Friday , January 30 2026

Classic Layout

Suspek sa planong pagpatay kay PresDu30 nakatakas

NITO lang Sabado, pinangunahan ni Chief Director General Ronald Dela Rosa ang imbestigasyon sa pagtakas ng suspect sa umano’y planong pagpatay kay PRESDU30. Ang gun supplier na si Bryan Ta-ala at ang kaniyang gun runner na si Wilford Palma ay umalis sa hospital sa Bacolod City, na naka-confine ang una dahil sa hypertension. Habang nasa ospital si Ta-ala, si Palma …

Read More »

‘Porno king’ swak sa 69 kaso ng abuso (Australian pedophile)

INIREKOMENDA ng DoJ na sampahan ng 69 kasong kriminal ang hinihinalang Australian pedophile, binansagang “porno king” at nasa likod ng kontrobersiyal na “Destruction of Daisy” sex and physical abuse videos. Ang suspek na si Peter Gerard Scully ay nadakip ng NBI-Anti Human Trafficking Division sa kasong pagmolestiya sa mga bata kabilang ang walong buwan gulang sanggol. Sa 151-pahinang resolusyon na …

Read More »

Duterte sa world leaders: walang puwedeng manghimasok sa PH

IPINAGMALAKI ni Pa-ngulong Rodrigo Duterte, malinaw niyang naiparating ang mensahe sa world leaders sa ASEAN Summit sa Laos na walang bansa na puwedeng manghimasok sa Filipinas. Ipupursige aniya ng kanyang administrasyon ang isang independent foreign policy, isusulong ang tamang kaisipan hinggil sa soberanya, walang puwedeng makialam ngunit sa mapayapang paraan reresolbahin ang mga tunggalian upang mapagsilbihan nang todo ang sambayanang …

Read More »

Saludo sa media si Tatay Digong

SALUDO si Pangulong Rodrigo Duterte sa papel ng media na araw-araw na tagapagtala ng kasaysayan ng Filipinas. Sa press briefing sa Davao City International Airport nang dumating mula sa 28th at 29th ASEAN summit sa Laos at state visit sa Indonesia, pinuri ni Pangulong Duterte ang mga mamamahayag , lalo na ang cameramen na naghahatid nang totoo at tamang impormasyon …

Read More »

Digong naiyak sa pagkawala ng 2 apo

INAMIN ni Pangulong Rodrigo Duterte, umiyak siya nang malamang wala na ang dalawa sa triplet na ipinagbubuntis ng kanyang anak na si Davao City Mayor Sara Duterte. Sinabi ng Pangulo, may tumawag sa kanya habang nasa ASEAN Summit para ibalita ang sinapit ng kanyang mga apo ngunit nasa lobby siya ng National Convention Center sa Vientiane, Laos kaya agad siyang …

Read More »
duterte gun

Banta sa kriminal ‘di labag sa batas — Digong

HINDI labag sa batas na pagbantaan ang mga kriminal at kung ano man ang mangyari sa kanila ay hiwalay na usapin, ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte. Sinabi ng Pangulo sa press briefing sa Davao City International Airport makaraan ang kanyang arrival speech, bilang Punong Ehekutibo at abogado ay may karapatan siyang pagbantaan ang mga kriminal. “It is never wrong, I …

Read More »
mindanao

Tiwaling gov’t officials ipatatapon sa Mindanao (Banta ni Duterte)

IPATATAPON ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga tiwaling opisyal ng pamahalaan sa mga lugar sa Mindanao na matindi ang bakbakan. Sa press briefing kahapon ng madaling araw sa Davao City International Airport, nagbabala ang Pangulo na balak niyang italaga sa itatayong extension office ng national government sa Basilan o Jolo ang mga tiwaling opisyal  ng gobyerno. Nakasentro ang lakas ng …

Read More »

Maguindanao vice mayor arestado sa Davao bombing

ISINALANG na sa inquest proceedings ng Department of Justice (DoJ) si Talitay, Maguindanao Vice Mayor Abdulwahab Sabal, itinuturong isa sa mga nasa likod ng Davao bombing. Ngunit batay sa pahayag ng mga awtoridad, na-inquest si Sabal para sa usapin ng illegal drug trade. Pinangunahan nina Assistant StateProsecutor Gino Santiago at Senior Assistant StateProsecutor Clarissa Koung ang pagtatanong sa bise alkalde. …

Read More »

200 bahay natupok sa Port Area

TINATAYANG aabot sa 400 pamilya ang nawalan ng tirahan sa sunog na tumupok sa 200 bahay sa Port Area, Manila kamakalawa ng gabi. Batay sa ulat ng Manila Fire Department, nabatid na dakong 8:35 pm nang magsimulang sumiklab ang apoy sa tatlong palapag na bahay ng isang Maritess Abanes sa Atlanta Street, sakop ng Brgy. 651, Zone 68. Umabot ng …

Read More »

Delivery truck driver kakasuhan sa bomb joke

INIREKOMENDA ni DoJ Assistant State Prosecutor Phillip Dela Cruz ang pagsampa ng kaso sa deliver truck driver bunsod nang pagbibiro na may bomba ang minamaneho niyang sasakyan sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA). Kasong paglabag sa Section 1 ng Presidential Decree 1727 ang isasampa laban sa driver na si Marlon Soriano, may katapat na parusang limang taon pagkakakulong o P40,000 …

Read More »