Sunday , December 7 2025

Pan-Buhay: Pagkain ng Buhay

Sumagot si Hesus, “Pakatandaan ninyo: hinahanap ninyo ako, hindi dahil sa mga himalang nakita ninyo, kundi dahil nakakain kayo ng tinapay at nabusog. Huwag ang pagkaing nasisira ang inyong pagsikapang kamtan, kundi ang pagkaing hindi nasisira at nagbibigay ng buhay na walang hanggan. Iyan ang ibibigay sa inyo ng Anak ng Tao, sapagkat siya ang binigyan ng Diyos Ama ng …

Read More »

Amazing: Patay na kaibigan ayaw iwanan ng aso  

NAGING hit sa internet ang larawan ng isang aso habang matiyagang binabantayan ang bangkay ng kaibigan niyang kapwa aso na nasagasaan ng isang kotse sa China. Ang sandy-coloured ‘Good Samaritan’ pooch ay nanatili sa tabi ng kanyang kaibigan, bagama’t ang bangkay ng kapwa aso ay nakabulagta sa gitna ng kalsada. Tumanggi rin siyang mailipat ng lugar bagama’t ang temperatura ay …

Read More »

Feng Shui: Birthstones

ANG misteryo ng birthstones ay luma na. Maraming alamat ang nagsasalaysay ng gamit ng specific stones para sa specific purposes – ito man ay birthstones na nagbibigay ng overall protection o stones na pinili ayon sa birth year ngunit depende sa life circumstances. Maaaring matagpuan ang birthstone traditions sa karamihan ng mga kultura sa planetang ito, at ang iba’t ibang …

Read More »

Ang Zodiac Mo (April 23, 2015)

Aries (April 18-May 13) Hindi dapat na umakto bilang kalaban ng partner, manatiling nagkakaisa. Taurus (May 13-June 21) Sisikaping maging maayos ang lahat ng mga gagawin. Maging sa paghahanda ng lunch o dinner. Gemini (June 21-July 20) Mahalaga para sa iyo ang kalayaan at sariling hilig ng kapareha. Cancer (July 20-Aug. 10) Hindi mo papaboran ang nagaganap sa inyong tahanan. …

Read More »

Panaginip mo, Interpret ko: Gold coins & red snake

Hi po, g’aft, Gusto ko lang po itanung kung anu po ba ang ibig sabhin ng panaghinip ko na coins of gold, tsaka po red snake thank you po. (09185679180)   To 09185679180, Ang gold coins na nakita sa iyong bungang-tulog ay maaaring nagre-represent ng tagumpay at kayamanan. Maaaring may mga bagay na nag-trigger upang managinip ka ng ganito. Hindi …

Read More »

It’s Joke Time

Kenji: Pare, para i-prove ang love ko sa GF ko inukit ko sa braso ko ‘yung name niya gamit ang kutsilyo! Aldrin: ano natuwa ba siya? Kenji: Hindi wrong spelling ‘e! *** Isang bata ang inutusan para bumili sa isang store ng juice na nasa tetrapack… Bata: Ale, pabili nga po ng isang juice na nasa litro pack. Tindera: ‘Yung …

Read More »

Bilangguang Walang Rehas (Ika-22 Labas)

Pero huli na ang lahat para masawata ang pagsisindi ni Digoy ng lighter na ipinangsulsol sa bahaging plywood na dingding ng gusali na basambasa ng gas. Agad na nag-liyab iyon. At mabilis na kumalat ang apoy. Ura-uradang pinalipad palayo ng piloto ni Mr. Mizuno ang helikopter. Pero si Mr. Mizuno mismo ay na-trap sa loob ng opisina ng pabrika. Naghumiyaw …

Read More »

Ang Ganador (Sa Mundong Parisukat ng Tao) (Part 16)

NANGAKO SI RANDO NA TATAPUSIN LANG ANG UTANG KAY TATA EMONG “Mahal, makabayad lang ako kay Tata Emong, e huli na talaga ‘to… “ panunumpa ni Rando. “Sana nga, Ran… sana…” Kasali si Rando sa limang kalahok na maglalaban-laban sa pampinaleng eliminasyon. Dadaanin na lamang sa palabunutan kung sino sa lima ang mapalad na maghihintay na lamang sa magiging resulta …

Read More »

Sexy Leslie: Relasyon sa bading masama ba?

