Thursday , December 18 2025

Taongbayan suportado martial law ni Duterte

  NAGSALITA na ang taongbayan, at suportado nila ang martial law na idineklara ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte sa buong kapuluan ng Mindanao. Ito ay base sa pinakahuling survey ng Social Weather Station (SWS) na ginawa noong Hunyo 23 hanggang 26. Ang resulta ng survey ay nangangahulugan na tiwala ang mamamayan sa ginagawa ni Duterte, taliwas na taliwas sa ipinararating …

Read More »

Ang mala-kontrabidang peg ni senadora bow

the who

  THE WHO si Madam Senadora na bukod daw sa certified ‘maldita’ ay ‘switik’ pa? Tip ng Hunyango natin, para raw siyang nakapanood ng teleserye sa ginawang pananakit ni Madam sa isang empleyada nila. Kuwento sa atin, minsan habang nasa opisina ang magaling na Senadora pumasok ang Executive Staff ng kanyang asawa at nakalimutang mag-excuse. Aba ang tinamaan ng magaling, …

Read More »

Aklan DOLE inutil ba o nakikinabang sa mga resort sa Bora?

  HALOS isang buwan na rin ang nakalilipas nang talakayin natin ang kalagayan ng nakararaming manggagawa sa Isla ng Boracay na matatagpuan sa Malay, Aklan, kaugnay sa sobrang ‘panggugulang’ sa kanila ng ilang hotel and beach resort pagdating sa pagpapasahod. Paano kasi, karamihan sa mga manggagawa ay hindi pinapasuweldo nang tama bukod sa wala pa silang benepisyo tulad ng SSS, …

Read More »

MPD PS8 tahimik at malalim

  MARAMI ang nagtatanong kung ano ba ang pinagkakaabalahan ng isang estasyon ng Manila Police District (MPD) kaugnay sa giyera kontra droga nina C/PNP DG Bato Dela Rosa, NCRPO RD Oscar Albayalde at MPD Director C/Supt Joel Napoleon Coronel. Mistulang tahimik sa mga aktibidad ang estasyon na gaya ng MPD OTSO sa Sta. Mesa pero smooth sailing ang ganansiya sa …

Read More »

Barangay at SK elections hatulan na

sk brgy election vote

ABA’Y mga ‘igan, huwag patulog-tulog sa pansitan! Bigyang-linaw ang walang kasiguradohang barangay at SK elections sa bansa! Sus, kailan ba talaga ang arangkada nito? Meron ba o wala tayong aasahang eleksiyon sa taong ito? Sa ngayon mga ‘igan, nakatengga ang usaping ito. Walang linaw, walang kasiguraduhan… Sus ginoo! Tumunog na nais ipagpaliban sa October 2018 ang barangay at SK elections. …

Read More »

Marjorie, naapektohan!

  MARJORIE Barretto was greatly affected by a netizen’s accusation that she is a neglectful mom. Sa comments section, it was obvious that Marjorie’s agitated by the basher’s ‘malicious comment.’ Iniintriga ng basher ang hindi pagsama ni Marjorie sa anak na si Dani Barretto nang magtungo sa emergency room ng isang ospital noong nakaraang linggo. Dani is Kier Legaspi’s daughter …

Read More »

Sikat na aktres, minaliit ang tulong na ibinigay ng kaibigan

blind item

  MAY kakaibang ugali pala ang isang sikat na aktres sa taong kung tutuusi’y dapat niyang pasalamatan, pero nakukuha pa rin niyang sumbat-sumbatan. Eksena ito na nasaksihan mismo ng mga tao sa set ng ginagawa niyang proyekto. Isa sa mga naroon ang nagtanong sa kanya, kumusta na raw ang plano nitong mangibang-bansa para magpagamot? Sagot ng aktres, hindi natuloy. Laking …

Read More »

