SI Coco Martin pala ang huling nakaalam na wala na sa FPJ’s Ang Probinsyano serye si Angeline Quinto. Nalaman lang daw ito ng aktor kamakailan kasi nga bisi-bisihan siya sa sunod-sunod na tapings ng Ang Probinsiyano na malapit ng umere. Base sa panayam ng aktor sa ABS-CBN news sa ginanap na birthday party ng kanyang lola sa showbiz na si …
Read More »TimeLine Layout
August, 2015
-
1 August
Mother Lily, mas suportado si Mar; paano na si Grace Poe?
FINALLY, personal na inendoso ni Presidente Noynoy Aquino si DILG Secretary Mar Roxas bilang Pangulo sa 2016 at magpapatuloy sa ‘daang matuwid.’ Naganap ang nasabing deklarasyon kahapon sa Maharlika ballroom ng Club Filipino, Greenhills, San Juan City na naging makasaysayan ang lugar dahil ditto nanumpa ang namayapang Corazon Aquino bilang ika-11 Presidente ng Pilipinas at unang babaeng humawak ng may …
Read More » -
1 August
Janitress uminom ng asido, naglaslas ng pulso (Amang may tumor nasa ospital, tinanggal sa trabaho at idedemolis ang bahay)
HINDI na kinaya ng isang 38-anyos janitress ang patong-patong na mga problema kaya winakasan ang kanyang buhay sa pamamagitan ng pag-inom ng muriatic acid at paglaslas ng pulso kamakalawa ng umaga sa Valenzuela City. Kinilala ang biktimang si Jennifer Bagaporo, ng 74-C. Ubas St., San Miguel Heights, Brgy. Marulas ng nasabing lungsod, natagpuang wala nang buhay sa loob ng kanilang …
Read More » -
1 August
Kamay ni Mar itinaas na ni PNoy (Para sa 2016 polls)
PORMAL nang inendorso ni Pangulong Benigno Aquino III si Interior Secretary Mar Roxas bilang kanyang manok sa 2016 presidential elections. Ang pinakaaabangang anunsiyo ay ginawa ni Pangulong Aquino sa pagtitipon ng Liberal Party na tinaguriang “A Gathering of Friends” sa makasaysayang Club Filipino sa San Juan City, ang lugar kung saan ininendorso rin siya ng Liberal Party bilang 2010 presidential …
Read More » -
1 August
Roxas dapat nang magbitiw sa DILG — Marcos
PINAYUHAN ni Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos si Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Mar Roxas na magbitiw na sa kanyang puwesto. Ito ay makaraan pormal nang i-endorse ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino si Roxas bilang pambato ng administrasyon at Liberal Party (LP) para sa 2016 presidential election. Ayon kay Marcos, marapat lamang na magbitiw si Roxas upang hindi …
Read More » -
1 August
Banat kay CGMA idinepensa ni PNoy (Sa huling SoNA)
IDINEPENSA ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III ang kanyang huling State of the Nation Address (SONA), partikular na ang pagkompara sa mga nakamit ng kanyang administrasyon at ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo. Bago opisyal na i-endorse si Interior Secretary Mar Roxas, ipinaliwanag muna ni Aquino na: “Ang sa akin lang po sinusukat natin ang nalakbay ng bansa mula Point A …
Read More » -
1 August
P7-M ibinaon na shabu nabisto
TUGUEGARAO CITY – Matagumpay na narekober ng mga awtoridad ang apat malalaking pakete ng shabu na may timbang na 2.543 kilos sa Basco, Batanes kamakalawa. Ayon kay Senior Insp. Rodel Gervacio, hepe ng PNP Basco, Batanes, nakatanggap sila ng impormasyon mula sa concerned citizen na may nakapasok na ilegal na droga sa kanyang nasasakupang lugar kung kaya’t agad silang nagsagawa …
Read More » -
1 August
Mallari binigyan na ng CGMC
NAGLABAS na ang Santo Niño Parochial School (SNPS) ng Certificate of Good Moral Character (GMC) para kay Krisel Mallari, ang salutatorian na pinahinto sa pagtatalumpati sa kanilang graduation rites nitong nakaraang Marso. Kumalat sa internet ang video ng speech ni Mallari na pinatigil dahil sa pagkuwestiyon niya sa sistema ng pagbibigay ng grado ng paaralan at kung bakit hindi niya …
Read More » -
1 August
Holdaper patay, parak 1 pa tiklo sa Pampanga
CAMP OLIVAS, Pampanga – Arestado ang isang pulis at isa pa niyang kasamahan habang patay isa pang holdaper makaraan manlaban sa nagrespondeng mga awtoridad sa Gabalndon, Nueva Ecija kamakalawa ng hapon. Batay sa ipinadalang report kay Central Luzon OIC, Chief Supt. Ronald Santos, kinilala ang mga suspek na sina PO1 Alvin Belmonte, 38, ng Palayan PNP, residente ng Sta. Rosa, …
Read More » -
1 August
4 arestado, 2 nakatakas sa drug raid sa Quezon
NAGA CITY – Swak sa kulungan ang apat katao habang nakatakas ang dalawa pa sa anti-drug operation ng mga awtoridad sa Brgy. Gomez, Lopez, Quezon kamakalawa. Kinilala ang mga nadakip na sina Ronaldo Bartolome, Wilfredo Pallan, Arjon Plaganas, at Angelito Lopez, habang ang mga nakatakas ay nagngangalang Denver Bartolome at Aldrin Madera. Napag-alaman, naglalaro ng baraha ang apat na naaresto …
Read More »