Wednesday , June 24 2026

Sen. Grace, namahagi ng 50 electronic tablets

KAKAIBANG birthday celebration ni Da King Fernando Poe Jr., ang ginawa ng kanyang anak na si Sen. Grace Poe. Ito ay ang pagdo-donate ng 50 electronic tablets para sa mga mahihirap na estudyante na sasabak sa online at blended learning sa gitna ng Covid-19 pandemic.

Anang senadora,”Tiyak kong matutuwa si FPJ para sa tulong na ito sa mga kabataang lubos na nangangailangan lalo na ngayong tayo’y may kinakaharap na malaking health crisis. Noong siya’y nabubuhay pa, madalas niyang sabihin at ipakita na mas malapit sa puso niya ang mga mahihirap nating kababayan,”.

Sa mga estudyante ng Don Quintin Paredes High School sa Quezon City ipinamahagi ng senadora ang mga Cherry Mobile tablets. Tinanggap iyon ng kanilang principal na si Mr. Ernest Ferrer Jr.. Kasama ni Poe na namahagi ang kanyang chief of staff at anak na si Brian Poe Llamanzares at Quezon City Vice Mayor Gian Sotto.

“Higit lahat sa panahong ito, hindi dapat maiwan sa pag-aaral ang mga kapuspalad nating estudyante dahil lang wala silang kakayahang bumili ng sarili nilang tablet para sa online education,” sambit pa ng senadora na isa ring dating guro.

Ang mga tablet na ipinamahagi ni Poe ay makatutulong para sa bagong paraan ng pag-aaral lalo’t walang face-to-face classes ngayon para makaiwas na rin sa Covid-19.

“Sa pagharap natin sa pandemyang ito, mas mahalagang itulak tayo ng krisis tungo sa innovation at inclusion at hindi para palalain ang hindi pagkakapantay-pantay ng mga tao lalo na sa larangan ng edukasyon,” dagdag pa ng senadora.

Matagal nang adbokasiya ni FPJ ang tumulong sa mga nangangailangan at mahihirap. ”Sa kanyang mga pelikula noon, siya man ang pinakabida pero ipinakikita rin na kailangan niya ang tulong ng mga tao, ng mga ordinaryong tao, para magtagumpay. Ganyan din tayo ngayon, kailangan nating magsama-sama para makabalikwas mula sa problemang dulot ng Covid-19,” ani Poe.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Sheena Halili Baby Family

Sheena excited sa ikatlong baby

MATABILni John Fontanilla MASAYANG-MASAYA ang Starstruck alumni na si Sheena Halili sa paglaki ng pamilya nila ni Jeron Manzanero, ang guwapo …

BJ Forbes Kara David

BJ Forbes na-depress, nawalan ng bahay

MA at PAni Rommel Placente SA interview sa kanya ni Kara David, naikuwento ng dating child …

David Licauco Barbie Forteza Kathryn Bernardo

David game muling makipagtrabaho kay Barbie

ni Allan Sancon SA kabila ng patuloy na panawagan ng mga tagahanga para sa muling …

Jose Manalo

Jose kayang-kayang magsolo, klick din sa foreigner

I-FLEXni Jun Nardo KINAYA ng komedyanteng si Jose Manalo na aliwin ang crowd na dumagsa sa Turning …

Ian de Leon Lotlot de Leon

Bangayan nina Lotlot at Ian tumitindi

I-FLEXni Jun Nardo SINASABI pa lang ang role ni Lotlot de Leon sa story conference ng gagawing …