10 taon na’ng nakalilipas, …

    Read More »
  • 14 May

    Military honors iginawad kay Amb. Lucenario

    DUMATING na sa bansa ang labi ni Philippine Ambassador to Pakistan Domingo Lucenario Jr. na namatay sa helicopter crash sa Gilgit region ng Pakistan. Pasado 7 a.m. kahapon nang lumapag sa Villamor Airbase ang isang espesyal na C-130 plane ng Pakistan lulan ang labi ni Lucenario. Binigyan ito ng military honors ng Philippine Air Force. Kasamang naghatid ng labi pauwi …

    Read More »
  • 14 May

    Vices sa Maynila, mabawasan pa kaya?

    Makaraang balasahin ng PNP Camp Crame ang hanay ng Manila Police Dapartment (MPD) na ikinasibak ng lima sa 11 station commanders sa Maynila dahil sa kakulangan umano ng accomplishment laban sa illegal na droga. Pero ang tanong ng mga taga-Maynila at MPD police, masasawata na kaya ang talamak na  illegal gambling sa siyudad!? Nagkalat pa rin sa lahat ng sulok …

    Read More »
  • 14 May

    Sa laki ng kinita Pacquiao pagdidiskitahan na naman ng BIR

    HINDI na naman mapakali ngayon si Bureau of Internal Revenue (BIR) Commissioner Kim Henares lalo’t pumutok kahapon na nawasak ng welterweight megabout nina Floyd Mayweather Jr. ng United States at Manny Pacquiao ng Pilipinas ang lahat ng rekord sa professional boxing nang makakuha ng mahigit 4.4 milyong pay-per-view buys at kitang mahigit $500 mi-yon. Sa ulat ni Kevin Iole ng …

    Read More »
  • 14 May

    6-month freeze order vs Binay assets — CA

    AGAD na epektibo ang ipinatupad na freeze order ng Court of Appeals (CA) sa bank accounts at assets ni Vice President Jejomar Binay at iba. Nag-ugat ang utos ng CA makaraan katigan ang petisyon ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) na i-freeze ang bank accounts ng pangalawang pangulo na umaabot sa P600 million. Nasa 242 banks accounts ni Binay, securities at …

    Read More »
  • 14 May

    Bulag ang hustisya para kay SPO1 Delfin Macario

    ALMOST six months na ang nakalilipas simula nang abangan, barilin at itumba ang anti-drug police operative na si SPO1 Delfin “Macky-Pansit” Macario sa isang lugar na ‘di-kalayuan sa headquarters ng Pasay City police noong gabi ng Nobyembre 28, 2014. Sa mga buwang nakalipas, wala na tayong nabalitaan kung ano na ang kinahinatnan sa naganap na pagpatay kay Macario. Iyan ay …

    Read More »
  • 14 May

    Espiritu new PH ambassador to Pakistan

    ITINALAGA ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III si Daniel R. Espiritu bilang bagong Philippine ambassador to Pakistan makaraan masawi sa helicopter crash si Domingo Lucenario, Jr. Si Espiritu ay kasalukuyang director for ASEAN Political Security Community sa Office of ASEAN Affairs sa Department of Foreign Affairs. Siya ay dating deputy consul general sa Philippine consulate sa Los Angeles.

    Read More »
  • 14 May

    Karma kay Chiz

    “Ang kayabangan mo, ang sisira sa ‘yo!” Ito marahil ang nangyari kay Sen. Chiz Escudero. Ang dating sikat-na-sikat na mambabatas na minsang inihambing sa singer na si Bamboo, ngayon ay isang “palo-tsina” na lang. Kung titingan ang political career ni Chiz, talagang nakapanghihinayang. Minsan na rin inakala ng marami na sa madaling panahon, si Chiz, ay tiyak na magiging magaling …

    Read More »