ANG survey at eleksiyon ay may isang kahulugan sa mamamayang Filipino. Tuwing papalapit ang eleksiyon tiyak sunod-sunod ang pagsasagawa ng survey. Ginagamit kasi ito ng ilang politiko para sa name recall o para makahamig ng simpatiya sa mamamayan. Kaya pansinin ninyo, sa survey laging lumulutang ang mga pangalan ng malalakas at mga pinakakulelat. Tuwing eleksiyon, lahat ay nagkukumahog na mapataas …
Read More »TimeLine Layout
July, 2018
-
18 July
Mga salamisim 2
MAY nakarating na ulat sa Usaping Bayan mula sa mga nagmamalasakit na kaibigan na nagsasabing maraming “pro-people” na probisyon sa 1987 Constitution ang balak alisin o inaalis na sa ginagawang Duterte Constitution. Halimbawa raw nito ay ‘yung may kaugnayan sa Human Rights at sa papel ng mga kababaihan sa ating lipunan. Kung totoo ang impormasyong ito ay dapat mas lalong …
Read More » -
18 July
Ipamimigay na bahay, kotse, fake news — Pacman
INILINAW ni Senador Manny Pacquiao na peke ang Facebook post na nagsasabing namimigay siya ng mga bahay at sasakyan bilang balato sa kanyang pagkapanalo sa boksing. Ayon sa bagong World Boxing Association welterweight champion, walang katotohanan at peke ang FB account na ipinangalan sa kaniya at nagsasabing mamimigay siya ng mga bahay at sasakyan kapag nag-comment sa post, nag-share at …
Read More » -
18 July
P5,000 ayuda sa tsuper ‘di sapat
SIMULA ngayong araw ay makukuha na ng jeepney drivers ang P5,000 cash card na subsidy na ibibigay ng pamahalaan sa pamamagitan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board. Isang bagay na pampalubag-loob sa ating mga tsuper na maya’t maya ay dumaraing dahil sa walang humpay na pagtaas ng presyo ng diesel. Ang subsidy na ito ay nasa ilalim ng Pantawid …
Read More » -
18 July
Pera sa basura, diskarteng Pinoy
HINDI maikakaila, mahirap ang buhay ngayon. Patuloy sa pagtaas ang presyo ng mga bilihin. Pati galunggong na sagisag ng kahirapan noon, hindi na abot-kaya sa presyong P220 bawat kilo. Para makatipid, marami ang nagkakasya sa sinabawang sardinas bilang tanghalian o hapunan ng buong pamilya. Isang lata ng sardinas na pakukuluan sa tubig para mapagkasya sa limang katao. Pumula lang ang …
Read More » -
18 July
Carry on, Gen. Guillermo Eleazar!
BUONG-SIKAP na ginagawa ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Director Chief Supt. Guillermo Eleazar ang lahat para magampanan ang kanyang tungkulin na maipatupad ang batas. Si Gen. Eleazar ang pinakamasipag na opisyal ng Philippine National Police (PNP) kaya’t siya rin sa ngayon ang may pinakamaraming accomplishments pagdating sa sinserong kampanya ng pamahalaan laban sa kriminalidad. Kaya naman sulit ang ipinasusuweldo ng mamamayan …
Read More » -
18 July
2 Japanese nat’l timbog sa pekeng $100 bills
KALABOSO ang dalawang Japanese nationals makaraan makompiskahan ng 10 piraso ng pekeng $100 bills at at tinangkang suhulan ang dalawang imbestigador ng P50,000 halaga sa Makati City, noong Lunes ng hapon. Iniharap sa media nina Southern Police District (SPD) director, C/Supt. Tomas Apolinario, Jr., at Makati City Police chief, S/Supt. Rogelio Simon ang mga suspek na sina Noa Shimegi, 27, at Yoshitaka …
Read More » -
18 July
Mega Q-Mart nasunog
NATARANTA ang mga tindero at mamimili nang sumiklab ang sunog sa Mega Q-Mart sa EDSA, Cubao, Quezon City, kahapon ng madaling-araw. Sa ulat ng Quezon City Bureau of Fire Protection (QC-BFP), dakong 4:44 am nang magsimula ang sunog at agad itinaas sa ikaapat na alarma. Nasa 20 tindahan o stall ang naabo sa 25 porsiyentong bahagi ng palengke. Partikular na …
Read More » -
18 July
P.7-M shabu kompiskado sa buy-bust vs 5 tulak
MAHIGIT P700,000 halaga ng shabu ang nakompiska ng mga operatiba ng Northern Police District (NPD) sa limang hinihinalang tulak ng ilegal na droga sa buy-bust operation sa Tondo, Maynila, kamakalawa. Kinilala ni NPD director, C/Supt. Gregorio Lim ang mga suspek na magkapatid na sina Charlie Alvear, 34, at Jessie Alvear, 27; Allan Silva, 42; Maffie Rose Marquez, 28, at Richard Morales, …
Read More » -
18 July
Klase sa public schools sa Metro suspendido
SINUSPENDE ng Malacañang ang klase sa mga pampublikong paaralan at trabaho sa executive branch sa Metro Manila simula 1:00 pm nitong Martes, dahil sa masamang panahon. Ayon sa Palasyo, ang klase sa lahat ng antas sa pampublikong paaralan at government work ay suspendido simula 1:00 ng hapon nitong 17 Hulyo. “The suspension of work for private companies, offices, and schools is …
Read More »
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com