Sa presscon ng pinagbibidahan nilang weekend fantasy series na “Hiwaga Ng Kambat,” ikinuwento pareho nina Grae Fernandez at Edward Barber na gumaganap na kambal sa serye ang mga mahihirap nilang eksena rito lalo sa parte ni Edward na maliban sa prosthetics na inilalagay sa kanyang mukha at katawan para magmukhang paniki ay kinailangan rin ng banyagang aktor na mag-aral ng …
Read More »Talent manager at fashion stylist na si Edwin Rosas Visda pinarangalan ng FAMAS
SA kabila na may ilang kasamahan sa industriya na gusto siyang pabagsakin, nangabigo silang lahat. Bagkus lalo pang nakikilala sa field niya bilang talent manager at fashion stylist si Jose “Edwin” Rosas Visda na sa recent 67th FAMAS Annual Awards 2019 ay pinarangalan bilang “Fashion Arts Icon.” Pinakamataas na award ito sa larangan ng fashion world kaya naman sobrang honored at …
Read More »Endoso ng INC at El Shaddai target ni Villar
UMAASA si reelectionist Senator Cynthia Villar sa suporta at endoso ng religious group na Iglesia ni Cristo na kilalang may block vote na pinamumunuan ng pamilya Manalo at ng El Shaddai na pinamumunuan ni Bro. Mike Velrade. Ayon kay Villar, ang kanilang igagawad na suporta at endoso sa kanyang kandidatura ay lubhang mahalaga at malaking tulong para siya ay manalo …
Read More »Panalo ng mga kandidato ni Digong, tiniyak ni Koko Pimentel
IDINIIN ni Senador Aquilino “Koko” Pimentel III na sa pinakahuling survey na nagpapakita na napakataas ng porsiyento ng mga Filipino –– halos 80% –– ay masaya sa pamumuno ni Pangulong Rodrigo Duterte; kaya naniniwala siya na ito ang magdadala ng panalo sa mga kandidatong senador ng Partido Demokratiko Pilipilino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban) at Hugpong ng Pagbabago. “When the President ran …
Read More »Krystall Herbal products malaking tulong sa may karamdaman
Dear Sister Fely, Ako po si Grace Sono, 57 years old, taga-Taguig. Ang ipapatotoo ko po ay tungkol sa Krystall Herbal Bukol Cream, Krystall Herbal Eyedrop at Krystall Herbal Oil. Ang mama po ng employer ko from Russia nagbabakasyon po rito. Noong isang araw po, nagputol-putol po siya ng halaman sa garden at napuwing po siya roon. Una, naisipan po …
Read More »Bakbakang Poe, Villar at Lapid
MASASABING isang ilusyon o isang kahibangan lamang kung inaakala ni Sen. Cynthia Villar na siya ang tatanghaling number one sa senatorial race ng midterm elections na nakatakda sa darating na 13 Mayo. Bagama’t nakaungos si Cynthia sa pinakahuling resulta ng Pulse Asia senatorial survey, hindi nangangahulugang ito na rin ang magiging resulta ng halalan at makukuha na niya ang numero …
Read More »Bernabe nanguna sa 3 local surveys
NANGUNGUNA sa tatlong magkakahiwalay na online poll survey sa pamamagitan ng social media ang dating alkalde ng Parañaque City. Lumalabas sa resultang isinagawang survey ng Election Watch PH 2019, The Leader I Want at Filipino Online Poll sa pamamagitan ng Facebook, nanguna si dating Parañaque City Mayor Florencio “Jun” Bernabe, na tumatakbong alkalde sa nabanggit na lungsod ngayong nalalapit na halalan sa 13 …
Read More »Sa ilalim ng tirik na araw… Lim nagbahay-bahay sa tambunting
PINABULAANAN ng nagbabalik na Manila Mayor Alfredo S. Lim ang mga paninira na siya ay hindi na nakalalakad o mahina na, nang siya ay magsagawa ng ‘house-to-house campaign’ sa mataong lugar ng Tambunting sa Sta. Cruz, Maynila, sa ilalim ng tirik na araw. Nagpasalamat si Lim sa mga residente na nagsipaglabasan ng tahanan para siya ay salubungin, kamayan, makakuwentohan, maka-selfie …
