Saturday , December 20 2025

Classic Layout

Dedikasyon ni Vice Ganda sa industriya, sobra-sobra

TUWANG-TUWA ang Team Vice sa karangalang iginawad ng FAMAS kay Vice Ganda, ang Dolphy Lifetime Achievement Award.  Tiyak na magsisilbi pa itong inspirasyon para lalong ipagpatuloy ni Vice ang pagbibigay-kaligayahan sa lahat ng Filipino saan mang dako ng mundo.  Marami ang natuwa sa natanggap ni Vice na parangal na mismong ang mga anak ni Mang Dolphy ang pumili sa magaling na komedyante.  Rito pinatunayang ang pagbibigay ng Lifetime Achievement Award ay hindi nakabase sa tagal ng isang artista sa industriya kundi sa mga na-achieve o nai-contribute ng kanyang karera.   Hindi naman maide-deny na bagamat ilang taon pa lamang si Vice sa showbiz, sobra-sobra sa isang “lifetime” ang kanyang nakamit na tagumpay na resulta ng kanyang dedikasyon at hard work.  Kasi naman hindi ba, sa pelikula, patuloy na bini-break ni VG ang record na itinatakda niya sa bawat pelikulang kanyang pinagbibidahan.  Sa telebisyon naman, tuloy-tuloy ang pamamayagpag sa ratings ng It’s Showtime, GGV, at ang katatapos lamang na Pilipinas Got Talent.  Ibang level kasi ng kasiyahan ang ibinibigay ng Unkaboggable star  sa mga Kapamilya niya sa North America at sa matagumpay niyang concert series sa US at Canada.  SHOWBIZ KONEK ni Maricris Valdez Nicasio    

Read More »

Student directors, magpapakitang-gilas sa Theater Festival na Tingkala! 

MATUTUNGHAYAN na sa Mayo 16 at 17 ang mga dulang inihanda ng mga student director mula sa University of the Philippines, Los Banos bilang parte ng Theater Festival na Tingkala!  Mapapanood ang mga dulang idinirehe ng mga estudyante sa THEA 109 Directing Class ang Miss Dulce Extranjera, na isinulat ni SIR Anril Pineda Tiatco sa Mayo 16 (4:00 p.m.) at …

Read More »

Mary Joy Apostol, umaarangkada ang showbiz career!

NAGSIMULA si Mary Joy Apostol sa mga short at indie films. Mula rito, dumating ang biggest break niya via Birdshot ni Direk Mikhail Red na tinampukan nila nina John Arcilla, Arnold Reyes, at Ku Aquino. Aminado si Mary Joy na wala sa hinagap niya na ito ang magpapabago sa kanyang showbiz career. Bukod kasi sa nanalo siya ng award at …

Read More »

Kathelyn Dupaya, masama ang loob kay Ynez Veneracion 

MASAMA ang loob ng kilalang businesswoman na si Kathelyn Dupaya dahil sa naging pahayag ni Ynez Veneracion na para siyang na-scam at iba pang celebrities ng isang businesswoman na ang isa sa negosyo ay loading sa mga OFW sa Brunei. Although walang pangalang nabanggit si Ynez, ang pagkakasabi raw sa OFW sa Brunei ang naging main reason para mag-react ang naturang businesswoman.  “Hindi po ako scammer, hindi ako nanloko. Kasi, iba iyong scammer, iyong scammer, nawala ang pera mo, nangutang, o may kamuha ng pera mo. Iyong sa akin delayed po at sa transaction namin for how many years, si Sunshine (Cruz) four years mahigit, si Ynez almost two years. Do you think sir, scammer ‘yun? Naibalik ko ang puhunan niya…  “Noong December po sir, nagpaalam siya (Ynez), kunin na raw niya lahat. Sabi ko, ‘Hindi tayo makapagbigay ng notice ngayon dahil December nagsisialisan lahat ng agents ko, nagbabakasyon, by January ako magbigay ng notice.’ Pero kahit ganoon pa man, kahit hindi pa nagsibalikan ang mga tao, my own pocket money nag-settle ako sa kanya. Kahit wala pa until now sir ‘yung P1.2 million niya, wala pa sa kamay ko, pero ako bayad na sa kanya,” naiiyak na pahayag niya.  Si Ms. Dupaya ay kilalang negosyante sa Filipinas at Brunei na ang lifestory ay na-feature noon sa Magpakailanman. Kabilang sa business niya sa Brunei ang dalawang restaurants, bakery, tatlong spa, salon, at boutique. …

