Wednesday , November 20 2024

TimeLine Layout

August, 2015

  • 13 August

    Kris, masyadong ipinangangalandakan ang kayamanan

    “I am rich.” ‘Yan ang walang takot na pananaray ni Kris Aquino sa isang basher niya na pinuna ang pagiging mukhang pera niya. Kaloka si Kris, hindi naman siya ang pinakamayaman pero kung maka-I am rich ay ganoon na lang. Talagang ipamukha ba sa basher mo na mayaman ka. Aba, walang ganyang drama ang top billionaires na sina Henry Sy, …

    Read More »
  • 13 August

    ASAP, tinalo raw ng Sunday noontime show ng GMA

    HINDI kami makapaniwalang tinalo ng bagong Sunday noontime show ng GMA ang ASAP. Nakakuha ng 22.7%  ang  pilot episode nito last Sunday samantalang 11.5% lang ang ASAP based on  the  overnight ratings  of AGB Nielsen among Mega Manila households. Kaloka, ha. Parang hindi kami talaga makapaniwala. Napanood namin ang pilot episode at hindi naman kagandahan ang show nina Ai Ai …

    Read More »
  • 13 August

    Sarah Lahbati, Kapamilya na!

    NOONG Linggo ay pormal na ipinakilala si Sarah Lahbati bilang bagong talento ng ABS-CBN sumayaw sa programang ASAP 20. Kasama ni Sarah sa kanyang production number sina Michelle Madrigal, Bela Padilla, at Arci Munoz. Ang apat ay pare-parehong nakakontrata Viva Entertainment kaya inaasahang magiging visible si Sarah sa iba pang shows ng Dos kasama ang kanyang live-in partner na si …

    Read More »
  • 13 August

    Valeen Montenegro, hindi aalis sa TV5

    KAHIT nasa Sunday PinaSaya si Valeen Montenegro, nilinaw nitong nasa TV5 pa rin siya. Ani Valeen, nagpapasalamat siya sa TV5 dahil binigyan siya ng permiso para maging bahagi ng bagong Sunday noontime show ng GMA. Ang Sunday PinaSaya ay produced ng APT Entertainment ni Tony Tuviera na blocktimer sa GMA at hindi ito station-produced. Idinagdag pa ni Valeen na kasama …

    Read More »
  • 13 August

    Myrtle Sarrosa, kulang pa sa asim sa basketball

    MAY ilang mga nagsabi sa amin na hindi pa gaanong mahusay si Myrtle Sarrosa sa pagiging sportscaster ng NCAA para sa ABS-CBN Sports. Kahit nasa gitna na ng NCAA basketball tournament, tila ninenerbiyos pa rin si Myrtle sa harap ng kamera lalo na’t kulang pa siya ng kaalaman tungkol sa sports. Nagdagdag ang ABS-CBN ng tatlo pang mga courtside reporters …

    Read More »
  • 13 August

    Michelle Gumabao, TV guestings ang inaatupag

    NAKAUSAP namin ang volleyball player na si Michelle Gumabao kamakailan tungkol sa mga susunod na plano niya habang wala pang sinasalihang torneo. Ani Michelle, naging guest siya sa programang No Harm No Foul sa TV5 na kasama niya ang ilan pang volleyball players na sina Aby Marano at Melissa Gohing. Enjoy si Michelle sa taping ng show dahil nagkabiruan silang …

    Read More »
  • 13 August

    ‘Pinas, ‘di pa handa sa FIBA

    NALUNGKOT din naman si Richard Gomez nang hindi nakuha ng Pilipinas ang karangalan na maging host ng FIBA World Basketball Championships sa 2019. Tinalo na naman tayo ng China. Mahirap namang kalaban ang China, dahil alam naman natin, kung Olympics nga nakaya nila eh. Tayo hanggang SEAGames lang. Walang pera ang gobyerno natin para tustusan ang hosting ng ganyan kalaking …

    Read More »
  • 13 August

    Alden sumikat nang husto dahil kay Yaya Dub (News correspondent, sumugod sa ospital)

    ILANG oras lamang matapos na siya ay himatayin nang totohanan habang kinukunan ang eksena ng kanyang kasal, may lumabas na medical bulletin na nagsasabing ok na raw si Yaya Dub. Ang tanong nga ng isang kaibigan namin, “how popular is she to merit the issuance of a medical bulletin”. Iyang paglalabas ng medical bulletin ay nangyayari lamang kung ang nasa …

    Read More »
  • 13 August

    Robin, ‘di raw nag-withdraw sa Nilalang with Maria Ozawa, nag-beg-off lang daw

    INILABAS namin dito sa Hataw kahapon ang official statement ng management company ni Robin Padilla na nag-withdraw ang aktor sa sa pelikulang Nilalang na pagsasamahan sana nila ni Maria Ozawa produced ng Haunter Tower Productions na entry sa 2015 Metro Manila Film Festival. At dahil sa terminong ‘withdraw’ ay iisa ang naisip ng lahat, umatras, hindi na itutuloy, umalis na …

    Read More »
  • 13 August

    Mommy ni Kathryn, pinag-aaway ang KathNiel at Jadine?

    CURIOUS kami kung sino ang pinatatamaan ng mommy ni Kathryn Bernardo na si Mommy Min sa post niya sa Twitter account noong Agosto 10 ng gabi. Iisa ang naisip ng JaDine fans na baka ang pinatutungkulan ay ang On The Wings of Love nina James Reid at Nadine Lustre na talagang nag-trending din habang ipinalalabas noong Lunes pagkatapos ng Pangako …

    Read More »