Sexy Leslie, Tanong ko lang, hindi ba masama ang makipagrelasyon sa bading? Hindi ba nakasisira ng pagkalalaki ‘yun? 0918-6078380   Sa iyo 0918-6078380, Kung nakipagrelasyon ka sa bading dahil masaya ka at talagang sa kanya tumibok ang iyong puso, wala namang masama lalo ngayong ‘open’ na ang karamihan sa third sex relationship. Good luck!   Sexy Leslie, Totoo po bang …

Read More »

Para kanino si De La Hoya? (Sa Pacquiao-Mayweather mega-fight)

SA pagtahak tungo sa tugatog ng listahan ng mga pound-for-pound king, limang mandirigma ang nakaharap nina Manny Pacquiao at Floyd Mayweather Jr.—kabilang na rito ang ‘Golden Boy’, Oscar De La Hoya. Ibinahagi ng boxer-turned-promoter ang kanyang opinyon sa binansagang ‘mega-fight of the century’ sa media workout para kay Saul ‘Canelo’ Alvarez at Pinoy fighter Mercito Gesta. “Basta maging maganda lang …

Read More »

Mayweather mananalo sa puntos lang —Hatton

SAMPUNG araw bago ang kinasasabikang ‘Battle for Greatness’ sa pagitan nina Manny Pacquiao at Floyd Mayweather Jr., naniniwala si dating WBA welterweight champion Ricky ‘The Hitman’ Hatton na matatalo sa puntos ang Pambansang Kamao. “Angkin niya (Pacquiao) ang lahat ng husay sa boxing para talunin niya si Mayweather, pero maaa-ring hindi sapat ang mga ito,” ayon sa British boxer. Parehong …

Read More »

So nangunguna sa Gashimov

NILAMPASO ni GM Wesley So si GM Rauf Mamedov kahapon para dapuan ang solo liderato matapos ang fourth round ng Gashimov Memorial Shamkir Chess 2015 na ginaganap sa Azerbaijan. Niratrat agad ng 21 anyos na si So (elo 2788) ang Sicilian defense ni Mamedov (elo 2651) ng host country upang pataubin nito sa 41 sulungan at ilista ang 3.5 puntos. …

Read More »

Ginebra kailangan ng maraming tune-up — Lim

INAMIN ng bagong head coach ng Barangay Ginebra San Miguel na si Frankie Lim na kailangan ng maraming mga tune-up games ang Gin Kings para lalo sila masanay sa kanyang sistema. Pinalitan ni Lim si Ato Agustin pagkatapos na matalo ang Ginebra kontra Rain or Shine sa quarterfinals ng PBA Commissioner’s Cup. Ito ang unang beses na maging head coach …

Read More »

Wild Wild West umentado

Mas umentado ang naipakitang panalo ng kabayong si Wild Wild West na nirendahan ni jockey Dunoy Raquel Jr. sa kanilang huling takbo nitong nagdaang Lunes sa pista ng SLLP. Sa salida ay nauna kaagad sila sa lundagan, subalit hinayaan muna ni Dunoy na kapitan ng bahagya ang kanyang renda. Pagdating sa medya milya ay hiningan ulit ni Dunoy ang kanyang …

Read More »

Richard Yap, mag-aaksiyon naman sa My Kung Fu Chinito

ni Roldan Castro BAGAY kina Richard Yap at Enchong Dee na magsama sa isang proyekto gaya ngWansapanataym Presents My Kung Fu Chinito. Nagkasama na ang dalawa sa mga show abroad pero hindi nila inasahan na magkakasama sa ganitong klaseng proyekto. Hindi pa-sweeet si “Sir Chief’ sa bagong TV show kundi mag-a-action siya pero light lang at pambata. Nag-training na raw …

Read More »