Saturday , December 20 2025

Classic Layout

BIR accreditation para sa importers/brokers tinanggal sa rekesitos ni Commissioner Sid

GOOD news para sa mga importer at brokers. Hindi na rekesitos sa Bureau of Customs (BoC) ang Importer Clearance Certificate (ICC) at Broker Clearance Certificate (BCC) mula sa Bureau of Internal Revenue (BIR) para sa kanilang accreditation. Naniniwala si Customs Commissioner Isidro Lapeña na ang bagong policy ay tuluyang ‘lulusaw’ sa mga consignee-for-hire ganoon din sa fly-by-night importers and brokers. …

Read More »
Bulabugin ni Jerry Yap

Non-FDA slimming and whitening products na hindi aprobado kompiskado

TULOY ang kampanya ni Food and Drug Administration Regulatory Enforcement Unit (FDA-REU) chief Allen Bartolo sa mga produktong overpriced pero hindi naman pala sigurado sa ipinapangakong magandang resulta nito. Ang sinasabi po natin, ang iba’t ibang food and cosmetics products kabilang ang skin-whitening soap, toner, cream and sunblock na nakompiska nila na tinatayang may halagang P6.1 milyong piso. Ang mga …

Read More »
Isumbong mo kay DRAGON LADY ni Amor Virata

Mga “pokpok” sa EDSA dumarami

PARANG mga bilasang isda na nakakalat sa bangketa ng EDSA corner Tramo St., sa lungsod ng Pasay, sa hilera ng mga mumurahing beerhouse at tapat ng Rotonda Lodge ang mga babaing nagbebenta ng panandaliang aliw sa murang halaga. Dapat maalarma ang pamahalaang lokal ng lungsod ng Pasay, dahil nagiging sanhi ito ng pagkalat ng sexually transmitted disease (STD) sa naturang lungsod, …

Read More »

Hagupit ng SALN

DALAWANG chief justice o punong mahistrado na ang napatalsik sa kanilang puwesto dahil sa iregularidad ng kanilang Statement of Assets, Liabilities and Networth o SALN. Ang aral, huwag ipagsawalang-bahala ng mga kawani ng gobyerno, kasama na ang mga tinatawag na “political appointees” na naluklok sa posisyon sa gobyerno. Hindi sila exempted sa sino mang opisyal at kawani ng gobyerno gaya …

Read More »

Antipolo Police, ‘di na nahiya kay RD Gen. Eleazar!

SINO ba ang hepe ng Antipolo City (Rizal province) Police? ‘Este, hindi raw police chief ang tawag kung hindi City Director. Ganoon ba? Ano man ang tawag diyan, ang importante ay may silbi ba ang hepe na kasalukuyang nakaupo sa estasyon? Base kay Mr. Google, ang city director ng Antipolo Police ay si Supt. Serafin Petalio II. Well, matagal-tagal na …

Read More »

SPEEd, Globe Studios, FDCP, at WISH, nagsama-sama para sa 2nd Eddys

NAKIPAGSANIB-PUWERSA ang Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) sa malalaking pangalan sa industriya ng showbusiness para sa pinakaaabangang 2nd Eddys (Entertainment Editors’ Choice) na gaganapin sa Hulyo.  Sa ilalim ng direksiyon ni Paolo Valenciano, inaasahang mas magiging malaki at mas exciting ang ikalawang pagbibigay parangal ng SPEEd sa mga natatangi at de-kalidad na pelikula na ipinalabas noong 2017.  Ang Globe Studios ang major presenter ng 2nd Eddys’ Choice habang ang fastest growing FM station na Wish 107.5 naman ang bubuo at hahawak sa production ng event.  Bago ang awards night, magkakaroon ng Nominees Night sa * June 3, 5:00 p.m., sa 38 Valencia Events Place,Quezon City. Katuwang ng SPEEd sa Nominees Night ang Film Development Council of the Philippines (FDCP), sa pangunguna ni Chairman Liza Dino.  Rito ibibigay ng mga opisyales ng SPEEd at ng FDCP ang certificates …

Read More »

