Friday , December 19 2025

Sen. Bong, nakare-recover na

bong revilla jr

NAGPAPASALAMAT si Mayor Lani Mercado sa lahat ng mga nagdasal para sa kanyang asawang si Senador Bong Revilla dahil nakaka-recover na iyon ngayon mula sa Covid-19 na tumama sa kanya. Nauna riyan, nabalitang lumubha pa ang kalagayan ni Senador Bong, na tinamaan pa ng pneumonia na komplikasyon ng Covid-19 infection niya. Mabuti naman at nakuha sa gamot ang lahat at ngayon nga bumubuti na …

Read More »

Ria Atayde, ‘di nagpakabog kina Pokwang at Pauleen

PROMISING bilang first timer sa pagho-host si Ria Atayde base na rin sa napanood naming bagong morning talkshow nito sa TV5, ang Chika BESH (Basta Everyday Super Happy) kasama sina Pokwang at Pauleen at napapanood tuwing Lunes hanggang Biyernes, 10: a.m.. Hindi nga nagpatalbog si Ria sa husay ng pagho-host nina Pauleen Luna at Pokwang na pareho ng bihasa kaya naman maraming manonood ang pumuri sa magandang anak ng awardwinning actress na …

Read More »

CEO ng CN Halimuyak Pilipinas, tuloy ang pagtulong

TULOY-TULOY pa rin ang pagtulong ng generous na CEO/President ng CN Halimuyak Pilipinas na Ms. Nilda Tuason sa ating mga frontliner at mga kababayang apektado ng Covid-19 pandemic. Bukod sa pamamahagi ng mga produkto ng CN Halimuyak Pilipinas katulad ng alcohol, disinfectant, sanitizer, foot bath disinfectant solution atbp., malaking tulong din ang ibinebentang CN Halimuyak Pilipinas  products sa murang halaga dahil ibinabahagi nito ang ilang porsiyento ng …

Read More »

Digital series nina Enchong at Erich, kaabang-abang

PAREHONG aktibo sa kani-kanilang vlogs sina Enchong Dee at Erich Gonzales at maganda ang tandem nila kapag magkasama sila kaya naisip nilang mag-collab. Ito ‘yung sinasabi ni Enchong na susubukan niyang gumawa ng digital series pero hindi muna niya binanggit kung sino ang kasama at heto habang isinusulat namin ang balitang ito ay ipinost na ng aktor sa kanyang IG account na si Erich …

Read More »

Yeng, tinadtad ng rapid test

TADTAD sa rapid test si Yeng Constantino dahil kung ilan pala ang programa ng isang Kapamilya star, iyon din ang bilang na ite-test siya for Covid-19. Ito ang kuwento ni Yeng sa pagbabalik nila ng live sa It’s Showtime kamakailan na mahigpit na ipinatutupad ng Kapamilya Network ang health protocols at paggamit ng PPEs at Face Mask sa kanilang mga staff at artista. Sa vlog ni …

Read More »

Joy ng Sexbomb, balik-telebisyon via Tagisan Ng Galing

NAKATUTUWA naman ang ibinalita ng kaibigang Joy Cancio, dating manager ng Sexbomb. Paano’y magbabalik-telebisyon na siya. Ito’y sa Tagisan Ng Galing (Part 2) sa Net 25, Eagle Broadcasting. Ayon sa kuwento ni Joy, sa September 5 na ang pilot episode nito at 12 noon at makakasama niya ang dating alaga sa Sexbomb noong sina Mia Pangyarihan gayundin sina Joshua Zamora at Wowie de Guzman. Bale silang apat ang mga hurado …

Read More »

Sen. Grace, namahagi ng 50 electronic tablets

KAKAIBANG birthday celebration ni Da King Fernando Poe Jr., ang ginawa ng kanyang anak na si Sen. Grace Poe. Ito ay ang pagdo-donate ng 50 electronic tablets para sa mga mahihirap na estudyante na sasabak sa online at blended learning sa gitna ng Covid-19 pandemic. Anang senadora,”Tiyak kong matutuwa si FPJ para sa tulong na ito sa mga kabataang lubos na nangangailangan lalo …

Read More »

