Thursday , December 18 2025

Blog Layout

Tanod patay, 10 sugatan sa gumuhong pumping station

PATAY ang isang barangay tanod habang sampu ang nasugatan nang gumuho ang platform ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA)  Balete Flood Control Pumping Station sa Ermita, Maynila kahapon ng umaga. Ayon kay Johnny Yu, hepe ng Manila Disaster Risk Reduction and Management Council, ang biktimang si Alfredo Quijano, nasa hustong gulang, barangay tanod ng Brgy. 664, Zone 71, ay namatay …

Read More »

Elitista hinimok lumahok sa drug war

HINIKAYAT ng Palasyo ang mga “elitista” na ibahagi ang mga biyaya ng de-kalidad nilang edukasyon sa pagtulong sa gobyerno na isalba ang mga maralitang pamayanan sa prehuwisyo ng ilegal na droga. Ito ang pahayag ni Communications Secretary Martin Andanar sa idineklarang Black Sunday ng Ateneo de Manila University (AdMU) at De La Salle University (DLSU) o ang panawagan na magsuot …

Read More »

TRO pipigil sa sex video ni De Lima sa Kamara

MAY solusyon pa si Senator Leila de Lima para mapigilan ang pagpapalabas ng sinasabing sex video niya at ng dating driver/lover sa isinasagawang imbestigasyon sa paglaganap ng ilegal na droga sa loob ng New Bilibid Prison (NBP). Hinikayat ni Atty. Nelson Borja ang senadora na lumapit sa Korte Suprema at humingi ng TRO para hindi matuloy ang plano ng ilang …

Read More »

Amerika BFF pa rin ng PH (Kahit binibira ni Digong)

NANANATILING malakas at importante ang relasyon ng Filipinas at Amerika sa kabila ng mga komentaryo ni Pangulong Rodrigo Duterte laban kay Uncle Sam. Ito ang tiniyak kahapon ni US Department of State Deputy Spokesperson Mark Toner sa  press briefing sa Washington DC. Sa antas aniya ng government-to-government ay patuloy ang produktibo, konstruktibo, at malapit na pagtutulungan ng US at Filipinas …

Read More »

Protocol itatakda sa imbestigasyon ng EJK sa ‘Pinas

SA sandaling nalinaw na ang susunod na magiging hakbang, alin man kung magpapadala ng imbitasyon ang DFA o Malacañang, kapag na-transmit na ito saka sisimulan ang consultation process, ayon kay foreign affairs assistant secretary at spokesperson Charles Jose ukol sa isasagawang imbestigasyon sa sinasabing mga extrajudicial killing (EJK) sa bansa. Wala umanong specific date kung kalian dadalaw ang mga kinatawan …

Read More »

Huwag makialam sa aming drug war (Babala sa UN at EU) — Yasay

PINAALALAHANAN ni foreign affairs secretary Perfecto Yasay ang United Nations (UN) na mayroong mandato si Pangulong Rodrigo Duterte mula sa sambayanang Pilipino at ang daidig ay hindi dapat na ‘makialam’ sa kampanya nito laban sa krimen. Sa taunang U.N. General Assembly, sinabi ng kalihim na ang pamahalaang Duterte ay “determinadong palayain ang bansa mula sa korapsyon at iba pang masasamang …

Read More »

‘Wag makinig sa human rights sa war on drugs (Payo ni Duterte sa PNP)

  PINAYUHAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga pulis na huwag makikinig sa human rights (groups) sa pagtupad ng kanilang tungkulin. Sinabi ni Pangulong Duterte, ang human rights ay palagi namang kontra o anti-thesis ng gobyerno. Ayon kay Pangulong Duterte, hindi nag-iimbestiga ang Human Rights Commission (CHR) kung pulis ang namamatay kahit araw-araw pa. Kanyang tinitiyak na siya ang bahala …

Read More »

Armas ng ASG narekober sa Basilan

ZAMBOANGA CITY – Narekober ng militar ang  matataas na kalibre ng mga baril, bala at mga eksplosibo sa kamakalawa sa Brgy. Katipunan, Tuburan sa lalawigan ng Basilan. Ayon sa Western Mindanao Command (WestMinCom), pag-aari ng teroristang Abu Sayyaf group (ASG) ang nakuhang mga kagamitan. Kabilang sa mga narekober ang isang unit ng M14 rifle na may walong magazines at 39 …

Read More »

‘Hitler’ remarks ipinaliwanag ng Palasyo (Yasay Itinanggi)

KINIKILALA ng Filipinas ang mahalagang ambag ng karanasan ng mga Hudyo, lalo na ang masaklap at mapait nilang kasaysayan. Sa kalatas ng Palasyo kahapon, binigyang-diin ni Presidential Spokesperson Ernesto Abella, hindi minaliit ni Pangulong Duterte ang pagbubuwis ng buhay ng anim na milyong Hudyo noong Holocaust ng World War II. Giit ni Abella, ang pagtukoy ni Pangulong Duterte sa pagkatay …

Read More »

Chikungunya outbreak idineklara sa Indang

IDINEKLARA ang chikungunya outbreak sa Indang, Cavite. Ayon sa ulat, mahigit 400 kaso ng chikungunya ang naitala sa nasabing lalawigan ngayong taon, karamihan ay naganap sa Indang. Ayon sa nakaraang panayam kay Department of Health (DoH) Spokesperson Eric Tayag, magkakaparehong tipo ng lamok ang nagdudulot ng chikungunya, dengue at zika viruses. Aniya, ang kampanya laban sa zika ay kampanya rin …

Read More »