Read More »

MPDPC Horse Racing Cup, tumakbo

TUMAKBO kahapon ang Manila Police District Press Corps (MPDPC) Horse Racing Cup na ginanap sa Manila Jockey Club Inc., sa San Lazaro Leisure Park sa Lantic, Carmona, Cavite.  Ang pakarera ay isang Charity Race na sponsored ng Philippine Racing Commission (PHILRACOM) para sa iba’t ibang proyekto ng MPDPC tulad ng medical and dental programs, bloodletting, feeding mission at office renovation.  …

Read More »

Hindi na dapat maulit

ANG kahihiyan na inabot natin sa Kuwait ay hindi na dapat maulit. Dapat na nating itigil ang pagluluwas ng lakas paggawa sa mundo. Humanap na tayo ng ibang paraan kung paano mapatatakbo ang ekonomiya ng bansa na hindi umaasa sa remittances ng overseas Filipino workers (OFWs).  Dapat nang seryosohin ng pamahalaan ang pagtatayo ng mabibigat at magagaan na industriya at …

Read More »
PANGIL ni Tracy Cabrera

Kasong korupsiyon ‘iprinoseso’ laban kay ALCALA

When you don’t take a stand against corruption you tacitly support it.  — Kamal Haasan    PASAKALYE:  Bumagsak ang trust rating ni Vice President Leni Robredo ng 13 puntos sa first quarter ng taong kasalukuyan, ayon sa resulta ng latest Social Weather Stations (SWS).  Bumagsak ang rating ni Robredo mula sa +52 (very good) sa fourth quarter ng 2017 sa …

Read More »
Krystall Herbal oil FGO Fely Guy Ong

Matagal na ubo pinagaling ng Krystall herbal oil

Dear Sis Fely Guy Ong,  Una nagpapasalamat po ako sa Diyos dahil binigyan ka ng karunungan na magtukoy ng gamot mula sa kalikasan. Ito ang aking karanasan nagkaroon po ako ng ubo nang ilang taon, malagkit na laway at plema.   Nang makita ko sa gawain ang Krystall Herbal Oil at Nature Herb. Sinubukan ko ito at okey gumaling nagtanong ako …

Read More »

E bakit nga ba nag-resign si PCOO ex-Usec Noel Puyat?

MEDYO nagulat tayo nitong nakaraang weekend nang may magpadala ng mensahe sa private messenger ng inyong lingkod kaugnay ng news article na inilabas ng Philippine News Agency sa kanilang online edition na may ganitong titulo: Hataw ‘P647.1-M’ report malicious, fake (May 11, 2018, 6:14 pm).      “Malisyoso na peke pa!?”  Wattafak!  Mukhang kami ang dapat na magsalita niyan, hindi kayo, resigned …

Read More »
sk brgy election vote

Mahigpit na paalala sa mga botante 

NGAYONG araw ay huhugos tayong lahat sa mga nakatakdang poll precinct na naroroon ang mga pangalan natin para iboto ang Barangay officials at Sangguniang Kabataan.  Paalala lang po — kinabukasan ng bawat barangay  ninyo ang nakasalalay sa eleksiyong ito — lagyan po ninyo ng konsensiya ang inyong boto.  Dapat ay alam ninyo kung ang mga iboboto ninyo ay hindi sangkot …

Read More »