Health sector prayoridad sa Bayanihan 2 — Angara

PINAKALAMAKING bahagi ng pondo para sa Bayanihan to Recover as One Act o mas kilala sa tawag na Bayanihan 2, ay inilaan sa sektor ng kalusugan. Ito ang sinabi ni Senador Sonny Angara, chairman ng senate committee on finance na nanguna sa ratipikakasyon ng naturang panukala sa Mataas na Kapulungan. Ani Angara, pangun­ahing layunin ng Bayanihan 2 na ipagpatuloy at …

Read More »

PhilHealth’s Morales, ExeCom sampahan ng kaso — Lacson (Iginiit na ‘mafia’)

Philhealth bagman money

INIREKOMENDA ng senado na sampahan ng kaso si Philippine Health Insurance Corp., (PhilHealth) chief Ricardo Morales at iba pang matataas na opisyal ng ahensya dahil sa mga nalantad na katiwalian. Pahayag ito ni Sen. Panfilo Lacson matapos wakasan ng Senado noong nakaraang linggo ang kanilang imbestigasyon sa mga anomalya sa PhilHealth. Sinabi ni Lacson, kabilang sa mga kasong inirererekomenda ng …

Read More »

Tuesday Vargas naluha, ‘di kailangan ng marangyang bagay

PANDEMYA. Mga buhay na nag-iiba. May mahihiling pa ba? Para sa singer, komedyana, at aktres na si Tuesdy Vargas, ito ang masasabi niya. “Alam mo ‘yung nakakaluha sa tuwa na moment? “’Yung ma-realize mong wala ka palang marangyang bagay na kailangan. ‘Yung lahat ng nararapat ay nasa iyo na pala.  “Nagpaso po ako ng napakaraming halaman kanina. Nagbalot, nag-tag, nag-deliver.  “Pagod …

Read More »

Jinkee, mas focus sa pagtulong kaysa bashers

SOSYAL na kung sosyal. Pero, hindi pinapansin ng misis ng Pambasang Kamaong Manny Pacquiao, na si Jinkee ang mga basher niya na patuloy na tumutuligsa sa pagbabahagi niya ng marangyang buhay nila rito sa siyudad o kaya eh, sa Gensan. Kasi nga, bukod sa ang pamila nila ang inaasikasong mabuti ni Jinkee sa panahon ng pandemya, sige rin sila ni Pacman sa pagbuhos …

Read More »

Sheree, umaapaw ang talento bilang artist

NGAYONG panahon ng pandemic ay mas nagagamit ni Sheree ang kanyang mga itinatagong talento. Aminado ang sexy actress na mas naghahasa pa siya ng kanyang iba pang kaalaman dahil naniniwala siyang darating ang pagkakataon na magagamit niya ito. Pahayag ni Sheree, “Simula po noong lockdown, inilaan ko ang free time ko to learn new things and i-develop pa ‘yung talents …

Read More »

SMC magpapalaki ng mud crab sa mangrove plantation sa Bulacan (Sa itatayong international airport)

NAKATAKDANG magtanim ng 190,000 puno ng bakawan ang San Miguel Corporation (SMC) malapit sa itatayong international airport sa lalawigan ng Bulacan bilang flood mitigation measure. Ang isasagawang mangrove forest sa 10 hektaryang bahagi ng 700-bilyong proyekto ay bilang permanenteng solusyon sa perennial flooding problem sa hilaga ng Metro Manila. Kaugnay nito, magpapalaki ang SMC ng 100,000 mud crabs kada taon …

Read More »

Tulak ng ‘bato’ sa Bulacan nagbebenta na rin ng damo

marijuana

PININIWALAAN ng pulisya na dahil sa hirap at higpit ng pagbibiyahe ng shabu ngayong pandemya, ilang tulak sa Bulacan ang luminya sa pagbebenta ng marijuana sa drug users. Sa sunod-sunod na drug operations ng Bulacan police, karamihan sa mga nahuli ay marijuana ang ibinibenta. Sa ulat na isinumite kay P/Col. Lawrence Cajipe, provincial director ng Bulacan PNP, 24 drug suspects …

Read More »

Graphic artist, Grab driver arestado sa pekeng dokyu

ISANG graphic artist at isang Grab driver ang dinakip ng pulisya dahil sa pamemeke ng health certificate at travel pass sa ikinasang entrapment operation ng San Juan PNP noong Sabado ng hapon, 22 Agosto. Kinilala ni P/Col. Jaime Santos, hepe ng San Juan police, ang mga nadakip na sina Angelito Benipayo, 42 anyos, isang graphic artist; at Laverne Esquivias, 32 …

Read More »