Paolo at Derek, kapwa umaarangkada ang career

PANALO ang movie career ng dalawang artists ng JLD Management, sina Paolo Ballesteros at Derek Ramsaybilang dalawa sa trusted at bankable lead actors sa pelikula.  Box-office sa takilya ang latest starrer ni Paolo mula sa Regal Entertainment, ang My 2 Mommies na kumita ng P5.5-M sa opening day. Hindi lang ito pinilahan sa mga sinehan, umani rin ito ng magagandang reviews sa kanyang performance.   Bentang-benta ang pagbibitiw niya ng nakatatawang linya at tagos sa puso ang kanyang pagdadrama.  Pagkatapos ng M2M ay ikinakasa na ang next movie ni Paolo na lalong magpapatingkad sa kanya bilang box-office attraction at magaling na aktor!  Si Derek naman ay huling napanood sa Metro Manila Film Festival na All of You at nanalo bilang Best Actor. Bago ‘yon, tinangkilik ng moviegoers ang Regal movies niyang Love Is Blind at The Escort.  At heto ang bagong pelikulang Kasal na kasama si Derek para sa opening salvo ng Star Cinema sa pagdiriwang nila ng 25th anniversary. Naunang ginawa na ng aktor ang mga pelikulang nagtala ng …

Read More »

Kris, mababaw lang ang kaligayahan 

PARANG batang nagtatampo si Kris Aquino nang maubusan siya ng paborito niyang ulam na calamares nang mag-imbita siya ng dinner sa bahay niya sa Green Meadows subdivision.  Marami kasing tao sa bahay nina Kris dahil nag-shoot siya ng webisodes ng Ever Bilena at Mother’s Day contest para sa #Dinner with Kris na sponsor ng Toblerone na siya mismo ang nag-design ng bagong packaging nito.  At nang natapos na ang trabaho ng social media influencer ay nagpahain na dahil nagugutom na siya.  Laking gulat na lang namin nang magsabi siya ng, ”where’s my calamares?” At sinagot siya ng staff na ‘ubos na po.’  “What? Hindi ninyo ako ipinagtabi ng calamares? You know naman that’s my favorite ‘di ba? Nagtrabaho ako the whole day at pagod na pagod ako tapos wala ‘yung paborito kong food?”  Tila batang nagsusumbong na panay ang sabing, ”kita ninyo wala akong food, inubusan nila ako ng calamares.”  Nakita naming hinainan siya ng lechon at kare-kare pero hindi niya masyadong kinain dahil hinahanap niya ang kontrobersiyang calamares na walang umamin kung sino at paano naubos.  Maya-maya ay inabutan na siya ng waiter ng catering at saka lang sumaya ang mama nina Joshua at Bimby,”yey, kita n’yo love nila ako, gumawa sila ng paraan to have my calamares. Alam mo ba ‘yung feeling na pagod ka at gutom at expected mo ‘yung ulam na gusto mong kainin tapos wala? Good job sa Elars (catering).”  At dahil sa calamares ay nagpasabi si Kris sa kanyang assistant, ”Alvin (Gagui) bigyan mo ng tip sila baka hindi nabigyan kanina, gumawa sila ng paraan to have …

Read More »
Heart Evangelista Chiz Escudero

Pagbubuntis ni Heart, God’s perfect timing 

BUNTIS na si Heart Evangelista sa panganay nila ng asawang si Senator Chiz Escudero.  Ang ganda ng ngiti ni Heart nang i-post niya ang damit pambatang may nakatatak na Dior habang yakap siya ng asawang si Senator Chiz nitong Sabado ng 11:00 a.m..  Ang caption ng aktres, ”The greatest of blessings all in God’s perfect timing! Our beautiful family just got a little bigger. We can’t wait to meet you little one.”  Tanda namin noong huling makatsikahan si Heart sa renewal ng contract niya sa Viva ay hindi sila nagpapa-pressure ni Senator Chiz dahil naniniwala silang ibibigay ito sa tamang panahon.  Kaya nga ‘God’s perfect timing’ ang caption niya nang ibalita niya ito sa lahat.  Matatandaang apat na taon ng kasal na sina Heart at Chiz dahil ikinasal sila noon sa Balesin Island, Pebrero 15, 2015.    FACT SHEET ni Reggee Bonoan

Read More »