Thursday , March 19 2026

TimeLine Layout

August, 2017

  • 16 August

    4 drug suspects minasaker sa drug den

    dead gun police

    APAT katao na hinihinalang sangkot sa ilegal na droga ang pinagbabaril hanggang mapatay ng anim hindi kilalang suspek sa loob ng isang bahay sa Brgy. Old Balara, Quezon City, kamakalawa ng gabi. Sa ulat kay Quezon City Police District (QCPD) director, Chief Supt. Guillermo Lorenzo T. Eleazar, mula sa Criminal Investigation Detection Unit (CIDU), ang mga napatay ay kinilalang sina …

    Read More »
  • 16 August

    AGLP: ‘di lang P6.4-B shabu may una nang nakalusot

    customs BOC

    NANINIWALA ang National Capital Region (NCR) Chapter of the Anti-Graft League of the Philippines na mayroong mga shipment na naunang nakalabas din sa Bureau of Customs (BOC) kahit naglalaman ito ng mga shabu. Sa nakuhang dokumento ng AGLP, apat pang kaparehong shipment ang dumaan sa green lane. Malaki umano ang naitulong ng testimonya ni Mark Taguba, ang naglabas ng shabu …

    Read More »
  • 16 August

    Kenneth Dong inaresto ng NBI sa rape case (Nagpalusot ng P6.4-B shabu)

    INARESTO ang isang negosyante at sinasabing Customs “middleman” na si Kenneth Dong, nitong Martes ng National Bureau of Investigation (NBI) kaugnay sa kasong rape. Naganap ang pag-aresto makaraan dumalo si Dong at ilang NBI officials sa pagdinig ng Senado kaugnay sa P6.4 bilyon shabu shipment mula sa China. Ang kasong rape laban kay Dong ay sinasabing inihain ng isang 33-anyos …

    Read More »
  • 16 August

    Paglobo ng HIV/AIDS sa PH isinisi ni Aiza sa gov’t

    NANINIWALA si National Youth Commission (NYC) chairperson Aiza Seguerra, lolobo ang kaso ng may HIV/AIDS sa Filipinas dahil hindi ganap ang suporta ng pamahalaan para labanan ang pagkalat ng nakahahawang sakit. “Kahit ano pong gawin naming seminar, kahit ano pong gawin namin na… kahit anong gawin namin, if we cannot get the full support of the government, of everyone, tataas …

    Read More »
  • 16 August

    Erap nag-utos ng imbestigasyon

    PINAIIMBESTIGAHAN ni Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada ang pagpaslang sa isang pulis-Maynila na ayon mismo sa Manila Police District (MPD) ay pangunahing suspek sa pagpatay sa isang babaeng pulis at sangkot umano sa droga. Matapos mabalitaan ang pananambang kay PO2 Mark Anthony Peniano, agad tinawagan ni Estrada si MPD director Chief Supt. Joel Coronel upang paimbestigahan mabuti ang kaso at …

    Read More »
  • 16 August

    Suspensiyon sa Uber aprub sa Palasyo

    SUPORTADO ng Palasyo ang pasya ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na suspendihin nang isang buwan ang Uber Transport Systems, isang transport network company, sa kabila ng pagtutol ng commuters. Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, dapat kagyat na lutasin ng Uber at LTFRB ang kanilang problema upang hindi maapektohan nang husto ang mga pasahero. “We will leave …

    Read More »
  • 16 August

    MPD police binistay sa 25 bala (Suspek sa pinatay na lady cop)

    PATAY ang isang pulis na maghahatid ng anak sa paaralan makaraang bistayin sa bala ng mga nakamotorsiklong kalalakihan sa Ayala Boulevard, Ermita, Maynila nitong Martes. Batay sa kuha ng CCTV malapit sa Technological University of the Philippines (TUP), sakay ng tatlong motorsiklo ang mga suspek nang pagbabarilin nila si PO3 Mark Anthony Peniano na angkas ang kanyang anak, pasado 8:00 …

    Read More »
  • 16 August

    HB 6028 o Reversion to Maiden Name Act ni Rep. GMA malaking tulong sa single moms

    MALAKING tulong ang panukalang batas na “reversion to maiden name act” sa mga babaeng pinamanahan lang ng apelyido ng lalaking pinakasalan sila pero hindi naman talaga nila naging partner sa buhay. O hindi nila nakatulong sa pagtataguyod ng kanilang pamilya. Sa totoo lang, sa lipunang gaya sa Filipinas, ang isang babae na gumagamit ng apelyido ng tatay niya o ng …

    Read More »
  • 16 August

    23 drug suspects todas sa Bulacan (Sa magdamag na operasyon)

    UMABOT sa 23 hinihinalang drug users ang napatay sa magkakahiwalay na anti-drug operations ng pulisya ng Bulacan, mula nitong Lunes ng gabi hanggang kahapon ng umaga. Kabilang sa mga napatay ay kinilala sa mga alyas na Egoy, Tom, Enan, Justin, Berth, Alvin, Chris, Jerom, Yayot, Allan Tato, Arnold, Willy, Jeffrey, Eugene, Macoy at Pugeng Manyak. Ayon kay Senior Supt. Romeo …

    Read More »
  • 16 August

    HB 6028 o Reversion to Maiden Name Act ni rep. GMA malaking tulong sa single moms

    Bulabugin ni Jerry Yap

    MALAKING tulong ang panukalang batas na “reversion to maiden name act” sa mga babaeng pinamanahan lang ng apelyido ng lalaking pinakasalan sila pero hindi naman talaga nila naging partner sa buhay. O hindi nila nakatulong sa pagtataguyod ng kanilang pamilya. Sa totoo lang, sa lipunang gaya sa Filipinas, ang isang babae na gumagamit ng apelyido ng tatay niya o ng …

    Read More »