Read More »Dalagita natagpuang tadtad ng saksak (Tiyuhin pinaghahanap)
PATULOY ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya sa pagkamatay ng 14-anyos dalagita na natagpuang tadtad ng saksak sa loob ng bahay ng kanyang tiyuhin sa Valenzuela City, kamakalawa ng umaga. Ayon kay Valenzuela police chief P/Col. David Nicolas Poklay, dead-on-arrival sa Valenzuela City Emergency Hospital (VCEH) ang biktimang si Clarisse Joyce Marcelo, residente sa P. Adriano St., Brgy. Malanday sanhi ng …
Read More »Pagsasarara ng Marcos Bridge nabinbin — MMDA
HINDI matutuloy ang planong pagpapasara at pagsasaayos ng bahagi ng Marcos Bridge na nasa pagitan ng Marikina City at Pasig City na unang iniskedyul sa Sabado, 4 Mayo, 11:00 pm. Ipinagpaliban ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa loob nang isang linggo ang plano na sisimulan ang pagpapasara ng eastbound portion ng tulay sa 11 Mayo, isang linggo ang pagitan …
Read More »DFA nagtaas ng alerto sa Libya
ITINAAS man ang Alert Level 4 ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa Libya, hindi pa rin umuuwi ang ibang Pinoy workers dahl sa kanilang delay na suweldo kaya ayaw pa nilang umuwi sa Filipinas kahit tumintindi ang kaguluhan sa nabanggit na bansa. “Nagsusuweldo sila (OFWs) pero dahil may restrictions sa remittances hindi nila naipapadala iyong kanilang mga pera. Marami-rami …
Read More »Panelo ‘sintonado’ sa ouster plot matrix
NAG-IBA ng tono ang Palasyo sa naunang ipinangalandakan na “oust Duterte plot matrix.” Todo-tanggi na si Presidential Spokesman Salvador Panelo na galing kay Pangulong Rodrigo Duterte ang ouster plot matrix. Sa press briefing sa Malacañang, inilinaw ni Panelo na natanggap lamang niya ito galing sa hindi kilalang source. Aniya, ipinalagay niya na ang natanggap na matrix at ang tinutukoy sa inilathalang balita …
Read More »Alejano ‘duda’ sa nadampot na video uploader
NAGPAHAYAG ng pagdududa si Magdalo Party-list Rep. Gary Alejano sa dinakip na uploader umano ng video ni ‘Bikoy.’ Aniya, dapat masiguro na tama ‘yung taong dinampot’ at baka gagamitin lamang sa propaganda ng gobyerno. “Dapat masigurong tamang tao ang naaresto at hindi peke na maaaring gagamitin sa propaganda ng gobyerno,” ani Alejano. Aniya, hindi natatapos ang isyung inilahad ni “Bikoy” …
Read More »Absolute pardon ni Crisologo peke — ex-NBI expert
PEKE ang lagda ni President Ferdinand Marcos sa hawak na dokumentong absolute pardon ni Quezon City Rep. Vincent “Bingbong” Crisologo.” Ito ang dokumentong ginamit sa kanyang pag-upo sa puwesto sa Kongreso at sa iba pa niyang dating mga posisyon sa gobyerno. Ayon kay Atty. Desiderio Pagui, isa sa mga kinikilalang handwriting at document expert ng Supreme Court, at dating chief …
Read More »7-anyos totoy patay sa silver cleaning solution
PINANINIWALAANG hindi sinasadyang nainom ng 7-anyos batang lalaki ang silver cleaning solution na nakalagay sa boteng plastic ng softdrink na kanyang ikinamatay sa Makati City. Namatay habang nilalapatan ng lunas sa Ospital ng Makati ang biktimang si Rain Mendoza, ng Block 317, Lot 10, Mockingbird St., Bgy. Rizal ng nabanggit na lungsod. Base sa ulat na nakarating kay Makati City …
Read More »
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com



