Aktres nakipagmatigasan, ayaw pa ring patalo sa ina

  DAHIL aktibo sa social media nitong mga nakaraang araw ang aktres na ito’y hindi maiwasang maungkat ang pakikipag-alitan nito sa kanyang mismong ina. Minsan ay kausap ng aktres ang isang beteranong manunulat. Pinagpayuhan siya nitong makipag-ayos na sa kanyang ina, pero sa halip na pahalagahan ng aktres ang magandang hangarin ng nagmamalasakit na kausap ay ito pa raw ang …

Read More »

Direk Maryo, VM Belmonte at Ignacio, bagong bubuo ng MMFF Execom

  WISH ni Coco Martin na sana ay maayos ang kontrobersiya at kaguluhan ngayon ng MMFF execom. Ginagawa naman ang pestibal na ito para mapasaya ang mga moviegoer at mga bata sa Kapaskuhan. Dapat isaisip kung para kanino ang festival na ito at kung sino ang mapaliligaya? Isipin na lang ang para sa kapakanan ng industriya. Sa ngayon, tatlong pangalan …

Read More »

Sylvia, bumata at sumeksi

  PINAGHAHANDAAN ni Sylvia Sanchez ang bagong aura niya sa susunod niyang serye kaya bumata siya at pumayat. Gusto niya ay ibang hitsura ang makita sa kanya ng mga televiewer. Nagseryoso talaga si Sylvia na magmukhang bata para patunayan na effective ang ineendoso niyang BeauteDerm. Nagulat nga ang isang movie press nang masalubong si Sylvia sa ABS-CBN 2 after ng …

Read More »

Nadia, gusto nang pumayat sa susunod na serye

Nadia Montenegro

  MAS gustong balikan ni Nadia Montenegro ang mag-produce kaysa pasukin ulit ang politika. “Diyos ko, hindi. Wala akong balak na tumakbo ulit. “Ang tagal ko nga siyang (yumaong ex-mayor Asistio) nilayo riyan, eh. Nauto nga ako saglit, ‘di ba? He!he!he! Tumakbo rin ako.. hehehe,” bulalas ng aktres. Actually, nag-produce si Nadia ng concert ni Aiza Seguerra sa July 14, …

Read More »

Andrea at Marian, may gap pa rin

Andrea Torres Dingong Dantes Marian Rivera

  INIINTRIGA pa rin ang pag-alis ni Andrea Torres sa Triple A management na kakuwadra niya si Marian Rivera. Ano ba ang nangyari? Hindi pa rin ba sila okey ni Marian? May malditahan bang nagaganap at pinagtatakpan lang? Hindi pa rin mamatay-matay ang tsikang may ‘gap’ na namamagitan sa dalawa. True ba ang alingasngas na may harangang nangyayari at hindi …

Read More »

Nadine, binatikos ukol sa live-in set up

  UMAANI ng batikos si Nadine Lustre sa social media sa kanyang pahayag na wala namang masama sa pagli-live in ng mga magnobyo among the millennials. Ang hindi sukat akalain ng young actress ay ang malinaw na implikasyon nito na kung wala nga namang masama sa live-in setup ay wala rin palang masagwa sa pre-marital sex sa mga milenyal. At …

Read More »

Shaina, haharapin muna ang pag-aaral

PLANONG mag-enroll ni Shaina Magdayao ng kursong BS Psychology para lubos niyang maunawaan ang pasikot-sikot sa itinayo niyang Smile Cares Foundation kasosyo ang Yes Pinoy Foundation na pinamamahalaan ni Dingdong Dantes. Pinayuhan si Shaina ng legal adviser ng foundation na si Atty. Lucille Sering, “si attorney, she advise me to take online classes, mayroon siyang sinasabing university in Melbourne, Australia …

Read More »

Cedric Lee, nag-post ng bail sa kasong kidnapping

  NAKITA si Cedric Lee kahapon ng umaga sa Mandaluyong Regional Trial Court at nag-post ng bail sa kasong kidnapping na ikinaso sa kanya ni Vina Morales noong nakaraang taon. Ayon sa nagkuwento sa amin ay nag-plead ng not guilty si Cedric at pinabulaanan ang kasong kidnapping at sumampa na sa korte at muling magkakaroon ng mediation hearing sa Hulyo …

Read More »