Wednesday , November 20 2024

TimeLine Layout

July, 2015

  • 10 July

    Recruiters ni Veloso kakasuhan na — DoJ

    PINASASAMPAHAN na ng kaso ng Department of Justice (DoJ) ang recruiters ni Mary Jane Veloso na nakapiit sa Indonesia dahil sa kasong pagpupuslit ng ipinagbabawal na gamot. Ayon sa DoJ, nakakita nang sapat na batayan para ituloy ang reklamo kina Maria Kristina Sergio at Julius Lacanilao. Matatandaan, inakusahan ang dalawa na siyang nasa likod ng pagtungo ni Veloso sa Indonesia …

    Read More »
  • 10 July

    Fil-Am, 1 pa nadakma sa pot session

    ARESTADO ang isang Filipino-American at ang kanyang kaibigan makaraan maaktohan habang nagsasagawa ng pot session sa isang subdibisyon sa Baliuag, Bulacan. Sa ulat mula kay Supt. Enrico Vargas, hepe ng Baliuag police, ang naaresto ay si Rhonald Anhony Calvo, 42, residente ng Guam; at kaibigan niyang si Antonio Enriquez, 40, ng Brgy. Capihan, San Rafael, sa naturang lalawigan. Ayon kay …

    Read More »
  • 10 July

    Hulidap victim ng parak nagpasaklolo sa NBI

    NAGPASAKLOLO sa National Bureau of Investigation (NBI) ang isang negosyante na nabiktima ng ‘hulidap’ ng mga pulis na nakatalaga sa Caloocan Police District at natangayan ng P2-milyon sa ilegal na operasyon. Ayon sa NBI Anti-Organized Transnational Crime Group (NBI-AOTCD), nitong Lunes nagtungo sa kanilang tanggapan ang isang negosyante mula sa Tanauan, Batangas at eksaktong isang taon na ang nakalilipas nang …

    Read More »
  • 10 July

    Tunay na malasakit at hospitality ng mga taga-Cuenca Batangas

    MARAMING pumuri sa ipinakitang pagmamalasakit ng mga taga-Cuenca sa mga biktima ng chopper crashed na ikinamatay ng piloto at ng heredero ng hari ng Anito nitong nakaraang linggo. Nang bumagsak kasi ang Agusta 109E type helicopter (RP-C2726), operated by Malate Tourist Development Corp., sa Mt. Maculot sa Cuenca, Batangas nitong Linggo ng umaga, mabilis na sumaklolo ang mga residente roon. …

    Read More »
  • 10 July

    Isang kuwento laban sa pagmimina sa Zambales

      NGAYONG tag-ulan, laging nangangamba ang mamamayan ng Sta Cruz, Zambales sa pangambang bumulusok sa kanilang mga tahanan ang lupa at troso mula sa kabundukang pinagmiminahan ng nickel. Bibigyang-puwang ng ABOT-SIPAT ang kuwento ni Concerned Citizens of Sta. Cruz pre-sident Dr. Benito Molina hinggil sa pagbabago ng kanilang kapaligiran sanhi ng perhuwisyong pagmimina. Narito ang isinulat ni Dr. Molino na …

    Read More »
  • 10 July

    Aircon installer ng SM appliances grabe sa kapalpakan!!!

    Dalawang buwan na po ang nakalilipas, bumili ang inyong lingkod ng Koppel airconditioning unit sa SM Appliances. Mayroon po silang compulsory recommended installer — ang Hot System Aircon Services na may tanggapan diyan sa Maceda  St., Sampaloc, Manila. Kapag hindi kasi ang Hot System ang mag-i-install, mawawalan po ng bisa ang warranty. (Paging DTI, mayroon palang ganito? Hindi ba malinaw …

    Read More »
  • 10 July

    Dahil mediocre o ordinaryo ang lider, kengkoy ang solusyon sa mga problema

    MUNTIK akong malaglag mula sa aking kinauupuan matapos kong mabasa sa websites ng mga pahayagan at sa social media ang panukala na iikot na lamang paharap sa Taft Avenue ang monumento ni Dr. Jose Rizal mula sa kasalukyang pagkakaharap nito sa Luneta Grandstand at Manila Bay. Kapag iniikot ang monumento ay hindi na makikita sa likod nito ang dambuhalang photo …

    Read More »
  • 10 July

    IO na nambastos ng asawa ng OFW na-promote pa!

    Maraming nagtatanong kung ano raw ang ipinakain nitong si Immigration Officer (IO) Sydney Roy Dimaandal kay Immigration Comm. Fred ‘valerie’ Mison dahil matapos i-recall sa BI main office sa ginawang pambabastos sa mag-asawang OFW na ini-offload n’ya, ngayon naman ay na-promote pa na BI-TCEU Supervisor sa Iloilo International Airport. What the fact!? Hindi ba sariwa pa sa memorya ng mga …

    Read More »
  • 9 July

    Pan-Buhay: Ayaw na

    “Kaya’t huwag kayong mag-alalang baka kayo kapusin sa pagkain, inumin o damit. Hindi ba’t ang mga Hentil ang nababahala tungkol sa mga bagay na iyan? Alam na ng inyong Ama na nasa langit na kailangan ninyo ang lahat ng iyan. Ngunit higit sa lahat ay pagsikapan ninyo na kayo’y pagharian ng Diyos at mamuhay na ayon sa kanyang kalooban, at …

    Read More »
  • 9 July

    7-M Pinoy walang toilet sa tahanan (Pwedeng may cellphone pero…)

      LUMITAW sa report ng World Health Organization (WHO) at United Nations Children’s Fund (UNICEF) na mahigit pitong milyong Filipino ang walang toilet, o kubeta, sa kanilang mga tahanan kung kaya dumudumi na lang sila kung saan-saan. Ang datos ay nagmula sa ‘Progress on Sanitation and Drinking Water: 2015 Update and MDG Assessment’ na inihanda ng dalawang international organization, at …

    Read More »