Saturday , December 20 2025

Classic Layout

39 preso, 4 jailguards sugatan sa riot (Sa Manila City Jail)

SUGATAN ang 39 preso at apat jailguards nang maglunsad ng noise barrage na nauwi sa riot sa loob ng Manila City Jail sa Sta. Cruz, Maynila kahapon. Ayon sa ulat, nagsagawa ng noise barrage ang mga preso sa Dorms 9 at 10 ng Batang City Jail upang igiit na palitan si jail warden Supt. Gerald Bantag dahil hindi nila gusto …

Read More »

De Lima ‘mother of all drug lords’ — 2 ex-NBI off’ls

SINAMPAHAN ng kaso sa Deparment of Justice (DoJ) ng dalawang dating opisyal ng National Bureau of Investigation (NBI) sina Senador Leila De Lima at dating NBI Deputy Director Rafael Ragos ng paglabag sa Section 5 ng RA 9165 (Dangerous Drugs Act ). Personal na pinanumpaan sa DoJ nina dating NBI deputy directors Reynaldo Esmeralda at Ruel Lasala ang kanilang reklamo …

Read More »

Nagugutom na Pinoy nabawasan

MAS ganadong magtrabaho si Pangulong Rodrigo Duterte sa resulta nang pinakahuling Social Weather Stations (SWS) survey na nabawasan ang bilang ng mga Filipino na nagugutom. Ayon kay Communications Secretary Martin Andanar, magsisilbing inspirasyon ito sa Pangulong Duterte para malabanan ang kahirapan sa bansa. Sinabi ni Andanar, sa nakalipas na 100 araw na panunungkulan ng Pangulo sa Palasyo ay tinutukan niya …

Read More »

Pres’l Task Force vs media killings binuhay ni Duterte

BINUHAY ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Presidential Task Force Against Media Killings na dating Task Force Usig noong administrasyong Arroyo, nang lagdaan kahapon ang Administrative Order Number 1. “The reason why the President wanted this administrative order or AO No. 1 is because he cares for you (media), for us. And he believes in the freedom of the press,” ayon …

Read More »

Paglaya ng political prisoners tuparin (Hamon ng CPP kay Digong)

HINAMON ng Communist Party of the Philippines (CPP) si Pangulong Rodrigo Duterte na tuparin ang pangakong palayain ang lahat ng bilanggong politikal bago matapos ang taon. Sa kalatas, inihayag ng CPP na masidhi ang pagnanasa ng rebolusyonaryong puwersa na bumuo ng patriotikong alyansa sa rehimeng Duterte na mahalaga sa pagpapatibay ng postura nitong anti-US. “It will further boost the Duterte …

Read More »

Barbers irereklamo ni Pichay sa Ethics

PLANONG idulog ni Surigao del Sur Rep. Prospero Pichay Jr., sa House Ethics Committee si Surigao del Norte Rep. Robert “Ace” Barbers upang madisiplina kaugnay sa aniya’y ginawang “unparliamentary or uncalled for action” sa pagdinig sa House Committee on Constitutional Amendments. Ito ay makaraan silang muntikang magsuntukan dahil sa hindi nila pagkakaintindihan sa mosyon ni Cebu 3rd District Rep. Gwen …

Read More »

Utos ni Duterte kay Lorenzana: No more US-PH exercises next year

INIUTOS ni Pangulong Rodrigo Duterte si Defense Sec. Delfin Lorenzana, huwag nang gumawa ng ano mang paghahanda para sa joint military exercises ng Filipinas at Amerika para sa susunod na taon. Sinabi ni Pangulong Duterte, nais niyang tuluyan nang tuldukan ang military exercises ng dalawang bansa ngunit hindi aniya ito nangangahulugang pinuputol na ang alyansa ng Filipinas sa Estados Unidos. …

Read More »

Gatchalian sinabon ng Sandiganbayan (Sa last-minute travel motion sa China)

NAKATIKIM ng sermon si Sen. Sherwin “Win” Gatchalian sa mga mahistrado ng Sandiganbayan fourth division dahil sa pag-pressure sa korte na agad resolbahin ang kanyang travel motion sa biyaheng abroad patungong China. Sa last-minute motion ni Gatchalian na inihain kamakalawa, hiling niyang makabiyahe siya patungong China sa Sabado bilang kasama sa Philippine delegation ni Pangulong Rodrigo Duterte. Nabatid na nag-file …

Read More »

Lisensiya ng tindahan ng paputok babawiin (Sa Bocaue, Bulacan)

SINIMULAN na ng PNP Explosives Office (FEO) ang proseso para sa kanselasyon ng lisensiya ng Gina Gonzales Merchandise, ang tindahan ng paputok na sumabog at nasunog sa Bocaue, Bulacan kahapon na ikinamatay ng dalawang indibidwal kabilang ang may-ari. Ayon kay PNP FEO director, Chief Supt. Cesar Binag, pangunahing magiging basehan nang pagkansela ng lisensiya ang resulta ng imbestigasyon. Sinabi ni …

Read More »

Bagyong Karen nagbabanta sa Bicol, Visayas

GANAP nang bagyo ang sama ng panahon na maaaring magdulot nang pagbaha at landslide sa Bicol at silangan ng Visayas, inianunsiyo ng state weather bureau PAGASA nitong Huwebes. Ayon kay PAGASA weather forecaster Obet Badrina, taglay ng Bagyong Karen ang lakas ng hanging aabot sa 45 kilometers per hour (kph) malapit sa gitna at pagbugsong umaabot sa 55 kph. Dakong …

Read More »