Friday , February 20 2026

Classic Layout

Nora, may tulog kina Eugene, Rhed at Irma

Parang karugtong lang ng Lino Brocka o Joel Lamangan film ang tema ngKabisera. May pinatutunguhan naman ang istorya pero hanggang ending ay lumalaban pa rin at hindi umuusad. Sa sarili naming pananaw, hindi kami naging masaya sa ending ng pelikula. Magaling si Nora Aunor pero may tulog siya kina Eugene Domingo sa Ang Babae sa Septic Tank 2 at Rhed …

Read More »

Ronnie Alonte, kailangan pa ng maraming workshop

Nakulangan kami sa akting ni Ronnie Alonte kaya workshop pa more pero mapapalagpas mo na rin siya bilang baguhan. Ang next na panonoorin namin ay Vince & Kat & James na hinuli na namin dahil alam naming hindi mapu-pullout ito sa sinehan, Saving Sally, at Oro (kung nasa sinehan pa ito, huh). TALBOG – Roldan Castro

Read More »

Lola patay, 3 sugatan sa QC fire

PATAY ang isang lola habang tatlo ang sugatan kabilang ang isang bombero, sa sampung oras na sunog sa NIA Road, Brgy. Pinyahan, Quezon City. Sa ulat ni Sr. Supt. Manuel Manuel, QC fire marshal, kinilala ang namatay na si Corazon Teozon, 74, alyas Lola Goring, sa nabanggit na lugar. Halos hindi na makilala ang bangkay ni Lola Goring nang matagpuan …

Read More »

Simbahan pera-pera lang — Digong

BINATIKOS ni Pangulong Rodrigo Duterte ang simbahang Katoliko na magaling sa pangongolekta ng pera ngunit walang ginagawa upang tumulong sa gobyerno na puksain ang P216-bilyon kada taon industriya ng illegal drugs sa bansa. Sa kanyang talumpati sa Christmas party ng barangay officials sa Davao City kamakalawa ng gabi, nagbabala ang Pangulo hinggil sa paniniwala sa relihiyon, na ang tinutukoy ay …

Read More »

P50-M tulong sa Nina victims dodoblehin ni Digong

NAGA CITY – Handang doblehin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ipinangakong P50 milyon tulong para sa mga magsasakang apektado nang pananalasa ng bagyong Nina sa Bicol. Sa pagbisita ni Pangulong Duterte sa Camarines Sur, una niyang ipinangako ang P50 milyon mula sa Department of Agriculture (DA) bilang tulong sa muling pagbangon ng mga magsasakang nasalanta ng bagyo. Ngunit ayon sa …

Read More »

2, 295 patay, 4,000 DUI 45,000 nahuli (6-buwan drug war)

IBINIDA ni PNP chief, Dir. Gen. Ronald Dela Rosa, nakamit nila ang 70 porsiyentong target sa pinalakas na kampanya kontra ilegal na droga. Iniulat ni Dela Rosa, mula 1 Hulyo hanggang 22 Disyembre 2016, umabot sa 1,326,472 ang naitala nilang drug personalities. Kasama sa bilang na ito ang 1,049,302 sumuko sa Oplan Tokhang, 45,041 ang arestado, at 2,295 ang napatay …

Read More »

Frost naitala sa Benguet, 15.8°C sa Baguio

BAGUIO CITY – Naitala sa ilang bahagi ng Benguet ang kaso ng andap o frost, karaniwang nararanasan tuwing Disyembre. Ayon kay Agot Balanoy, general manager ng Benguet Farmer’s Marketing Cooperative, posibleng maranasan ng mga magsasaka ang frost hanggang Enero partikular sa Paoay, Atok, Benguet. Gayonman, sinabi niyang alam na ng mga magsasaka ang kanilang gagawin tuwing may andap tulad ng …

Read More »
road accident

1 patay, 10 sugatan sa trike vs truck

PATAY ang isang 16-anyos binatilyo habang siyam ang sugatan nang magbanggaan ang isang tricycle na sinasakyan ng mga biktima at isang Isuzu tanker truck sa Valenzuela City kamakalawa ng gabi. Agad binawian ng buhay sa insidente ang biktimang  si Justine Vincent Del Rosario, ng 34 Filrizam St., Brgy.Canumay West ng lungsod, sanhi ng pinsala sa ulo at katawan. Habang ginagamot …

Read More »

US Embassy ipatatawag sa Duterte ouster probe

BAGAMA’T matibay ang paniniwalang hindi magtatagumpay ang mga tangkang pagpapatalsik kay Pangulong Rodrigo Duterte, seryosong bibigyan ng pansin ng Kamara ang nasabing ouster plot. Ayon kay House Speaker Pantaleon “Bebot” Alvarez, mahalagang malaman kung totoo ang pakikialam ni dating US Ambassador Philip Goldberg sa soberanya ng Filipinas. Matatandaan, sa nalathalang impormasyon, sinasabing pina-plano ng dating US envoy ang pagpapahina sa …

Read More »

Jaybee Sebastian inilipat sa NBI

KINOMPIRMA ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre III nitong Miyerkoles, inilipat na sa kustodiya ng National Bureau of Investigation (NBI) ang high-profile inmate na si Jaybee Sebastian. Si Sebastian ay inilipat nitong Martes ng gabi mula sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa patungo sa hindi tinukoy na NBI office, pahayag ni Aguirre, ngunit tumangging magbigay ng iba pang detalye. Magugunitang …

Read More »